Chapter 94

1020 Words

Hindi agad sumabog ang mundo kinabukasan. Walang leaked email. Walang anonymous post. Walang biglaang tawag mula sa HR o board. Sabado. At sa mundo ni Althea, ang Sabado ay parang pahintulot—pahintulot na huminga, na hindi mag-isip ng reputasyon, posisyon, o mga matang palaging naghihintay ng pagkakamali. Nagising siya nang mas huli kaysa karaniwan, may liwanag ng araw na pumapasok sa kurtina ng maliit niyang kwarto. Tahimik ang paligid. Walang notification na bumungad agad sa phone niya. Walang urgent message. Pero may isang pangalan na una niyang hinanap. Isang text ang pumasok ilang minuto matapos siyang magising. Bash:Are you free today? Napangiti siya agad—hindi dahil sa tanong, kundi sa paraan ng pagkakasabi. Walang pressure. Walang agenda. Walang “we need to talk.” Nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD