Napaatras ako ng kaunti. Hindi ko pa rin makita ang mukha ng lalaki. Ang lakas kasi ng lights at parang may smoke machine pa silang nagpasikat. Pero grabe, the presence—parang hindi basta-bastang tao. Matangkad. Matikas. Naka-all black at parang galing sa fashion week ng mga sikretong mayaman. “Sorry ha, hindi ko talaga sinasadya,” bulong ko habang umaalalay pa rin sa sarili kong balanse. Tahimik pa rin siya. “Okay ka lang ba? O baka ikaw ‘yung nasaktan?” dagdag ko pa, kahit ako na nga ‘yung mukhang babagsak anytime dahil sa espiritung iniinom ko. Still, no words. At dahil ako nga ‘to—si Maurice Miranda na minsan hindi na marunong tumigil sa pagdadaldal kapag lasing—I did what I do best: nag-rant ako. Sa harap ng taong hindi ko pa rin makita ng malinaw. “Alam mo ba,” panimula ko, hab

