Nakahiga si Cash sa kama habang nakatitig sa kawalan. Lingo ngayon kaya wala siyang pasok. Kahapon ay ganito na rin ang drama niya. Ni hindi pa nga siya nakaka-gawa ng lesson plan para sa ituturo ngayong darating na lingo. Paano ba namn eh iba ang laman ng isip niya. It's been weeks mula nang huling magkita sila ni Anthony. Mukhang wala na talaga itong balak pakinggan ang side niya. Nang sabihin ni Anthony na hindi na niya nito kailangan ng serbisyo niya, ay hindi niya maipaliwanag ang damdaming lumukob sa kanya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Isang factor siguro nun ay ang hindi niya pagkaka-explain ng side niya. A big part of her misses the Martinez residence. Ni hindi man lang niya nagawang magpaalam sa mga kapatid ng binata. Lalo na kay Val. And of course Anthony. She m

