Habang nililipad ang buhok ko ng hangin,panay naman ang pagkuha nila ng litrato sa akin.
The fresh air and a wonderful view of this beach makes me relax.It's a nice spot for my photoshoot,sa likod ko ay ang asul tubig ng dagat,at ang aking inaapakan ay ang sobrang puting buhangin na hindi ko aakalain na aking makikita.
"Fierce,Kath!"
I'm wearing a red bikini exposing my boobs.I look at the photographer with a fierce look.
"Perfect!Alright Kath wear your clothes."
Almost half hour of taking photos at last.But it's okay kung magtagal kami rito,I enjoyed the view by the way.
Gusto ko ang tanawin,sobrang nakakamangha pero di naman kami pwedeng magtagal,i have two schedule photoshoot for today.
I'm a filipina a well-known model here in LA.Nakakaproud lang na kung noon andami kong hirap na pinagdaanan,ultimo centavo ay wala ako.Pero ngayon,sinong mag-aakala na ang kawawang ulilang bata noon ang layo-layo na nang narating ngayon.
"Kathlyn,ayusin mo ang pagwawalis mo!Andami-dami pang mga natitirang alikabok dito!" Ganyan si Tita Malou,utos dito-utos doon.Simula ng mamatay ang aking ina ay dito na ako tumira sa kanila.Ulila na din ako sa aking ama,namatay siya dahil nabunggo ng sasakyan.
"Hoy!Kat-kat paki abot ng remote." Utos ng aking pinsan na si Elise.Namana niya kay Tita Malou ang garapal niyang pag-uugali.
Kinuha ko ang remote at ibinigay sa kaniya.Halos wala akong pahinga kakautos nila sa akin.Kung ituring nila ako ay parang utusan nila.
"Kat--katulong,hahaha," Tumawa ang aking pinsan na si Edna bunsong kapatid ni Elise.Naiinis ako kapag sinasabihan niya ako ng ganiyan,gusto kong sabunutan siya pero hindi ko magawa dahil natatakot ako kay Tita.Sila nalang din naman ang kilala kong kamag-anak kaya wala akong ibang mapuntahan.
Pasekreto nalang akong umirap.Konting tiis pa self,makakatakas kadin sa empyernong bahay na ito.
"Oh itong isda,prituhin mo nalang.Bilis nagugutom na kami." Utos ni Tita,lahat ng gawaing bahay ako ang gumagawa.Gusto kong manumbat pero alam ko kung ano ang kalalabasan.Takot akong paalisin ni Tita kaya kahit sobrang hirap na ay tinitiis at kinakaya ko padin.
Naghahanda ako sa mga plato ng biglang hawakan ni Tito Arnel ang aking puwet.Muntik ko pang mabitawan ang hawak kung plato dahil sa gulat.
"Tito," Nasa sala sila Tita at ang aking mga mala prinsesang pinsan.
"Ang sarap mo siguro," Bulong niya sa'kin kaya nagsitayuan lahat ng balahibo ko.
"Huwag kang mag-alala hindi ito malalaman ng Tita Malou mo." Kumindat pa siya sa akin na mas lalong nagpakaba sa nararamdaman ko.
"Kat--katulong bilisan mo nga diyan nagugutom na ako." Buti na lamang ay dumating si Edna.Nakakakilabot ang ngisi ni Tito.Sa loob ng anim na buwan ko dito sa kanila panglimang beses na akong sinasabihan ni Tito Arnel ng ganito,pero iba ngayon.Ang mga titig niya ay nakakakilabot talaga.
Nagpatuloy ako sa aking ginagawa at tinawag ko na sina Tita at Elise para kumain.Pilit kong isinawalang bahala ang sinabi ni Tito Arnel.
Pagkatapos naming kumain ay inutusan na naman ako ni Tita Malou na labhan ang kanilang mga damit.Pati paglalaba sa mga damit nila sa akin padin iaasa.Kailan ba matatapos ang mga paghihirap ko?Matatapos pa ba ito?
Wala silang Washing Machine kaya kamay lang ang gamit ko.Habang naglalaba ay may biglang yumakap sa'kin.
May bigla na lamang yumakap sa akin at alam kong si Tito Arnel ito.Sisigaw na sana ako ngunit naunahan niyang takpan ang bibig ko.
"Shhh,huwag kang maingay baka marinig tayo ng Tita Malou mo." Nagpupumiglas ako,ang lakas niya pilit kong inaalis ang kamay niya ngunit parang wala lang sa kaniya.
