The next morning, Sebastian woke up not to the hangover he deserved, but to the relentless beeping of his phone. Meetings. Reports. Memos. Deadlines. Ganito palagi — kahit anong oras umuwi, walang nakakapigil sa buhay ng isang Castillo. Naka-bathrobe lang siya, kape sa kamay, habang nasa terrace ng master’s bedroom. Tanaw niya ang lungsod ng Maynila — ang empire na pinaghirapan ng ama niya. At balang araw, expected siya na hawakan iyon nang buo. “Mr. Castillo, your 9 AM board meeting is confirmed,” sabi ng PA niya sa kabilang linya. “Also, Attorney Alcantara called. He’ll be joining you after lunch.” “Noted,” malamig niyang tugon. Professional tone. Kahit pagod, kahit inis. Sanay na. Pagbaba niya, nasa dining hall na si Cecilia, eleganteng nagbabasa ng diyaryo habang iniinom ang tsaa.

