CHAPTER 7

1552 Words
Pagkatapos ng "triumph" ko kontra kay Margarita, feeling ko talaga parang ako si Wonder Woman. Pero syempre, hindi ako pwedeng magpaka-kampante. Baka kasi mamaya gumanti si Margarita at biglang bawiin ang korona ko bilang Reyna ng Katangahan with Pride. Kaya ayun, balik trabaho ako. Linis dito, punas doon, parang walang nangyari. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala yung ngiti ko. Habang nagwawalis ako sa main lobby, naramdaman ko na naman ang mabigat na presensya sa likod ko — parang may multong mayaman. Tumingin ako sa likod. Ayun na naman si Mr. Forteros. Naka-cross arms siya habang pinagmamasdan akong magpahid ng sahig, parang nagiisip kung saan niya ako isasalang next — sa meeting room ba o sa training sa Marines. "Miss Miranda," sabi niya, kalmado pero intense ang boses. Tumayo agad ako ng derecho. "Yes, Sir!" parang military training lang. Napataas siya ng isang kilay. "Relax. Hindi ko naman sinabi na mag push-up ka diyan." Napa-"hihi" ako sa tawa. Kung hindi lang siya kasing seryoso ng thesis defense, baka hinila ko na siya para mag-t****k dance. "Sir, okay lang po ako," sagot ko, habang siniksik ang mop sa gilid. "Masanay na po kasi ako sa mga pagsubok. Pampatibay ng character, 'ika nga." Medyo kumibot ang gilid ng labi niya. Wait lang... ngumiti ba 'yon? Or imagination ko lang? "By the way," sabi niya, lumapit pa talaga, halos maramdaman ko ang mahal niyang cologne. "You handled Margarita well today." Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak. "Handled po ba 'yon? Feeling ko nga sir, kakasuhan na niya ako ng murder of a Gucci bag," biro ko, sabay tawa ng awkward. Tahimik siya sandali. Tinitigan lang ako, parang nag-iisip ng malalim. "Next time," sabi niya, mababa ang boses, "don't waste your energy on people like her." BAAAM. Tinamaan ako doon, besh. Straight sa puso, parang bara ng fishball na hindi makalusot. Ngumiti ako ng matipid. "Noted po, Sir." Tapos, wala na siyang sinabi pa. Iniwan niya akong nagtataka at nag-iisip: Bakit kaya siya biglang concerned? Gabi na. Pagkatapos ng shift, kasama ko si Daphne sa may parking lot. Nagkukuwentuhan kami habang nag-aantay ng jeep. "Ay besh," sabi ni Daphne habang ngumunguya ng bubble gum, "feel ko type ka ni Boss Forteros." Nalaglag ang panga ko. "HUWAAAAAT?!" almost sigaw ko. "Ako? Yung janitress? Type ng CEO? Hello! Gising besh!" "Aba malay mo! Iba 'yung titig niya kanina, may laman," biro pa niya. "Ewan ko sayo, baka laman ng reklamo," sabi ko, sabay hagikhik. Pero in fairness, hindi ko maalis sa isip ko 'yung mga sinabi ni Mr. Forteros. Yung tipong hindi mo kailangan patunayan ang worth mo sa ibang tao. Unlike si Clark na puro standard, puro "you’re not enough" ang binubungad sa akin. Hay naku, Clark, kung nasaan ka man, sana ma-FLASH FLOOD ka. Pagkauwi ko sa apartment, binuksan ko ang maliit naming TV, tapos humiga sa luma kong sofa. Habang pinapanuod ko si Cardo Dalisay na humahabol sa mga kalaban ng walang kapaguran, napaisip ako. Bakit nga ba ang bilis kong nalungkot nung iniwan ako ni Clark? Eh sa totoo lang, hindi naman niya ako minahal ng buo. Hindi niya nga ako kayang ipagmalaki. Lagi nalang ako "pwedeng itago." Parang illegal treasure. Pero bakit si Mr. Forteros, na isang CEO, na mayaman, gwapo, at mabango pa, hindi ako kinahihiya kahit janitress lang ako? At kahit strict siya, kahit halos wala siyang emotions, nakita ko 'yung respeto niya. Biglang ding. May nag-text. Unknown number. "Hope you’re feeling better. Get some rest. - F" Napataas ako ng kilay. F? As in Forteros? O baka Fake Friend? Agad akong nag-reply ng: "Sinong F? Fries? Fishball? French Toast?" Hindi nag-reply. Napa-facepalm nalang ako. Tanga. CEO nga pala 'yon. Hindi nagte-text ng ganyan. Kinabahan ako bigla. But deep inside, hindi ko mapigilan ngumiti. Shocks, concerned siya talaga. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Excited? Kilig? Takot? Pero isang bagay ang sigurado ako: May bago na akong inspiration para bumangon ulit. At hindi ito tungkol sa pagsandal sa ibang tao. Ito, besh, ay tungkol sa pag-revenge glow-up. Para sa sarili ko. At kung sakali mang magka-chance, baka... just maybe... Mapansin din ako ni Mr. Asungot. Kinabukasan, maaga ulit akong pumasok. As usual, janitress mode activated, dala ko ang mop kong parang best friend ko na. Pagdating ko sa lobby, ang daming tao. Puro naka-polo, may mga bitbit na kung ano-anong donation boxes, at may tarpaulin na may malaking nakasulat: "Triple B Charity Event for Orphanage." Ooh, pa-charity pala sila ngayon? Napangiti ako. Kahit sa kabusyhan ng buhay, nakaka-good vibes 'yung ganitong event. "Hoy, Maurice!" tawag ni Daphne, sabay lapit. "Nakita mo na ba? Required daw lahat ng staff na mag-assist sa event." "Kasama tayo?" gulat ko. "Oo, girl. Lahat. Pati mga janitors, magpa-participate. Mag-aayos daw tayo ng mga bata, maghahatid ng mga pagkain, ganern." Medyo kinabahan ako. Baka naman i-bully ako ulit ng Margarita noon. Pero sige, laban lang. Hindi pwedeng pa-stress. Habang nag-aayos ako ng chairs sa event hall, feeling ko parang artista ako sa isang teleserye. Ang daming camera, ang daming tao, may mga executives na naka-suit, tapos kaming mga staff, naka-uniform na blue and black. Biglang may dumaan sa likod ko. Syempre, ramdam mo agad ang aura. Malamig. Matigas. Mabangong parang bagong ligo sa Swiss Alps. Ayun na naman si Mr. Forteros. Nasa gitna siya ng group ng mga board members, pero kahit surrounded siya ng mga sosyal, siya pa rin 'yung pinaka-captivating. "Good morning, Mr. Forteros," bati ko, dahil syempre professional pa rin. Lumingon siya. Saglit lang, isang segundo. Tumango lang siya — ‘yung tipong simpleng acknowledgement pero ang impact sa akin parang nanalo ako sa loto. Hindi siya tumigil, naglakad lang ulit papunta sa harap. Hay buhay, ganyan talaga ang mga CEO. One nod, one look, pero thousand kilig points para sa mga gullible kagaya ko. Dumating na yung mga bata mula sa orphanage. Nakakatuwa, ang cute nila. May mga paslit na nakangiti, may mga tahimik, may mga makukulit. In-assign ako at si Daphne sa table ng mga bata na puro hyper. As in, ‘yung tipong konting kibot, takbo agad. Konting kindat, gumugulong sa sahig. "Kuya, ate, may clown po ba?!" sigaw ng isa, habang hinila ang mop ko. "Teka lang, hindi ako clown ha! Janitress ako, respeto naman!" biro ko sabay tawa. Tuwang-tuwa sila. I swear, in that moment, kahit na mababa sahod ko, kahit na iniwan ako ng ex ko, kahit na half rice lang budget ko buong linggo — worth it pa rin. Ang sarap sa puso. Habang binabantayan ko ang mga bata, napansin ko mula sa gilid ng mata ko si Mr. Forteros. Nakatayo lang siya sa isang tabi, nakamasid. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang lalim ng iniisip niya habang pinagmamasdan yung mga bata. Hindi siya tulad ng ibang boss na todo-pose para sa photo ops. Tahimik lang siya. Observant. Genuine. Grabe, kung hindi ko alam na asungot siya sa opisina, baka akalain ko may puso siya. Biglang may batang lalake na tumakbo sa gawi niya, tapos nadapa. Pak! Tumama ‘yung tuhod ng bata sa sahig. Napa-"aray!" siya agad. "Ay, naku!" dali-dali akong tumakbo para tulungan si baby boy. Pero bago pa ako makalapit, lumuhod na si Mr. Forteros. "Are you hurt?" tanong niya, boses niya steady pero may concern. Punas niya ng panyo ang luha ng bata. Hindi siya clumsy o awkward — marunong siyang mag-alaga. Nagulat ako, besh. Hindi ko ine-expect. Akala ko kaya niya lang patakbuhin ang isang kumpanya. Hindi ko akalain kaya rin pala niyang patahanin ang umiiyak na bata. Saka niya kinuha ang isang candy sa bulsa ng coat niya at binigay sa bata. Ngumiti ‘yung bata, tapos yakap sa leeg niya, parang si Mr. Forteros ang tatay niya. Halos matunaw ako sa eksena. Daphne, na nakatayo sa gilid ko, ay halos maiyak. "Ano girl, hindi pa ba obvious?" bulong niya. "Obvious na anong?" inosente kong tanong. "Na may puso siya. Hindi lang siya boss. Tao rin siya." Mga ilang oras ang lumipas, natapos din ang event. Habang nagliligpit ako ng kalat sa floor, napansin kong nakaupo si Mr. Forteros sa isang bench sa may garden ng MCC. Mag-isa lang siya. Parang gusto kong lapitan para magpasalamat sa kabutihan niya kanina sa bata, pero... Naalala ko ang sinabi niya dati: “Whatever happened to you last night, don’t bring it here.” Baka hindi siya mahilig sa drama. Baka ayaw niya ng extra chika. Kaya hanggang tingin nalang ako. Tumalikod na ako at naglakad paalis. Pero bago ako makalayo, narinig ko siyang tumikhim. Tumingin ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin, tapos sumenyas — ‘yung tipong come here. Napakagat labi ako. Ay, lagot. Na-buking ata akong namboboso. Lumapit ako, bitbit pa yung walis tambo ko parang microphone. "Yes po, Sir?" casual kong bati. Tahimik siya ng ilang segundo, tapos bigla niyang sinabi: "Next week... there's a training program for employee development." Napataas ako ng kilay. "Kasama po ba kami roon? Eh, janitress lang ako." "No 'just' janitress," sabi niya, firm ang boses. "All employees deserve growth." Napanganga ako. Parang may sumabog na fireworks sa utak ko. Ganon siya mag-isip? "Prepare yourself," dagdag niya. "You have potential." Tapos tumayo siya, nilagpasan ako. Iniwan akong nakatayo sa gitna ng garden, hawak-hawak ang walis, feeling ko Miss Universe contestant na sinabihan ng: "You are the next big thing."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD