Naiwan si Nathan de Leon sa gitna ng malamig na hangin ng gabi. Hindi siya agad gumalaw. Nakatayo pa rin siya sa parehong pwesto kung saan huli niyang nakita ang likod ni Althea—ang paraan ng paglakad nito palayo sa kanya, diretso, walang pag-aalinlangan. Walang paglingon. Walang second glance. Walang kahit anong senyales na may naiwan pa siyang bahagi sa buhay nito. Sumara ang pinto ng kotse ni Sebastian. Isang mahinang tunog lang iyon, pero para kay Nathan, parang may tuluyang nagsarang pinto sa isang bagay na matagal na niyang pinipilit panatilihing bukas. Umandar ang kotse. At doon niya tuluyang naramdaman ang katahimikan. Hindi ‘yung katahimikang mapayapa—kundi ‘yung katahimikang mabigat, yung klase ng tahimik na walang masisisi kundi ang sarili. Huminga siya nang malalim, pin

