Tahimik na halos buong floor ng Castillo Group. Past seven na. Karamihan sa mga empleyado’y naka-log out na, at tanging ilaw ng city skyline sa labas ang nagbibigay liwanag sa hallway. Ang mahinang ugong ng aircon at mga tipak ng hakbang ni Althea ang tanging maririnig habang pinupulot niya ang mga folder sa mesa. “Still here?” Napatigil siya. ‘Yung boses — mababa, pamilyar, at parang dumulas sa likod ng tenga niya. Paglingon niya, naroon si Sebastian Castillo — nakatanggal ang coat, naka-roll up ang manggas ng polo, at may hawak na basong may natitirang yelo ng whisky. Pagod ang mukha pero hindi mo maikakaila ‘yung karisma. Kahit nakatayo lang, parang buong paligid umiikot sa presensiya niya. “Mr. Castillo,” formal niyang bati. “Magla-log out na po ako.” “Late ka nang umaalis,” s