"Halika muna,promise saglit lang 'to." Hindi ko alam ang gagawin ko.Ang lakas ni Tito Arnel.Naluluha na ako sa aking nararamdaman,pinaghalong takot at kaba.Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit tila hindi ko makaya.
"Ano ba!" Mahina lang ngunit madiin sa bangit niya sa aking tainga."Huwag ka ng umangal." Bigla akong napatigil sa pagpupumiglas ng may itinutok siyang kutsilyo sa aking tagiliran.Umiling-iling ako sa sobrang kaba at takot.
"Pasok dali!" Dinala niya ako sa tapat ng cr.Pilit akong umaatras ngunit hindi ko mapantayan ang lakas ni Tito Arnel.Pilit niya akong pinasok sa cr.
Walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha.Nanghihina ang mga tuhod ko,lalo na ng simulan na ni Tito Arnel na halikan ako.Pilit ko siyang tinutulak,please sana dumating si Tita Malou o di kaya'y ang mga pinsan ko.
"T-tito huwag po," Nanginginig na pakiusap ko sa kaniya.Tinitigan niya muna ako sandali,akala ko maaawa siya ngunit nagkamali ako.Ngumisi siya na parang nasasapian.Ang tawa niya ay mala demonyo at namumula pa ang kaniyang mga mata.
"Sandali lang naman ito Kath,huwag kang mag-alala paliligayahin kita." Nanlalamig na ako sa kilabot ng ngisi niya."Ipapatikim ko sa iyo ang langit." Lumapit ulit siya sa akin.Akmang hahalikan niya ulit ako pero sinipa ko ang p*********i niya.Buong lakas ko iyong tinira kaya napadaing siya sa sobrang sakit.
"T*ngin*," Lumabas ang malutong na mura sa kaniyang bibig.Yumuyuko siya habang hawak-hawak ang alaga niyang sinipa ko.
Nanginginig ako,parang nag-ugat na sa sahig ang aking mga paa.Nahihirapan akong gumalaw dahil sa takot.
"Matapang kang bata ka," Mas nakakakilabot na ang awra ni Tito Arnel,galit na galit siya sa ginawa ko.Unti-unti siyang lumalapit habang ako ay unti-unti ding umaatras hanggang sa wala na akong maatrasan.
"Tito,please po maawa po kayo sa akin.Pamangkin niyo po ako." Parang wala siyang narinig sa sinabi ko at mabilis niyang hinila ang braso ko ng mahigpit.
"Wala kang kawala!" Nasasaktan ako sa hila niya.Pumupula na ang braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa bowl,sapilitan niyang tinatangal ang suot kong damit,malapit na niyang matanggal iyon ng marinig namin ang mga yabag papuntang banyo.
Kinatok muna ni Tita Malou ang pinto.
"Sinong nandiyan?" Tanong niya.Nabuhayan ako ng pag-asa na makakawala ako.Gusto kong humingi ng tulong ngunit itinutok ulit ni Tito ang dala niyang kutsilyo sa aking tagiliran.
"A-ako p-po" Nautal ako dahil sa takot.
"Bilisan mo diyan Kath,maliligo pa ako." Pagkatapos niyang sabihin iyo ay lumayo na ang mga yapak niya,kaya nagsimula na naman sa pagtibok ng mabilis ang puso ko sa kaba.
"Huwag kana kasing umangal,madali lang naman ang gagawin natin." Unti-unting inilapit ni Tito ang mukha niya sa'kin.Nakita ko sa sulok ng aking mata na binitiwan niya ang kutsilyo kaya naka tyempo ako.Mabilis kong nahablot ang kutsilyo at itinutok sa kaniya.
"Huwag kang lalapit kundi sasaksakin kita." Nanginginig pa ang aking kamay kaya sinubukang agawin ni Tito ang kutsilyo.Inubos ko ang lahat ng lakas ko at nasaksak ko si Tito.
Dali-dali akong lumabas ng cr at tumakbo ng mabilis.Malakas na sumigaw si Tito kaya napatakbo si Tita Malou.
"O my god Arnel,anong nangyari sa'yo?" Iyon lang ang narinig ko dahil mabilis kong tinungo ang pintuan at umalis.
Habang tumatakbo ay walang tigil sa pag-agos ng mga luha ko.Ayaw ko na sa ganitong buhay pagod na ako.Kakambal ko ata si kamalasan,dose anyos palang ay puro kamalasan nalang ang ganap sa buhay ko.
