Kinabukasan, parang wala akong tulog. Buong gabi, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung nangyari sa terrace—yung paraan ng pagkakahawak niya sa pisngi ko, yung halik na parang gusto niyang burahin lahat ng alaala ni Nathan. Sht, bakit ba pumapayag akong madala ng ganito? Pagpasok ko sa office, halos mabunutan ako ng tinik nang makita kong abala si Sebastian sa pagtanggap ng tawag. Nakatalikod siya sa desk, hawak ang cellphone, kaya mabilis akong nakaupo at nagkunwaring busy. Pero kahit nakatalikod siya, ramdam ko pa rin ang presence niya. Ilang minuto lang ang lumipas nang marinig ko ang boses niya. “Cancel my afternoon meeting. I’ll be out of town for two days.” Napataas ang kilay ko. Out of town? Pagkababa niya ng tawag, lumapit siya sa mesa ko. “Althea,” tawag niya, at napalunok

