Pagkatapos ng announcement na iyon, para akong bagong panganak na kambing — nanginginig pero excited. Sino ba naman ako para tumanggi sa opportunity na 'to? Malay mo, dito na magsimula ang glow up ko! From janitress to team leader?! Aba, iba na 'to! Si Daphne naman, todo support. Parang stage mom. "Girl, kailangan mo ng bonggang entrance sa first meeting mo!" sabi niya habang hinihila-hila ako sa canteen. "Ewan ko sa'yo," sagot ko habang humihigop ng sabaw ng pancit canton. "Hindi naman ako artista para sa entrance entrance mo d'yan." "Arte mo. Malay mo, si Mr. Forteros pala nanonood!" Napangiwi ako. "Pwes, kung siya manood, papakita ko sa kanya kung paano mag–" Biglang tok tok sa pantry door. Paglingon namin, ayun si Sir Cedric. Again. "Miranda," sabi niya. "Meeting with the other

