CHAPTER TWO

1011 Words
"A-Are you f*****g serious, dude? Dahil lamang inismidan ka ng babaeng 'yon, gagastusan mo siya para lamang masira ang p********e niya?" tanong ko. Well, hindi naman nakakabigla 'yon, dahil lahat naman ng nakakabangga kay Uno ay nakaranas ng parusa. Pero ang babaeng 'yon... "Is it a deal? Pero kung ayaw mo pwede namang…” "Deal. When will I start?" mabilis kong tanong kaya napangiti sila. "Day after tomorrow," ani Jake. *** Napabangon ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sumilip ang araw mula sa kwarto ko. Nakalimutan ko kasing ayusin ang kurtina kagabi sa sobrang kalasingan ko. Hindi muna ako umuwi sa bahay dahil baka mag-away lang kami ni Dad. Magpapalipas muna ako ng init ng ulo rito sa condo. Isa pa, gusto ko rin munang makausap si Jessy tungkol sa plano naming magkakaibigan. Bigla akong napahawak sa aking sentido nang maramdamang kumikirot pa rin ito. Kahit hirap na hirap ay tumayo ako at naglakad papunta sa tapat ng ref para kumuha ng malamig na tubig. Pagkainom ko niyon ay umupo muna ako at panandaliang nagbulay-bulay. Malapit nang maubos ang stock ko rito sa condo. Hindi magtatagal at babalik din ako sa bahay. Bigla namang nagising ang diwa ko nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko muna kung nasaan iyon nang mapansin kong nasa side table ng kama. Pagkakuha ko ng cellphone ay siya namang sagot ko ng tawag. "Yes, babe?" Tinatamad kong sabi kay Jessy. "Where are you? Hindi ka raw umuwi kagabi sa inyo sabi ni Tita?" tanong ni Jessy. "I'm here sa condo. Nagpapalamig ng ulo. Can you come here? I missed you so bad," pagpapaawa ko kaya mabilis na pumayag si Jessy at papunta na raw siya. Dahil malapit lang ang tinitirahan ni Jessy sa condo ko ay dalawampung minuto lang ang kanyang binyahe. Sinalubong ko kaagad siya ng yakap. Buti na lang at hindi siya umalma. Pakiramdam ko kasi ay wala na akong lakas ngayon. Isa pa, hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Jessy ang napag-usapan namin kagabi ng tropa. "What happened? And what’s with the face?" sermon ni Jessy habang pinagmamasdan ako na gulo-gulo ang buhok. "Hindi ka ba napopogian sa boyfriend mo, babe? Nagsasawa ka na ba sa abs ko?" Itinaas ko ang laylayan ng damit ko. Bahagya naman siyang natawa ay hinampas ang dibdib ko. "Funny. Tinatanong kita. Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Ngayon ay kinakabahan na ako sa mga tingin niya. Para kasing anytime, lalaklakin na ako ng buhay ni Jessy. Hindi ko alam pero kapag siya ang kaharap ko ay tiklop talaga ako. "Kasi..." Napakamot ako sa ulo ko. "Si Dad, hi-nold ang pera ko sa lahaat ng atm na hawak ko." "Ano?! Ano na naman ba ang ginawa mo, Matthew?" Ito na. Ito na ang sukdulan na ang galit ni Jessy. Kailangan ko nang mag-alsabalutan, kapag sinimulan na niya akong tawaging Matthew. "K-Kasi.." "Because what?" Bigla niyang piningot ang tainga ko, kaya napangiwi ako sa sakit. Madalang lang gawin ito sa akin ni Jessy, kaya nangangatog talaga ako sa takot kapag nagagalit siya. "A-Aray! Bagsak ako sa major subject. Aray!" Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Jessy pagkasabi ko sa kanya no'n. Naglakad lang siya papunta sa higaan ko at umupo. Tinitigan ko lamang siya. Hindi pa rin kumukupas ang ganda niya. Kahit saang anggulo ay napaka ganda ng girlfriend ko. Minsan nga lang, kahit nagagandahan ako sa kanya, hindi ko pa rin mapigilang matukso sa iba. Para kasing may kulang e. "What will you do now?" malamig na tono ng pananalita niya. Nilapitan ko siya ay hinawakan ang kamay niya, pero hinawi niya 'yon. "You know, Brix." Humarap siya sa akin, habang ang mata niya ay walang ibang pinapahiwatig kundi ang inis. "Pinapayagan kitang mambabae, pinapayagan kitang gawin lahat ng gusto mo. Malulong ka sa alak, hindi ka magparamdam ng ilang buwan, mangkama ng ibang babae." Yep, you heard it right. She gave me the permit to date other woman. Pinapatunayan ko naman kasi sa kanya na kahit sinong ikama ko at landiin ko, siya pa rin ang mahal ko. "Pero sana naman, huwag mong pabayaan ang studies mo. Ito lang ang pinangako mo sa akin e, pagkatapos hindi mo pa matupad," malungkot niyang pahayag. Bigla naman akong nakaramdam ng konsensya sa sinabi niya. Ramdam ko rin sa bawat katagang sinasabi niya ang sakit. Pero sa loob-loob ko, parang may hinahanap pa ako. Parang may gusto akong marinig sa kanya na never ko pang narinig sa tatlong taon naming relasyon. "Sorry," tipid kong sabi. Huminga muna ako ng maluwag. Siguro lubos-lubusin ko na ang galit niya. Siguro ito na rin ang tamang panahon para magpaalam sa kanya sa gagawin ko. "Babe?" mahina kong sabi. Hindi naman siya umimik, pero alam ko hinihintay niya ang sunod kong sasabihin. "What if kung may pustahan kami nina Damon about other girls?" "So? Wala naman akong magagawa kung babaero ka talaga, e. Nakilala kitang ganyan, kaya tatanggapin kitang ganyan." Ito palagi ang sinasabi sa akin ni Jessy tuwing may hindi kami pagkakaintindihan. Hindi ko ba alam sa babaeng ito. Kahit harap-harapan ko na siyang niloloko, mahal pa rin niya ako. Kaya siguro sa dami ng babaeng nakilala ko, siya lang ang bukod tanging pinakilala ko sa magulang ko. "Promise. This will only last for three months," paninigurado ko. "Kailangan ko lang gawin 'to para mabuhay ako. Kailangan ko ng pera, babe. Sana maintindihan mo ako." "Three months? Bago 'yan ah?" sarkastiko niyang sabi, pero wala akong nararamdamang sakit sa bawat katagang binibitawan niya. "Yep." Niyakap ko siya. "Kailangan ko lang ng pera hanggang matapos ang first semester. After that, hindi na ako magloloko," malambing kong sabi. "Okay. I'll wait for that moment.” Sa puntong iyon, tinanggal niya ang pagkakayap ko at saka tumayo. "I have to go. May date kami ng friends ko, I'll update you later. Iloveyou." Ngumiti na lang akong pilit bago tuluyang lumabas ng kwarto si Jessy. Nang magsara ang pinto, biglang sumilay muli ang ngiti sa labi ko. Sa tagal ko nang nagpapanggap na ganito kay Jessy, hindi ko na kailangang mag-effort pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD