"WHAT are you doing here Kaia?" Tanong ni Zale kay Kaia nang maabutan siya nito at ng mga kaibigan nitong sina Xander, Liam at Kean sa loob ng private office nito. Nang makita nito ang hawak niyang underwear ay agad lumapit ito sa kanya at kinuha iyon sa kamay niya. "Why are holding my underwear?" Bulong pa nito sa knaya. "Ahm.. A-ano k-kasi.. Nakita ko na dala-dala iyan ng ipis kaya kinuha ko." Umarte siyang tumatawa. "Grabe no? ang lalakas pala ng mga ipis dito sa building." Sabi niya habang eksaheradong tumawa muli. 'Really? Ipis talaga kaia? Sana nilakihan mo naman para kapani-paniwala naman.' Tanong ng munting tinig sa isip niya. Pero wala na siyang ibang maisip na pwedeng palusot sa sitwasyon niya ngayon. Kaya bahala na ang mga ito kung maniniwala sa alibi niya. Wala siyang choic