Pinaghalong kaba,takot,sakit at pagod ang aking naramdaman.Kahit nanginginig ang aking buong katawan ay walang tigil akong tumakbo papalayo.Buti nalang at itim ang kulay ng aking suot na damit,hindi nila mahahalata na may mantsa ng dugo ito.
Maingay na tawanan ang aking naririnig galing sa mga tambay na nag-iinuman.Halos araw-araw nalang nilang ginagawa ang mag-inom.Totoo nga ata ang sinasabi nila na ang alak ay nakatutulong para makalimutan ang problema.Ang saya-saya nilang umiinom na parang wala silang pinapasang mga problema.
Masikip ang daanan dito dahil nasa squaters area naman kami.Magkakadikit lang ang mga bahay.Madaming mga tao na nakapaligid at pati mga basura ay kahit saan-saan nalang itinatapon.Isa sa dahilan kung bakit mabaho dito.
May tumawag sa pangalan ko ngunit patuloy lang ako sa pagtakbo.Hindi ko na nilingon at binigyang pansin pa kung sino man iyon.Gusto ko nang tumakas,takasan ang maingay,masikip,mabaho at maruming buhay na ganito.
Madilim na at hindi ko na alam kung nasaan na ako.Tanging ang mga dumadaang sasakyan lang ang nagbibigay liwanag sa dinadaanan ko.May nakita akong bato sa gilid kaya pansamantala muna akong tumigil at naupo doon.
Tumingala ako sa madilim na kalangitan.Pati buwan at mga bituin ay hindi man lang ako sinamahan ngayon.Umihip ang malamig na hangin kaya napayakap nalang ako sa aking sarili.Uulan ata,napangiti ako ng mapait.Ngayon pa talaga uulan kung kailan wala akong masisilungan at mapuntahan.
Tama nga ako sa aking pakiramdam,bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan.Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak at pagbuhos din ng tubig sa aking mga mata.Saan na ako pupunta?Basang-basa na ang aking katawan dahil sa ulan at nanginginig na ako sa lamig.
Ilang minutong paglalakad ay nakarating ako sa tapat ng isang restaurant.May nakita akong isang buong pamilya,ang saya-saya nilang kumakain.Sa hitsura at damit ay alam mo na talagang marangya ang kanilang buhay.Gusto ko din ng ganiyan pero napaka imposible na.Iniwan na ako ng aking pamilya.Napailing na lamang ako sa aking naisip.
Bakit kasi ang unfair ng mundo?Bakit may mayaman at mahirap?Noon simple lang naman ang hiling ko,ang maging buo kami ng aking pamilya.Hindi mahalaga ang ano mang materyal na bagay sa'kin,kung ano lang ang kaya ng aking mga magulang ay kontento at masaya na ako.Pero simula nang mawala sila,lahat ay nag-iba.
"Hoy bata umalis ka nga diyan." Napatigin lang naman ako sa mga kumakain sa loob pinapaalis na kaagad ako.Wala akong nagawa,umalis ako at naglakad-lakad ulit,mabuti nalang at humina na ang pag-ulan.Iyon nga lang nabasa na ako kanina pa.
Saan na ako pupunta nito?Tiningnan ko ang paligid at may nakita akong mga pulubi.May nakalatag lang na carton at iyon lamang ang kanilang hinihigaan.Nakakaawa at nakakadurog ng puso na makita sila sa kanilang sitwasyon.May nakita pa akong dalawang bata na humihiga lamang sa gilid ng daan.
Hindi ko inaakala na mangyayari ang lahat ng ito.Kahit sa aking panaginip ay hindi ko nakita na magiging ganito ako.Bahala na,pagod na ako sa kakalakad.Gusto ko munang tumigil at magpahinga.Inilibot ko ang aking paningin at nakakita ang bakanteng espasyo.Naghanap din ako ng carton para magamit kong higaan pansamantala.
Magpapahinga muna ako,hahayaan ko munang lamunin ako ng aking antok.Sa pagtulog ko lang talaga nararamdaman ang gaan at ginhawa.Dahil sa pagtulog lang naman natin naererelax ang ating mga sarili.Sa pagtulog wala tayong iniisip at pinuproblema.Sa pagtulog lang talaga natin nararamdaman ang tunay na katahimikan at kaginhawaan.