Kinabukasan, ramdam ko pa rin ang init ng labi ni Mr. Forteros kahit malamig ang simoy ng Baguio air. After our dinner, we shared another quiet moment on the ride back—no words, just glances and his fingers brushing mine like a promise he’s not ready to break. Pero ngayon, nasa function hall na kami ng private place para sa unang araw ng investor luncheon. Lahat ng Triple B employees nakaayos, presentable, at may kanya-kanyang role. Ako? Nasa tabi ni Mr. Forteros, hawak ang clipboard ko at trying to look professional kahit ang totoo, hindi pa rin ako makamove on sa mga nangyayari sa amin. “Relax, Maurice,” bulong ni Mr. Forteros habang nakatayo kami sa lobby, welcoming guests. “You’re doing great.” Ngumiti ako ng tipid, buti pa siya calm at composed. Until… My eyes froze. Naglakad pa

