Habang lumalalim ang gabi, hindi pa rin humihina ang ingay sa club. Malakas ang tugtog, kumikislap ang ilaw, at punong-puno ng tawanan ang paligid. Sa mesa nila Althea at ng barkada, halos hindi na siya makahinga sa kakatawa sa antics ni Lianne at sa mga savage one-liner ni Kaira. Pero kahit pilit niyang mag-enjoy, ramdam pa rin niya. Yung pakiramdam na may mga matang nakatutok sa kanya—matindi, malamig, at mabigat. Parang invisible string na hinahatak siya pataas, kahit pilit siyang umiwas. At hindi siya nagkakamali. Sa taas ng private lounge, si Sebastian Castillo ay hindi pa rin kumikilos. Hawak ang whiskey, pero halatang hindi iyon ang iniintindihan niya. Kanina pa siyang nakatukod ang tingin kay Althea. Hindi alintana ang kwento’t tawanan ng mga kasama niya. “Thea…” bulong ni Mia

