Huling araw ng company event. Ang simoy ng hangin sa Baguio ay mas malamig ngayon, o baka ako lang ang giniginaw. Nakasuot ako ng navy blue blazer, may Triple B logo sa dibdib, at hawak-hawak ko ang folder na punung-puno ng evaluation sheets. Sa itsura, para akong secretaryang abala at propesyonal—pero sa loob, isang babae akong nilamon ng tanong at pagdududa. Tatlong araw na akong nagsusubok hanapin kung sino talaga si Watt Forteros—CEO, visionary, at… lover? Pero wala pa rin. Walang kalmot, walang gasgas. His life was spotless. Perfect. And that scared me more than if I found dirt. Kasi walang taong gano’n. At lalong walang taong kayang magmahal ng ganito kalalim habang tinatago ang isang mundo. Nilingon ko ang main hall kung saan nagaganap ang culminating program. Lahat masaya.

