NANGINGINIG ang buong katawan ni Kaia habang ang mga braso niya ay naka krus pa din sa dibdib niya. Magkahalong panlalamig at kaba ang nararamdaman niya ngayon. Nilalamig, dahil basa ang suot niyang damit at kaba naman dahil kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa kanila ni Zale ngayon. Kahit pa napaka gwapo nito at napaka sexy dahil nakabalandra sa mga mata niya ngayon ang buhad na katawan nito. Kitang-kita niya ang matipunong katwan nito. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin siya makakapayag sa gusto nito. Hindi pa siya handa sa ganoong bagay. Muli siyang napaatras ngunit malamig na bagay lang ang lumapat sa likod niya. Wala na siyang takas sa lalaki. Ito na ba talaga ang kahihinatnan nang puri niya? Unit-unting lumalapit si Zale sa kanya. Hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan

