Tahimik sa rooftop ng hotel. Walang ibang naririnig kundi ang mahinang huni ng hangin at ang mga ilaw ng lungsod na kumikislap sa gabi—parang mga mata ng mga sikretong hindi pa handang isiwalat. Nakatayo ako sa gilid, yakap ang sarili ko. Hindi ko alam kung nilalamig lang ba ako o natatakot na. Ang saya ko kanina. Nang pinuri ako ni Watt. Nang tumayo siya at pinalakpakan ako. Pero bakit parang may kulang? Bakit kahit anong tamis ng tagumpay, parang may pait pa rin sa ilalim? Napapikit ako. Sumagi sa isip ko ang huling halik niya—mainit, mapusok, at puno ng pangako. Pero… ano nga bang klase ng pangako? Wala naman siyang sinabing kami. Wala siyang sinabing sa kanya ako. Hindi rin niya tinatanong kung anong nararamdaman ko. Parang gusto ko siyang tanungin. Ano ba ‘to, Watt? May pangalan

