CHAPTER 1

2060 Words
Gusto ko talagang magkaroon ng sarili kong restaurant. As in, dream of my very hungry life. Alam mo 'yon? 'Yung tipong kahit sa panaginip ko may sizzling sisig at baked sushi na naka-display sa harap ng resto ko, tas may neon sign na nagsasabing "Maurice’s Magic Meryenda.” Grabe, ‘pag nagkataon, araw-araw akong kakain ng fried chicken na may honey glaze habang nakaupo sa throne ko as the reyna ng kaldereta. Hoy! Responsible kaya ako lalo na sa pagkain. Besides, maganda rin ‘yon ‘no para hindi ako magutom. Alam mo na, kain lang naman ang tanging bisyo nitong chubby na sexy kong katawan. Pero eto ako ngayon—nasa banyo, nagsusuot ng uniporme ng janitress sa Triple B, ang sikat na infrastructure company na akala mo ay Hollywood production sa laki at kinis ng mga gusali. Ako ‘tong nag-aambisyong maging kliyente someday, eh sa ngayon, tagatanggal ako ng bubblegum sa ilalim ng mga conference tables. Manifesting is free anyway. Pero kapag nakita ko lang talaga kung sino ‘tong mga ‘tong nagdidikit ng bubble gum sa ilalim ng conference table, naku, tiyak may mababalatan talaga ako ng buhay! Pero wait lang, ang dami kong gustong gawain eh kaso nga lang, 25 na ako at ni piso, wala akong ipon para sa restaurant. Not even for one lumpia wrapper! Minsan naiisip ko, baka kung may isang Australian na gwapo na chef na maliligaw rito sa city, baka sakaling… ‘alam mo na, sasayawan ko talaga ng waganda forever. Eh kaso baka matakot lang sa bisyo ko puro kain, umalis din agad. Hoy, magaling rin kaya ako magluto. Hindi ba obvious? Syempre alangan naman mangarap ako na magkaroon ng resto tapos Wala akong alam sa mga ganyan. Meron din kaunti lang. I'm not totally not rich, okay? Well, not rich naman talaga ako. Nasa probinsya ang pamilya ko at ako lang ang breadwinner dito sa city. Ako ang tagapagpadala ng noodles, bigas, load, tsaka occasional pampasaya sa mga kapatid ko. Real talk, sometimes I feel like isang lakad nalang ni Lord malapit sa langit, pwede na ako magka-restaurant. Kaya minsan, napapatawa nalang ako. Kahit mag-isa ako sa apartment. Kahit minsan wala nang laman ‘yung ref kundi malamig na tubig at isang matandang hotdog na parang may sariling soul na. Pero syempre, hindi naman ako hopeless. Slay pa rin ako! I'm 5'9, may konting laman—okay fine, medyo chubby kung chubby pero in a sexy way. Alam mo yung tinatawag nilang “plump and proud?” Ako ‘yon. May thick thighs na puwedeng gawing unan, matangos ang ilong na parang si Ate sa Korean drama, tapos makinis pa balat ko. May mga nagsasabing “Maurice, bagay kang endorser ng gatas” kasi maputi talaga ako. Sabi ko, “Aba, baka nga dapat may brand ako.” At kung akala mo wala akong lovelife, excuse me po, I have a boyfriend. Yes, girlfriend with a boyfriend ako, and he is rich. Like, may sarili siyang brand ng water. ‘Yung tipong kapag nainom mo, parang nawawala ang kasalanan mo. May business siya at mukha naman siyang matino—pogi rin, bonus points. Pero minsan… hindi ko alam. Parang hindi siya emotionally present. Lagi nalang business meeting dito, conference call doon. He pays for my rent, yes. Kaya nakakatipid ako. Pero minsan, naiisip ko, love without time is just money wearing cologne. Kaya nga nag-demand ako ng dinner date mamaya. Hindi ako papayag na wala kaming moment this week. Habang nagmumuni-muni ako sa kama, bigla nalang may boses na sumigaw. “Hoy! Gumising ka na nga at baka malate na naman tayo!” Napabangon ako agad. Syempre joke lang! Aba, paano ako makabangin eh nasa CR nga ako Dina? Shooot! Si Daphne ‘yon—my one and only woman friend sa city, also janitress, also kaladkarin. Nakauniporme na siya at mukhang high blood. “Diyos ko, paano ka na naman nakapasok sa apartment ko?” tanong ko habang pinupulot ang sapatos ko. “Secret. Baka akala mo, ikaw lang marunong umakyat sa gate.” “Gusto mo ihagis kita sa pader, Daph?” “Try mo, malelate tayo. Si Mr. Asungot na naman ang sasalubong sa atin.” Aba. ‘Yung biglang energy ko para mag-makeup nawala sa isang iglap. Si Mr. Forteros. Ang dakilang CEO ng Triple B. Ang lalaking mukhang Greek god pero may attitude ni Thanos. Laging naka-coat, laging may hawak na tablet, laging walang smile. Kung makatingin sa amin parang kami ‘yung dahilan ng global warming. At ayun na nga. Hindi na kami nag-breakfast. Takbo kami sa MRT, tapos takbo ulit sa lobby ng Triple B, hanggang makarating sa staff area na halos di namin mapansin ang sarili naming pawis. Pagdating sa maintenance floor, ayun. Ang mukhang hindi pa nagsmile since birth—Mr. Forteros—nakatayo na sa hallway. Arms crossed, naka-coat kahit mainit, at parang ready nang kumuha ng kutsilyo at magbalat ng empleyado. “Maurice. Daphne.” Cold. Flat. Tulad ng kape niya. “Yes, sir?” sabay naming sagot habang pinipilit ang aming pinakamababang boses. Para kaming choir ng guilty kids. “Late. Again.” Gusto ko sanang sumagot ng “Wow sir, astig ka talaga magbilang ng minuto,” pero pinili kong ngumiti ng konti. Charming smile lang, ‘yung tipo na parang sinasabi: ‘Wag mo na akong palayasin please, gwapo ka pa naman.' “Sorry po, sir,” bulong ni Daphne habang bahagyang yumuko. Ako naman, nilabas ko na ang ultimate technique ko—the half-smile, hair flip, at pa-cute eyes combo. Pero wala. Deadma si sir. “Next time you’re late,” he said, paatras na habang naglalakad, “you’ll spend your break time cleaning the CEO lounge floor. With a toothbrush.” Tangina. Toothbrush? Saan niya binili ‘yung idea na ‘yon—Shopee? Pagkaalis niya, napatingin sa akin si Daphne, natatawa. “Gaga, kung nilandi mo pa ng konti, baka hindi toothbrush pinagawa sa atin kundi coffee date.” “Ugh! Gusto mo ikaw na lang ang ligawan ko?” Napatawa rin ako. Minsan, ang buhay sa city, para lang tayong characters sa sitcom. May script, may punchline, pero walang bayad. Pero habang naglalakad kami papunta sa pantry, hindi ko mapigilan isipin: Someday, I’ll own my restaurant. I won’t be just a janitress in a building full of dreams. I’ll be the girl with the neon sign, the full kitchen, and a life seasoned with her own flavor of hustle and heart. And if the universe is feeling generous, baka si Mr. Forteros pa ang unang customer ko. At syempre, siya ang maghuhugas ng pinggan. After namin kumuha ng breakfast ni Daphne sa pantry—syempre hindi kami nagpatinag, kinuha namin ang pinakamahal na chocolate bar na parang ginto kung tignan, at syempre ‘yung imported coffee na kung hindi pa nanggaling sa France, baka mula sa buwan—naghanap kami ng upuan sa sulok. Pa-elite ang peg kahit janitress lang. Kung may pa-music lang sana, baka nagslow-mo pa kami habang kumakain. “Bes, tignan mo ‘to oh,” bulong ko kay Daphne habang sinasawsaw ko ‘yung chocolate bar sa kape. “Mas sosyal pa ‘ko sa mga engineer dito. Ako lang ‘to, janitress pero may finesse.” “Feeling ko nga ikaw lang ang kilala kong janitress na marunong magpronounce ng ‘macchiato’ na may feelings,” sagot niya habang kumakain ng croissant na parang pinaglaban pa niya sa customs. After namin i-finish ang aming luxury breakfast of the day, tumayo na kami para puntahan ang mini closet sa may gilid ng west wing kung saan nakatago ang lahat ng gamit panglinis—mga mop, bleach, gloves, at mga sikreto ng buhay. Para kaming mga spy na may dalang misyon: linisin ang lahat ng kalat sa building na ito na parang kami ang tagapagtanggol nila laban sa lahat ng mga dirty things. “Puhon, bes, pag yumaman ako, bibilhan kita ng sariling mop na may gold handle,” sabi ko habang hinila ang timba. “Pakisama na rin ‘yung staff na taga-buhat ng timba,” sagot ni Daphne. Pareho kaming natawa. Grabe kasi ang laki ng building ng Triple B. Parang Disneyland pero imbes na rides, puro conference room. Tatlong floors, tatlong palapag ng sakit sa balikat, tatlong palapag ng “ay wait lang, may bubblegum na naman sa ilalim!” “Lord, please, kung may bubblegum man mamaya, ‘wag niyo na po akong subukin. Hindi po ako si Job,” panalangin ko habang umaakyat kami sa second floor. Habang paakyat, napadaan kami sa main lobby—‘yung tipong grand entrance kung saan laging dumadaan ang mga empleyado na parang nakiki-Miss Universe walk. At syempre, as expected, may mga naka-heels, may suot na fancy blazer, at may mga tingin na mas matalas pa sa floor wax namin. Sabay kaming huminto ni Daphne dahil may isang babaeng naka-bodycon dress na may make-up na mukhang full glam kahit 9am pa lang. Bigla niyang itinapon sa sahig ang supot ng kinainan niya. “Oh no,” she said, kunyari pa talagang na-shock. “I dropped something…” Gusto ko sanang sabihing, “Ate, hindi mo ‘yan nahulog, inihagis mo talaga with full intention and zero remorse,” pero alam mong minsan kailangan mong lunukin ang pride mo para sa peace of mind. Tahimik kong pinulot ‘yung supot. Plastic siya na may tira pang sandwich at amoy dressing na di ko mawari. Nakasimangot ako pero pinilit kong ngumiti. Syempre, charm lang. “Thank you, janitress,” sabi pa niya, sabay talikod na parang nanalo siya sa award for best supporting actress. Napabuntong hininga ako. “Gusto ko na talagang magdabog, Daph. As in ‘yung tipong magwawala ako ng very light.” “Bes, wag muna ngayon. Mag-ipon tayo ng galit. Isang araw, bigla na lang nating babaligtarin ang mop,” sabay tayo niya ng imaginary sword. Tumawa ako. Manifesting ang revenge arc naming janitress edition. Pagdating namin sa third floor, kung saan located ang office ni Mr. Forteros—yes, ‘yung ultimate CEO s***h walking iceberg s***h hindi marunong ngumiti—bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit, pero every time na nadadaan kami sa office niya, parang may humihigop ng confidence ko. Maybe dahil sa itsura niya. Tall, dark, mysterious. Palaging may suot na black suit na parang laging papunta sa photoshoot kahit office hours. Kung magsalita, parang laging may background music na dramatic violin. “Nakakita na ba tayo ng boss na ngumiti, bes?” tanong ko kay Daphne. “Wala pa. Pero baka pag nalaglag siya sa banana peel, ngingiti rin ‘yon kahit papano.” Bumungad sa hallway ang tunog ng heels ni Miss Margarita—‘yung secretary ni CEO na palaging mukhang nakalutang sa sariling mundo. “Girls, linisin niyo ang washroom sa executive wing. Dumaan si Mr. Forteros kanina, mukhang may bisita.” “Yes po,” sabay namin, with our signature fake-but-charming smile. Habang tinutulak ko ang timba papunta sa washroom, bigla kong naisip: Paano kung balang araw, ako naman ang boss? Ako ang papalinis ng opisina, pero hindi ko hahayaang tratuhin ng bastos ang kahit sinong staff. Lahat may kape. Lahat may chocolate bar. Lahat may dignity. Pasok kami sa washroom. Mabango. Malinis pa sa fresh start. Pero kailangan pa rin namin i-sanitize lahat. While mopping the floor, sinabayan ko ng pa-dance step para hindi boring. “Look, Daph,” sabi ko habang umiikot ng parang ballerina with a mop. “This is how you clean with class.” “Girl, kung may t****k lang tayo ngayon, viral ka na naman,” tawa ni Daphne. At habang tinatanggal ko ang fingerprint sa mirror, napansin ko ang sarili ko—pawisan, pero glowing. Nakangiti pa rin, kahit pagod. Kasi kahit gaano pa kababa ang tingin sa amin ng iba, alam kong hindi mababa ang pangarap ko. Sino ba’ng nagsabing janitress lang ako? Ako si Maurice, ang babaeng may pangarap, may humor, may maputing balat at sexy curves, at may fighting spirit na hindi natitinag kahit bubblegum pa ‘yan. And someday, kahit ilang supot pa itapon sa harap ko, I’ll rise—along with my mop, my dignity, and my future restaurant. At kapag dumaan 'yong mga nang-api sa akin? I’ll make sure may reserved table sila–sa tabi ng trash bin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD