Chapter 5

1004 Words
Pagbalik namin sa opisina matapos ang lunch meeting, halos gusto ko nang umupo agad at ibagsak ang notebook ko sa mesa. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi dahil sa pagod lang, kundi dahil sa mga nangyari kanina. Under the table, Bash Castillo. Talaga bang ginawa mo ‘yon? At bakit hindi ko tinanggal ang kamay ko? “Miss Velasquez.” Napatingin ako bigla. Nakatayo siya sa harap ng desk ko, nakasuksok ang kamay sa bulsa, at malamig ang ekspresyon. Kung makikita siya ng iba, iisipin nilang pormal lang siya at walang pakialam. Pero sa likod ng tingin niyang ‘yon, alam kong may alam siya na ako lang ang nakakaintindi. “Sir?” “In my office. Now.” Agad akong sumunod, dala ang notebook ko. Pagkapasok ko, isinara niya ang pinto at dumiretso sa upuan niya. Tahimik lang siya habang nagbubukas ng laptop. Ako naman, parang tanga lang na nakatayo roon, naghihintay ng utos. “Sir, do you need me to type something, or—” “Sit.” Umupo ako sa harap niya. Hindi ko siya matingnan nang diretso, pero ramdam kong nakatitig siya sa akin. Maya-maya, nagsalita siya. “You surprised me today.” “Po?” “Hindi lahat ng interns may lakas ng loob magsalita sa investors. Pero ikaw…” ngumisi siya ng konti, ‘yung tipong nakakaloko. “…you held your ground.” “Ginawa ko lang po yung trabaho ko.” “Trabaho?” ngumisi siya, leaning forward. “Sweetheart, you went beyond your job description. Ang interns, usually taga-kopya lang ng files at taga-bili ng kape. Pero ikaw, nakipag-debate sa mga taong twice, thrice your age. That’s bold.” Nag-init ang mukha ko. “Kung may mali po akong nasabi—” “Walang mali.” Pinutol niya agad ako. “Actually, you were right. I just didn’t expect it.” Napatigil ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa papuri niya o maiinis kasi halatang hindi siya sanay na may lumalaban sa mundo niya. Tahimik siya ng ilang segundo, tapos biglang bumangon mula sa upuan niya at lumapit sa desk kung saan ako nakaupo. Tumayo siya sa gilid ko, malapit na malapit, hanggang sa halos maramdaman ko ang init ng katawan niya. “Pero may isa akong hindi maintindihan…” bulong niya, mababa ang tono. “…kung bakit hindi mo tinanggal ang kamay mo kanina.” Napasinghap ako at napatingala sa kanya. “Sir, kayo po ang humawak—” “Yeah,” tumawa siya ng mahina, pero halatang may laman. “And you didn’t pull away.” Hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yon. Gusto kong magalit, gusto kong magtanggol sa sarili ko, pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nga ba hindi ako umatras. “Sir, please…” mahina kong sabi. “Don’t… don’t make this harder for me.” Saglit siyang tumingin sa akin, tapos napabuntong-hininga at lumayo. Umupo ulit siya sa chair niya, seryoso na ulit ang mukha. “You can go,” sabi niya. “I’ll call you if I need you.” Tumayo ako agad, dala ang notebook ko, at lumabas ng opisina niya. Pagkasara ng pinto, halos malaglag ako sa upuan ko sa labas. Ano bang nangyayari? Bakit parang… hindi lang basta laro sa kanya ito? At bakit ako mismo… parang nahuhulog na rin? Pagkatapos ng hapon, halos gusto ko nang mahulog sa upuan ko sa sobrang pagod. Ang dami niyang pinagawa—emails, filing, phone calls—pero kahit gano’n, ramdam ko pa rin yung titig ni Bash mula sa loob ng opisina niya. Tuwing dumadaan siya sa harap ko, kahit isang segundo lang, parang lumalakas ang t***k ng puso ko. Nang mag-5:30 na, unti-unting naglabasan ang mga empleyado. Ako, nanatiling nakaupo sa desk ko, sinusubukan pang tapusin ang huling email draft. “Miss Velasquez,” tawag niya bigla mula sa pintuan ng opisina niya. Napatayo ako agad. “Yes, sir?” “Come inside.” Dahan-dahan akong pumasok, dala ang laptop ko. Nakaupo siya sa desk, medyo nakatanggal ang necktie at nakaluwag ang butones ng polo niya. Mas lalong naging dangerous ang aura niya sa ganitong itsura—relaxed pero nakakaakit. “Done with the reports?” tanong niya. “Yes, sir. I already saved them sa shared folder.” Tumango siya. Tahimik. Tapos tiningnan niya ako ng matagal, parang may binabasa sa mukha ko. “Sir?” “Sit.” Umupo ako sa harap niya, kinakabahan. “Do you regret it?” bigla niyang tanong. Napakunot ang noo ko. “Regret what?” “You know what I’m talking about.” Nanahimik ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya. Pero sa halip na magsalita, siya mismo ang ngumiti, ‘yung tipong nakakaasar at nakaka-turn on sabay. “You didn’t pull away, Althea.” Nanlaki ang mata ko. “Sir, please… wag niyo pong banggitin ‘yon dito. Office po ito—” “Exactly,” putol niya, leaning forward. “This is my office. My rules. And right now, I want honesty.” Huminga ako ng malalim. “I… I don’t know what to say.” Hindi siya sumagot. Tumayo siya, lumapit sa gilid ko, at bahagyang yumuko. Ang amoy ng kanyang perfume, halong wood at spice, halos magpawala ng ulirat ko. “Don’t think too hard,” bulong niya. “Actions speak louder than words. And yours? Tells me more than enough.” Bago pa ako makasagot, tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha at sumagot ng tawag. Sa tono niya, halatang business-related. Habang nagsasalita siya, lumayo siya ng konti, at ako naman ay agad na nakahinga nang maluwag. Sht. Delikado ‘to. Ang bilis kong nadadala.* Pagkatapos ng tawag, lumingon siya ulit sa akin. “You can go home now. Be here early tomorrow.” Tumayo ako agad, halos nagmamadali palabas ng opisina. Pero bago ko tuluyang isinara ang pinto, narinig ko ang mahina niyang bulong. “See you tomorrow… sweetheart.” At doon ko tuluyang naramdaman ang kaba at init na pilit kong tinatago buong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD