“Hi, Ma!”
Isang batok ang kaniyang nakuha rito at sinermunan siya. Nakasalubong raw nito si Eli na umiiyak at galing sa bahay nila. Napakamot na lamang siya sa ulo at hinintay na matapos ang lintanya nito.
“At mukhang aalis na naman kayo, kuhh! Ke sabado, dapat nasa bahay ka at tinutulungan ako sa gawain bahay. Puro kayo pagbibiseklita magbabarkada talaga! Papagalitan ko ‘yan si Magnus ‘pag ‘yan pumunta ‘yan dito sa bahay.”
“Good morning Tita!”
Natawa siya nang biglang lumitaw si Magnus. May dala-dala itong halaman na nasa paso pa. Tangina talaga nitong kaibigan niya!
“Tita, dinalhan kita ng panibagong halaman. Hiningi ko kay Mama, pandagdag sa anak niyo, Tita.”
“Ay aba! Ang ganda naman ng halaman iyan.” Nagliwanag naman ang mata ng kaniyang Ina at mabilis na tinanggap ang halaman na binigay ng kaniyang kaibigan. “Ang bait-bait talaga nitong si Magnus. Hindi tulad ng anak kong— ayuko na lang magsalita at nasisira ang araw ko!”
“Tama-tama ‘yan, Tita. Matigas kasi ulo ni Percival, eh.”
“Sinabi mo pa!”
Naglinya naman ang kaniyang kilay at tinaasan ng middle finger ang kaibigan.
“Tita, si Percival. Nagdi-dirty sign sa`yo.”
Mabilis niyang naibaba ang kamay pero nahuli pa rin siya ng kaniyang Ina. Isang pingot sa teynga ang kaniyang nakuha rito habang si Magnus ay nagpipigil matawa. Tangina mo, gago!
“Tita, sinamaan ako ng tingin oh.”
“Hindi, ah!”
“Hay naku bata ka! Palaaway ka talaga. Kuhh! Dahil diyan sa ugali mo, isama niyo si Reedrick.”
“Po?!” Gulat sila pareho ni Magnus.
“Para ang pinsan mo ang magbabantay sa`yo at mas responsible iyon. Oh kamo, sa kusina lang ako. Salamat nitong halaman, Magnus, ha? Magdala ka pa next time.” Binitawan ng kaniyang Ina ang kaniyang teynga at masaya itong tumalikod habang bitbit ang halaman.
Kaagad naman niyang sinapak ang kaibigan at hinila ito sa leeg gamit ang braso niya. Napaaray-aray ito habang tumatawa. Binitawan niya lang ito nung nasa loob na sila ng kaniyang silid.
“LT ka pre! Bakit ‘di ka naging wrestler.”
Binigyan niya lang ito ng dirty sign at tinapos ang naantalang pag-aayos sa sarili. Takte talaga nitong si Magnus. Hayop! Mukhang kasama pa nila si Reedrick nito.
“Isama raw nating ang pinsan mong si Reedrick.”
“Ikaw na kumatok doon. Bwesit ka kamo.”
Tumawa ito nang malakas at nakangising umalis sa kaniyang silid. Wala naman kaso kay Percival kung sasama ang pinsan nila sa kanila. Nagbibisekleta rin ito pero hindi ito sanay sa grupo na kaniyang kinabibilangan. Napangisi siya. Paniguradong hindi sasama sa kanila si Reedrick. Ayaw nito sa maiingay niyang mga tropa.
NAKANGISI si Percival habang binibilisan ang pagpepedal. Papunta na sila sa tagpuan ng tropa at sa kasamaan palad, kasama nila si Reedrick. Nagbibiruan pa sila ni Magnus at nagpustahan. Natalo siya ng puta niyang kaibigan! Pinagpupustahan nilang dalawa kung sasama ang pinsan niya o hindi. Pinusta niya ba naman ang kaniyang bagong biling MTB shoes.
“Percival Pierce!”
Natawa siya sa malakas na boses ni Reedrick. Tangina nitong pinsan niya, eh. Nagmukha tuloy siyang may yaya. May taga-bantay! Minsan, wala sa hulog ang kaniyang Inang si Perlita. Hindi siya makapaghintay next year para tuluyan makaalis sa poder ng Ina at sumama sa kaniyang Ama sa America.
Pinapakisamahan niya lang si Perlita at ito ang usapan nila ng kaniyang Ama na sa labas ng bansa naka destino. Sampung taon na rin siyang nasa poder ng ginang at naririndi na siya sa bunganga nito! Oras talaga na makawala siya sa kamay nito, goodbye Perlita!
Eksaktong pagdating nila, ando’n na lahat ng mga tropa nila. Kompleto sila at kasama nila si Athena. Kaagad na umasim ang mukha nito nang makita si Reedrick. Napangisi si Percival at balak asarin sana si Athena pero sinamaan siya ng tingin ng babae, na kaniyang tinawanan lang. Mamaya niya na ito asarin sa Santague Mountain.
