CHAPTER 50

1422 Words

Hindi ako makatulog. Kahit gaano ko ipikit ang mga mata ko, kahit ilang beses kong balutin ang sarili ko ng kumot, kahit anong posisyon pa ang subukan ko sa kama—walang kapayapaan. Wala. Ni kapiraso. Ang totoo, hindi naman ang katawang lupa ko ang pagod. Ang kaluluwa ko. Ang puso ko. Ang isip ko. Ramdam ko pa rin sa balikat ko ang bigat ng kwintas na iniabot ni Elian. Nakapatong lang ito sa lamesita sa tabi ng kama pero pakiramdam ko para akong binabagsakan ng isang daang toneladang kasalanan. Ang dami kong tanong. Pero isa lang ang sigaw ng puso ko: Kaya ko ba talagang sirain ang taong sinubkan akong buuhin? Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang iwan si Watt kanina. Sugatan siya. Halos hindi makatayo. At kahit galit na galit ako, kahit gusto kong sumigaw sa kanya, kahit gusto kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD