Ram
Napapangiti ako Tuwing naaalala ko na kami na ni Arabella ang babaeng kinaiinisan ko noon ay Ngayon ang babaeng mahal ko at girlfriend ko na. As soon as I wake up the next day I texted her with kiss emoji pa. Hindi agad ito nag reply Malamang tulog pa 5am palang kasi. Maaga talaga ako nagigising to go for a walk with my dogs then shower and drink my healthy shakes for breakfast. At around 8am wala pa din itong reply kaya tinawagan ko na ito. Nakailang ring pa bago ito sumagot. “Hello baby loves aga mo napatawag?” Halatang nagising Lang ito sa pag tawag ko. “What?! It’s not early anymore it’s 8am” Sagot ko dito. “Yeah that’s early for me lalo na pag week end nag bababad ako sa kama hanggang tanghali” Inis na Sagot nito. “We’ll that will change.. from now on gigisingin kita ng maaga tapos mag exercise tayo Hindi healthy yang nagbabad sa kama” Sagot ko dito. Hindi ito kumibo kaya pinaalala ko na susunduin ko siya ng 11:00am. “Did you read my text message.. I will pick you up at 11:00am we’re going somewhere” paalala ko dito. “Saan tayo pupunta Miguel?” Taka nitong tanong “basta mag de date tayo” masaya Kong Sagot dito. “Ok I’ll see you I will get ready now.. I love you baby loves” excited na Sagot ni Ara. “I love you too see you soon bye” Sagot ko.
I decided to bring something for her Tita Carla dahil Plano ko ring pormal na magpakilala as Arabella’s boyfriend. Nang makarating sa harap ng bahay nila Arabella ay huminga muna ako ng malalim bago ako bumaba ng kotse. Bitbit ko sa isang kamay ko ang bulaklak for Tita Carla and Arabella ang isang kamay ko ay bitbit ang fruits and sweet basket na May kasamang mamahaling wine. Nag doorbell ako at agad naman itong binuksan ng baby loves ko. “Hi baby loves pasok ka.. you need help?” Masayang bati nito. As usual napapailing ako sa make up nito at suot na damit dahil laging Maiksi. “No baby love I’m fine.” Maiksi kong Sagot. “Bakit ba kasi ang dami mong dala para saan ba yan?” Usisa ni Arabella. Bago pa ako makasagot ay narinig ko ang boses ng Tita nito. “May bisita ka Bella?” Tanong nito habang pababa ng hagdan. “ ahh.. Tita si Miguel po boyfriend ko.. Miguel ang pinaka mabait at maganda kong Tita Carla” pakilala saamin ni Arabella. “Hello mam.. I want to formally introduce myself.. Randall Miguel Montemayor po boyfriend ni Arabella” kinakabahan Kong saad. “Nice to meet you Mi..guel?” Sagot ng Tita nito na tila nag tatanong kung Miguel ang itatawag saakin. “Ram po.. si Arabella Lang po tumatawag saakin ng Miguel pero kayo po bahala Kung ano po gusto niyo.. by the way po para po sainyo” Inabot ko ang basket arrangement ng ibat ibang klaseng prutas at chocolate na May kasamang wine at ang bouquet of flowers tag isa sila ni Ara. “Saan ko po pwedeng ilapag?” Tanong Kong muli. “Doon nalang iho sa kitchen table.. at salamat Ram hindi kana sana nag abala pA.” Nakangiting Sagot ng Tita nito. “Walang anuman po.. Pasensiya na po Kayo at Hindi man Lang ako nakaakyat ng Ligaw sa bahay niyo bago naging kami ni Ara..” nahihiya Kong paumanhin. Nakita kong Sinulyapan nito si Arabella matapos ay binaling muli ang tingin saakin. “Ok Lang iho basta Huwag mo lang sasaktan ang Bella ko mahal na mahal ko yan” seryosong pAalala ni Tita Carla. “Opo Tita makakaasa po kayo” nakangiti kong sagot sabay sulyap ko kay Arabella na Kay lapad ng ngiti ngayon.
Arabella
Lulan kami ng sasakyan ni Miguel ngayon hawak hawak nito ang aking kamay habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela. “Salamat Miguel sa effort mo kanina kay Tita Carla” Sambit ko dito. “That’s the right thing to do baby loves I want to show your Tita na malinis ang intensiyon ko saiyo at seryoso ako saiyo” seryoso nitong sagot kaya para akong eartworm na Nangisay sa kilig. “Ikaw ba Arabella seryoso ka ba saakin?” Tanong nito. “Hello!! Ako nga ang nanLigaw saiyo eh at habol ng habol Malamang seryoso ako saiyo.. isa pa Miguel ikaw ang unang boyfriend ko.” Nakangiti kong Sagot dito habang tinaas taas ko ang dalawa Kong kilay. “Puro ka biro Bella” Inis na Sagot nito. “Hindi ako nag bibiro Miguel ikaw ang una kong boyfriend.” Ngayon ay May halong Inis na din ang boses ko. “Ok sabi mo eh” mabilis na Sagot nito. Hindi na ako kumibo kasi nAkaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil parang ang hirap sakanyang paniwalaan ng sinabi ko na siya ang una kong boyfriend. “Saan mo gustong kumain baby loves?” Tanong ni Miguel marahil ay napansin niya ang pananahimik ko. “Kahit saan ok Lang saakin” walang gana kong sagot. “May problema ba Bakit parang nag iba mood mo?” Tanong nito. Manhid ba siya lalo lang akong Naiinis. “ wala baka gutom lang ako” muli ay walang gana kong sagot. “I love you Arabella” Sambit nito sabay halik sa kamay ko. Wala na finish na basta narinig ko ang I love you nito nawawala ang kirot ng puso ko. Ngumiti ako at hinalikan ko ang pisngi niya. “Mahal na mahal kita Miguel” buong puso kong Sagot. Nag punta kami sa mall at kumain sa fast food ng burger and fries. Matapos ay bumili kaming ice cream sa cold stone habang nag lalakad lakad sa mall. Sinadya kong itama ang ice cream ko sa pisngi niya sabay hingi ko Kunyari ng sorry. “Ayy.. sorry baby loves” while I’m giggling “baby loves Punasan mo yan ang lagkit” maktol nito. “Ok” mabilis kong Sagot Sabay sipsip at dila ko sa ice cream sa pisngi niya. Nakangisi ito ngayon ng pilyo na tila nagustuhan ang ginawa ko. “You’re so naughty baby loves.. but we don’t have time for that we have an appointment” Sagot nito. “Hah? Appointment? Where?!”taka Kong tanong. “Basta follow me” nakangiti nitong sagot. Dinala ako nito sa isang designer clothes shop sa loob ng mall. “Hi Sir Ram everything is ready pwede na po mag Sukat ang girl friend niyo” magalang na bati ng babae kay Ram
“Great..” Maiksing Sagot ni Miguel sabay abot ng black credit card. “Baby loves let’s go” Yaya ni Miguel saakin. Nakita kong isinara ang shop ng tuluyan. “Sh*t ipinasara talaga ni Miguel ito para ako Lang makapag shopping ng damit” kinikilig kong kausap ang sarili ko. “ start trying on some clothes” nakangiti nitong Utos. Mabilis kong iginala ang aking mga mata. “Ayy shocks wala akong bet. Bukod sa super mamahal pang manang” kausap ko muli sarili ko. “What’s wrong wala ka bang nagustuhan?” Tanong nito. “Ahh.. Wala eh Hindi ko mga style yung damit nila eh” nahihiya Kong Sagot. “That’s the reason why I brought you here Arabella.. you have to change your wardrobe.” Sagot ni Miguel. “Anong ibig mong sabihin Miguel?” Taka Kong tanong kahit May ideya na ako ano ibig niya sabihin. “ dahil May boyfriend kana you have to start wearing something decent not inviting.. look what you’re wearing right now lahat ng lalaki sa katawan mo na lang nakatingin ako Lang dapat nakakakita niyan yung tayo Lang dalawa” Litanya nito. Naguguluhan man ako sa gusto nitong mangyari ay nagustuhan ko yung pag ka possessive niya Kaya pumili na lang ako ng mga damit katulad ng Utos niya. Nag simula sa casual wear then semi formal then super formal. Matapos Kong mamili ng damit I asked the sales lady. “How much lahat?” Habang nilalabas ko ang wallet ko. Nakita Kong tumaas ang kilay nito at Ngumisi. “645,000.00 pesos” mabilis na sagot nito. “Ano? Bakit ang mahal hindi naman bahay binili ko” gulat Kong tanong. “Don’t worry it’s paid. Binayaran na ni Sir Ram” suplada nitong sagot. “Is everything ok here” biglang sulpot ni Miguel sa likod ko. Biglang inayos nung babae ang masungit niyang muka at biglang ngiti. “Yes sir Ram. I told her to don’t worry about it bayad mo na lahat” Sagot nito kay Miguel. Pwedeng artista ito at gumanap na ahas sa galing mag pAlit ng Balat. “ Miguel I think this is too much” nahihiya kong Sambit kay Miguel. “ nothing is too much for the one you love so much” Sabay halik sa labi ko sa harap Mismo ng babaeng ahas. Mga banat ni Miguel minsan gusto mong mag cartwheel sa kilig. Ang mga staff ng shop ay buhat buhat ang mga pinamili kong damit at inilagay sa sasakyan ni Miguel. Twenty yata na malalaking paper bag yun dahil bukod sa pinili ko Meron pa itong idinagdag. “From now on yan na ang susuotin mo sa school at anytime na lalabas ka ng bahay ok baby loves” Sambit nito ng makasakay na kami sa sasakyan. “Paano naman yung mga damit na gusto kong suotin Miguel?” Malungkot Kong tanong. “Suotin mo pag tayo Lang dalawa yung ako Lang makakakita. Boyfriend muna ako Arabella Hindi kana single ayokong may lumalapit at pinag nanasaan ka dahil sa suot mo” sersyoso nitong sagot. Somehow may punto din naman siya kaya Hindi na ako nakipagtalo. “May punto nga ba oh talagang lagi ko Lang iniintindi si Miguel dahil mahal na mahal ko” kausap ko muli ang sarili ko. Nang makauwi sa bahay tinulungan ako ni Miguel na ipasok ang mga pinamili namin. “Bella ang dami mo naman pinamili ano yan magtatayo ka ng boutique?” Tanong ni Tita Carla na inabutan naming nanonood ng Tv sa living room. “Ewan ko po kay Miguel Tita parang binili na yung buong shop” Sagot ko
Ngumiti Lang si Miguel at lumapit saakin. “ anything for you Arabella” Sabay halik sa noo ko. Niyakap ko ito ng mahigpit. “I love you Miguel” Sambit ko habang yakap yakap ko ito ng mahigpit. “I love you too” Maiksi nitong sagot habang yakap din ako. “Hoy sobrang sweet niyo Tama na yan naiinggit ako” biro ni Tita Carla. “Una na po ako Tita” paalam ni Miguel. “Do you want to stay for dinner Ram” alok ni Tita Carla. “Oo nga Miguel dito kana mag dinner” pilit ko dito habang yakap yakap ko pa din ito. Bigla naman May ng doorbell. “Oh they’re here wait Lang guys” paalam ni Tita. “Who’s here” tanong ni Miguel. Nagkibit balikat lang ako. Nang makapasok ang bisita ni Tita Carla napakunot agad ang kilay ni Miguel. Si Tita Helen at si Kevin. “I didn’t know Miguel” bulong ko dito habang nakatingin ako sa mga mata nito. “Ah Ram Bella,, I’m sorry akala ko kasi sa labas na din kayo mag di dinner kaya naisipan Kong yayain ang Tita Helen mo at Si Choy.” Paliwanag ni Tita Carla “Montemayor.. nandito ka pala” bati ni Kevin. “Sandoval.. yes I’m here hinatid ko Lang girlfriend ko.” Sabay yakap saakin ni Miguel. Umiwas ng tingin si Choy sabay tikhim ni tIta Carla. “Ah let’s all go to the dinning area.. Ram she’s my best friend Helen, Kevin’s Mother.” Pakilala ng Tita habang kami ay patungo sa kusina. “I know Tita Helen po she’s our family friends .. Nice to see you again Tita Helen” Magalang na Sagot ni Miguel. “Nice to see you too Ram” nakangiting Sagot ni Tita Helen. At heto na nga kami mag Kaka harap at sabay sabay kakain ng dinner. “Thank you Lord!!”sarkastikong bigkas ko habang taas taas ko ang dalawang kamay ko. “Stress nanaman ang beauty ko nito” sigaw ng utak ko.