Well, dahil first day ko nga bilang personal secretary ni Mr. Forteros, I am feeling myself. Naka-lip tint pa ako, pero lakas maka-mahal ang bigas pero afford ko pa ring maging classy. Naglalakad ako sa hallway, may clipboard sa isang kamay, tapos may iced coffee sa kabila. Buti na lang may ilang staff na ngumiti sa akin. At least may mga natuto nang tumanggap ng bagong queen bee. Hindi ko pa pinapansin ‘yung mga judgmental na mata ng iba—hanggang sa naramdaman ko na lang ang malamig at malapot na likidong bumagsak sa ulo ko. BLOP. Na-shock ako sa lamig. Ang bango. Tsokolate?! Hinawakan ko ang buhok ko—choco syrup?! May kasamang whipped cream pa! Sabay narinig ko ang pamilyar na tawa. That laugh. That ugly, high-pitched evil laugh. Paglingon ko, ayun siya—Margarita. Hawak-hawak pa an