Sa naisip na sa Santague Mountain sila, kaagad niyang tiningnan ang bag. Ando’n ang Efuanti. Kinuha niya iyon at sandaling nag-isip kung paano nasa bag niya ito? Huling alala niya, nilagay niya sa kama ang batong kristal na ito. Nagkibit na lang siya ng balikat at hinarap si Reedrick.
“Insan!”
Tumingin ito sa kaniya. “Oh?”
Binato niya rito ang Efuanti na kaaagad nitong sinalo. “Diyan muna ‘yan sa`yo!”
Kumunot naman ang noo nito. “Sa`yo ‘to binigay ni Lolo, ah.”
“Hayaan mo na. Baka mawala ‘yan sa`kin.”
“Gago!”
Isang pakyu sign ang kaniyang binigay kay Reedrick at nagdesisyon na umalis na sila hangga’t maaga pa. Hindi sila pwedeng magabihan sa Santague Mountain at ayon sa sabi-sabi, maraming nawawalang mga bikers doon pero walang nakakapagturo kung totoo ngang maraming mga bikers ang missing sa bundok na iyon.
“Ano na? Batsi na!”
“Ohrayt!” Nasi-high five ang mga ito at kaniya-kaniya ayos. Labin-lima silang pupunta sa pinagbabawal na bundok.
Inayos niya rin ang kaniyang helmet at gloves na suot. Isang oras papunta sa Santague Mountain. Sa daan na rin sila kakain magtotropa.
“Percival!”
Hinarap niya si Magnus. Ang lawak ng ngisi nito. “Narinig ko, kasabayan daw natin sila Hannah ngayon. Pupunta rin sila ng Santague Mountain.”
Nagliwanag ang kaniyang mata. Kinilig bigla ang puso ni Percival sa isipin makita niya ang kaniyang crush. Nabuo ang kalokohan sa kaniyang isipan. Gumuhit ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi. Paniguradong sasagutin na siya nito ni Hannah!
“Takte! Pustaan ulit, Mag.”
“Huwag ka na umasa.”
“Gago! Crush ako ng babaeng iyon. Jojowain ko si Hannah ngayon araw.” Ang lakas ng kaniyang halakhak at nagpasuntok-suntok pa sa hangin sa kilig.
Tinawanan lang siya ni Magnus at naiiling naman si Reedrick sa kaniya. ilang sandali pa ay nagsimula na silang magpedal lahat. Siya ang nauuna sa mga ito tulad pa rin ng dati. Siya ang leader ng grupo kaya hindi pwedeng wala ang gwapo niyang presinsya at magkakaroon ng away sa pagitan ng mga ito.
Tulad ng kanilang inaasahan, marami silang nagbibisekletang mga kabataan ngayon. Mas maganda itong activity kesa sa panay laro ng Mobile Legend at Dota 2. Tapos na siya sa ganiyang stage ng buhay niya na halos hindi na siya lumalabas ng bahay. Mabuti na lang kamo at isang araw nagyaya si Magnus na magbiseklita sila at ito na ngayon ang nangyari. Panay sila pedal magkakaibigan kapag free time nila lalo na ‘pag sabado at linggo. Exercise baga!
Panay sila biruan magtotropa at siyempre siya ang nangunguna. Hindi siya pinangalanan Percival kung lalampa-lampa ang kaniyang kagwapuhan. Sikat siya sa campus sa pagiging joker niya at palamura. Hindi lang doon, sikat siya sa mga babae dahil sa likas na pogi talaga siya at mahihiya kabaro ni Adan sa kaniyang kasikatan at kagwapuhan!
Natigil lang sila sa pagpipedal at napahinto nung may check point sa unahan at mga pulis na nakabantay sa bukana ng Santague Mountain. Napamura siya! takte, oo. Mapupurnada yata ang plano nilang pumasok sa bundok. Ang mga KJ talaga ng mga pulis na ito.
“Sir, bakit kayo nandito? Anong meron?” Ang isa sa kamasahan nila ang nagtanong sa matabang pulis at may kinakain na tinapay.
“Kayong mga kabataan ba ay hindi nanonood ng balita?”
“Balita?” Magkapanabay na tanong nila. Nagsitinginan sila sa isa’t isa. Kaniya-kaniyaa silang kibit ng balikat. Walang may hilig sa kanila sa balita.
“Kayong mga kabataan talaga ngayon, oo!” napailing-iling ito at tinuro sa kanila ang yellow tape na nakapalaigid sa bukana.
Oo naman, nakita nila ito. Hindi sila bulag.
“Baka naman chief, papasukin mo kami?” Siya ang nagsalita. Naiinip siya kamo! Maganda pa naman ang araw ngayon tapos mauuwi lang sa wala. takte! Hindi pwede ito sa kaniya. Siya si Percival Pierce
“Teka, ikaw ‘yong anak ni Engr. Roly? ‘Yong nasa America nakadestino?”
Napangisi siya. Iba talaga ‘pag anak ng sikat na enhiyero. Mukhang makakapasok sila nito sa Santague Mountain. “Oho Chief! Ako nga. Gwapo at mananatiling gwapo!”
“Tangina! Lakas talaga ng apog ng kaibigan ko!” Nag-high five silang dalawa magkaibigan.
“Ah ikaw pala. Ano ngayon kung ikaw ang anak ni Pareng Roly? Hindi pa rin kayo pwede pumasok sa Santague Mountain. Sinasabi ko sa inyo, magsiuwe na kayo at ibang lugar na kayo magbisekleta.”
“Bakit nga, eh?” Hindi mapigilang sumingit si Athena. Naiinis ang mukha nito. nasa likuran ito ni Magnus katabi pa ang ilan sa kasamahan nila sa araw na iyon na magbibisekleta.
“May namatay.”
Nagulat sila sa nalaman. Napalunok naman si Percival at kinabahan sa narinig. Mas maganda pa sa pandinig ang missing person pakinggan keysa sa namatay.
“Paanong namatay? Ellaborate mo naman, Chief.”
“May nagbigti sa Santague Tree. Kasing-edad niyo lang, highschooler lang din. Babae at pansamantalang isasarado muna itong bundok na ito. Okay na ba? Nasagot na ba mga tanong niyo kung bakit hindi?”
“Nagbigti?” Siya ang nagtanong.
“Oo. Tinali ang leeg ng lubid. Tumalon na may tali ang leeg. Namatay nga, ‘di ba? Kulit niyong mga kabataan, ah. Kaya kayo napapahamak d’yan sa kakulitan niyo. Magsiuwi na kayo!”
Laglag ang balikat ng ilan sa narinig kasali si Magnus at Reedrick pero hindi si Percival. Mas lalo siyang na-curiuos sa kwento ng Mamang Pulis. Halatang hindi naman ito nagbibiro pero dahil siguro likas na adventurist siya, nanaig sa kaniyang isip na puntahan ang Santague Mountain.
“Uwi na kayo!”
Tumango lang siya at sinenyasan ang mga kasamahan. Sumunod ang mga ito sa kaniya pero napangiti nang nakakaloko si Percival. Hindi sila uuwi! Takte! Nagpedal sila ng isang oras papunta sa bundok na ito para sa extreme biking. Anong patay-patay? Walang patay-patay sa kaniya.
Mamayang gabi sila pupunta dito sa Santague Mountain. Ang sasama ay sasama. Ang hindi ay hindi.
“Anong plano?” sabay na tanong ng tropa nung sandali silang huminto sa isang tindahan at uminom ng tubig.
“Mamayang gabi.”
“Ha?”
Ang lakas ng kaniyang tawa. Alam niyang magsi-react ang mga ito. Matatakutin ang mga ito lalo na si Magnus. Bahag ang buntot ng kaniyang matalik na kaibigan.
“Oo. Mamayang gabi. Uso naman ang mountain biking sa gabi, ah. Saka ginagawa natin ito noon.”
“Pero iba iyon. May namatay ngayon sa spooky mountain tree na iyon.”
“Ah, bahag na naman ang buntot ni Anton. It’s okay kung ayaw niyong sumama. But I will go there tonight.” Ngumisi siya.
“You sure?” Si Magnus at Reedrick ang nagsalita.
Nagkibit siya ng balikat. Bakit hindi? Gwapo lang siya pero hindi siya duwag. Mas na-excite ang kaniyang sarili sa nalaman pinagbabawal pasukin ngayon ang Santague. Totoong masakit talaga siya sa ulo ni Perlita. Lagi siya nitong pinapagalitan dahil mahirap siyang pagsabihan.
Ilang beses na rin siyang nadisgrasya sa kaniyang motorbike pero imbes na matrauma, tinawatawan lang ito ni Percival at tuloy ang laban. Kahit naman kasi ilang beses siyang sinusundo ni kamatayan at ni satanas, hindi siya namamatay. May sa agimat yata ang kaniyang buhay pero siyempre, biro lang ito. Naniniwala pa rin naman si Percival na iisa lang ang buhay niya pero gano’n siguro talaga kapag gwapo, matagal namamatay.
“Taas ang kamay na sasama mamayang gabi sa`kin dito.” Nauna siyang nagtaas ng kamay.
Naghintay siya ng ilang segundo kung may magtataas ng kamay pero walang sumubok. Nagkibit lang siya ng balikat at natatawang sumakay sa kaniyang bisekleta. Balik na sila sa bahay. Purnado ang plano nila ngayon araw kaya sa gabi na lang.