CHAPTER 5

1505 Words
After noong hiniwalayan ako ni Clark Chavez, feeling ko parang may malaking crater na bumagsak sa ulo ko. Hindi ko alam kung umuulan ba ng meteorites o talagang malas lang talaga ako sa buhay. Ang tanging iniisip ko lang habang nakahiga ako sa manipis kong foam kagabi ay: Paano na ang apartment ko? Paano na ang pamilya ko? Breadwinner pa naman ako. Ang sakit isipin na hindi lang puso ko ang nabasag, kundi pati na rin ang budget ko. Kung pwede lang magtawid-gutom sa pagmumukmok, baka kumita na ako ng milyon. Pero no choice, ghorl. Kailangang lumaban. Ang sahod ko bilang janitress? Sige. Pagtitiyagaan ko. Siguro, paghahatian ko na lang: 50% sa pamilya ko, 50% sa akin. Tapos 'yung sa akin, hati pa ulit: kalahati para sa load, kalahati para sa Lucky Me pancit canton. Sana ‘di pa ako tablahin ng kidney ko. Kapag talaga nauwi ako sa kawalan, edi hahanap nalang ako ng matandang afam! Bahala na si Batman at si Spiderman. Baka doon pa ako suwertihin. Kaya kahit maga pa ang mata ko sa iyak, pumasok pa rin ako sa trabaho kinaumagahan. Ang ganda ko pa rin naman kahit mukhang tinampal ng reality ang mukha ko magdamag. Pagdating ko sa building, as usual, marami na namang kalat. Para bang ang hobby ng mga tao dito ay gawing basurahan ang opisina. Kung gusto lang nilang pasabugin ang paligid, sana sinali na nila ako para sabay-sabay kaming sumabog. Pero ngayon, ibang klase ang mood ko. Hindi na ako sweet-sweetan. Subukan lang talagang may mang-asar sa'kin ngayon, talagang makakatikim sila ng mop sa mukha. Kaya nang makita ko si Mr. Forteros — a.k.a. si Mr. Asungot, a.k.a. ang CEO ng mga walang emosyon — bigla akong tumayo ng diretso at nagpaka-professional. "Good morning, Mr. Forteros..." bati ko sa kanya habang dala-dala ang mop ko na parang scepter ng isang reyna. Nasa suot pa lang niya, gusto ko nang matawa. Hindi dahil baduy siya ha — in fact, nakasuot siya ng fitted na charcoal gray na suit na may red inner shirt sa loob. Grabe, parang kinuha siya sa fashion magazine! Matangkad, matangos ang ilong, maputi — parang western prince charming... na walang pakiramdam. He nodded once. Sobrang iksi ng acknowledgement niya na parang mas mahaba pa 'yung pagkurap ko. Sumunod ako sa kanya habang naglalakad siya paakyat sa main lobby papunta sa kanyang office. Hindi ko naman mapigilang buksan ang bibig ko. "About nga pala kagabi..." bungad ko, medyo kinakabahan pa. Sino ba namang hindi? Baka singilin niya ako ng pamasahe pabalik sa apartment ko. "Thank you..." dagdag ko pa, medyo mahina na parang kaluskos ng ipis ang boses. Tumigil siya. As in, STOP. Tapos nilingon niya ako. Grabe, besh. Yung titig niya parang X-ray! Ramdam ko na pati ‘yung last pancit canton na kinain ko kahapon pa, nakita niya. Hindi ako kinilig. Promise. Kasi wala naman akong nakita kahit anong emosyon sa mukha niya. Pagkatapos ng isang segundo na parang isang buong dekada ang haba, nagsalita siya: "Whatever happened to you last night," sabi niya, mababa ang boses at parang may banta, "‘wag mong dalhin rito." At sa isang iglap, nag-walkout na siya. Parang scene sa telenovela. Ako naman, naiwan na parang basang sisiw sa gitna ng lobby, hawak-hawak ang mop ko na parang broken sword. Grabe, nasaktan ako dun ah. Nag thank you lang naman ako. Hindi ko naman sinabi na may drama ako. Hindi ko naman iniyakan sa harap niya 'yung breakup ko. I was just being polite, diba? Pero bakit gano’n? Parang sinampal niya ako gamit ang hangin ng katotohanan. Napasandal ako sa isang poste. Lord, bakit ganito? Kagabi, iniwan ako ng shota ko. Ngayon, parang iniwan rin ako ng respeto sa sarili ko. Pero hindi puwedeng tumambay sa lungkot! Kaya kinaladkad ko nalang ang sarili ko papunta sa closet namin, kinuha ko ang mga cleaning materials, at sinimulang punasan ang mga mesa. Habang naglilinis ako, hindi ko mapigilang balik-balikan sa isip ang mga nangyari. Naalala ko pa kung paano ako binabati ni Clark noon — 'yung tipong parang ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Naalala ko 'yung mga date namin, 'yung mga plans naming dalawa na puro pala drawing. Ngayon? Hindi man lang ako pinakiusapan ni Mr. Forteros ng “Are you okay?” Kahit man lang “You look like trash but okay.” Wala. Pero sa totoo lang, baka nga tama siya. Hindi ko dapat dinadala ang personal na drama ko sa trabaho. Kailangan ko maging matatag. Kailangan ko maging mas matibay kaysa sa sahig na nililinis ko. "Hoy Maurice, gising!" Sutsot sa akin ni Daphne, bestie ko sa lahat ng kalat ng mundo. Nakita niya siguro akong tulala habang nakapatong ang mop sa mesa ng accounting department. "Ha? Hindi ako tulog, promise!" Defensive ko pa, sabay punas ng mata. Tumawa lang siya. "Kalma lang, bes. Keri natin 'to. Ganda mo pa rin." Napangiti ako kahit papaano. Ganoon talaga 'pag may tunay kang kaibigan — kahit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa, kaya ka pa rin nilang patawanin. Tinuloy ko ang paglalampaso, pero this time, ibang Maurice na ang humawak ng mop. Maurice Miranda: janitress by day, heartbroken warrior by night. At kahit iniwan ako ng boyfriend ko, binara ako ng boss ko, at pinagtatawanan ng kapalaran ko, isang bagay ang sigurado: Hindi ako susuko. Hindi pa tapos ang laban ko. Game face on, Maurice. Game face on. Pagkatapos kong mag-emote ng very light habang naglilinis ay iniwan ako mi Daphne. Balik daw muna siya sa closet. Ako naman ito, akala ko tapos na ang drama ng araw ko. Hindi pa pala, besh. Kasi habang nagmomop ako ng sahig sa may conference room, bigla nalang bumukas 'yung pinto. At sino ang bumungad? Syempre, si Mr. Asungot Forteros. Wearing another fitted suit, this time navy blue. Diyos ko, kung hindi lang talaga siya kasing asungot ng ulap sa July, baka napa-"Hi, Babe" na ako. Pero dahil nga medyo may pride pa ako kahit durog na ang puso ko, tinuloy ko lang ang pagmop. Todo iwas tingin. Baka kasi magulpi na naman ako ng mga mata niyang walang emosyon. Napansin ko na parang may gustong sabihin si Mr. Forteros kasi hindi siya agad umalis. Nakatayo lang siya doon, naka-cross arms, at parang pinagmamasdan ako. Ewan ko kung ano ang nasa isip niya. Feeling ko ang ganda ng kwento ko sa utak niya. Shooot! Syempre, feeling ko ang awkward ko. Ang ending, napa-daldal ako nang wala sa oras. "Sir, sorry kung nadala ko 'yung lungkot ko kanina ha," sabi ko habang kunwari busing-busy ako. "Nag-break kasi kami ng jowa ko kagabi... pero okay na 'ko, promise. Wala nang luha, tuyot na tuyot na ako parang disyerto." Alam mo 'yung expect mo na tatawa siya o kahit paano magpapakita ng simpatya? Hindi. Deadma siya. Nakataas pa rin 'yung kilay niya. Pero after like, mga five seconds, bigla siyang nagsalita. In his usual low, serious tone: "Clark Chavez dumped you because he’s a coward," aniya, diretso, parang hindi siya sanay sa mga filter. Napa-stop ako sa pagbunot. Para akong napako sa sahig. Wait... anong alam niya? Napalingon ako sa kanya, gulat na gulat. "P-Paano n'yo po nalaman 'yon?" Hindi siya agad sumagot. Nilapitan niya lang ako ng konti — enough para maamoy ko 'yung mabangong scent niya na amoy mamahaling pabango na hindi mo mabibili sa Watsons, besh. Mga level ng "only billionaires can afford this." "I have my ways," sagot niya, nonchalantly. "Besides... people talk." Tapos 'yun lang. U-turn siya, palabas ng conference room na parang wala lang. Ako naman naiwan, nakatanga, may floor brush pa rin sa kamay. Ay putek. Ang creepy slight! Pero aminin natin, may slight kilig. Kasi kahit super asungot si Mr. Forteros, parang nakaka-touch na kahit papaano, aware siya sa nangyayari sa’kin. Hindi ko alam kung dahil concern siya o dahil ayaw niya ng janitress na umiiyak-iyak sa lobby nila. Either way, ibang klaseng tension 'yon, besh. Pagpasok ko sa closet, may nakita akong maliit na paper bag sa loob ng locker ko. Hindi siya kulay pink o cute ha, professional-looking siya, black na matte finish. May maliit na card sa ibabaw. Walang pangalan kung kanino galing. Binuksan ko, at ang laman... isang box ng high-quality chocolate. OMG. Sino kaya nagbigay nito? Si Daphne ba? Impossible, kuripot 'yon. Si security guard Mang Ramon? Lalong hindi, diabetic 'yon. Bigla kong naalala si Mr. Forteros. No. Hindi siguro, right? I mean... imposible. Si Mr. "Whatever happened to you, wag mong dalhin dito," magbibigay ng tsokolate? Mas madali pa sigurong maniwala akong alien siya. Pero habang kumakain ako ng chocolate, syempre sinunggaban ko agad, baka bawiin, hindi ko maiwasang ngumiti. Baka nga... baka hindi lahat ng mga tao sa paligid ko ay bad news. Maybe, just maybe, there’s still someone noticing me... kahit konti. At doon ko na-realize habang nginunguya ko ang tsokolate: kahit sinampal ako ng breakup, kahit sinigawan ako ng bills, kahit binuhusan ako ng stress — kaya ko 'to. Kakayanin ko. At baka... baka, kahit si Mr. Asungot... ay may tinatago rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD