Kinabukasan, agad akong nagpasya. Hindi ako mapakali. Yung sulat na nakita ko sa opisina ni Watt ay patuloy na gumugulo sa isipan ko—ang hindi maipaliwanag na lengwahe, ang misteryosong simbolo, at ang kakaibang bigat na dala nito sa puso ko. Hindi ito basta-basta sulat. I knew it. Kaya’t nag-text agad ako kay Daphne. “Meet me at Luna’s Café. Urgent.” Si Daphne—matagal ko na siyang kaibigan. Malawak ang koneksyon nun kahit pa janitress lang ‘yon, may background sa anthropology at linguistics ang tita niyang professor abroad. At besides, I know she has prior knowledge about it Kasi mahilig yon sa history eh. Lalo na sa chismis. Janitress nga lang. O bakit? Porket ba janitress hindi na pwedeng maging maalam sa anthropology at huma development? Alam kong kung may makakatulong sa akin p

