“Let’s go baby ko.” pag aaya ko kay Alon. Pagbaba namin ng office, may naramdaman akong nakatingin sa'min, nilibot ko ang paningin ko sa parking lot pero wala akong nakitang kakaiba. Nag kibit balikat ako at inayos na ang seatbelt ni Alon. “Let's go?” nakangiting sambit ko at pinaandar ang sasakyan. Mabilis kaming nakarating sa condo namin, inalalayan ko pababa ang bata sa sasakyan, nandon na naman ang kakaibang pakiramdam ko pero hindi na ako nag tangkang hanapin pa ito. Nagtatalon talon si Alon habang nasa elevator kami, nang malaman niyang ipagluluto ko siya ng paborito niyang kaldereta, hindi na siya mapakali at nag aaya na umuwi. “Let’s go mommy, excited na po ako.” nakangiting sambit ng bata, nakangiti rin akong naglakad, pagpasok namin sa condo, sinigurado kong naka lock ang p

