Fenich
Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising. Ilang araw na akong walang matinong tulog kaya naisipan kong maghanap na ng murang boarding house. Ilang araw nalang graduation na kaya pwede na akong maghanap ulit ng part time job.
Pinagiisipan ko parin kung paano ko sasabihin kay Vaughn na wala na akong bahay.
I checked my phone and just saw a single text from him.
1 new message from boyfriend
Hey love good morning! I can't go to school this morning baka hapon na ako pumasok, see you later love don't miss me too much. Don't skip your meals and stay safe I love you!"
7:30 am
That's odd coz he didn't evern called me. Hindj niya rin ako tinadtad ng good morning messages which I find odd.
Is he busy?
I tried calling his number several times pero ring lang ng ring kaya hindi na lang rin ako tumawag ulit.
Baka nga busy.
Naisipan kong wag na lang rin pumasok dahil hindi ko rin naman makikita si Vaughn dun kaya naisipan kong maghanap na lang muna ng mumurahing boarding house.
"2,000 pesos kada buwan hija, kasama na dyan yung bill sa tubig at kuryente, one month advance at one month deposit. Ano kukunin mo ba?"
Andito ako ngayon sa pangatlong boarding house na pinuntahan ko. Tinignan ko pang muli ang kwarto. Maliit lang at malinis rin naman kaya pwede ng pagtyagaan.
"Sige po kukunin ko na po, pwede po bang ngayon na agad ako lumipat?" Tanong ko dun sa land lady.
"Oo naman. Bakit ka nga pala naghahanap ng boarding house hija eh patapos na ang pasukan?" Tanong nito sa akin.
"A-ah bumukod na po kasi ako eh, tsaka isa pa po maghahanap ako ng trabaho malapit dito pagkatapos ng graduation." Pagsisinungaling ko. Ayoko kasing sabihin na pinalayas ako sa amin.
"Ganun ba? Osige ito na yung susi sa kwarto mo baka kasi wala ako mamaya pagbalik mo eh kaya ibibigay ko na lang sayo," sambit niya at inabot sa akin ang dalawang susi.
"Sige po salamat, babalik po ako mamaya." Paalam ko sa kaniya.
Malapit lang rin kasi tong boarding house na nakita ko at isang sakayan lang papunta sa campus at ito na rin yung pinakamura na nakita ko yung mga tiningnan ko kasi kanina ay nasa 2,500-3,000 yung presyo. Masyadong mahal para sakin tapos mag isa lang naman ako at kailangan ko pang magtipid.
Bumalik na ako sa motel na tinuluyan ko para kunin ang mga gamit ko. Nag check out nanrin ako at bumalik na dun sa boarding house na inuupahan ko.
Tanging kama, isang electric fan at maliit na cabinet lang ang nasa loob. Mabuti nalang at merong manipis na foam at isang pirasong unan ang kama kaya pwedeng pwede na siyang matulugan.
Nilagay ko muna sa sahig ang maleta ko at agad na humilata sa kama. Iniisip ko kung pano ko bubuhayin ang sarili ko. Kailangan ko na talagang maghanap ng part time job dahil hindi naman pwedeg manghingi nalang ako ng pera kay Vaughn.
Speaking of Vaughn, hindi pa rin siya tumatawag at text sa akin kaya nagtataka na ako kung okay lang ba sya.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at nag type ng message.
To: boyfriend
Hey love are you okay? I haven't received any calls and texts from you today since morning. Isang beses ka lang nagtext. Hindi rin ako pumasok sa school this morning, see you later sa hapon! Call me if you read this I love you.
I sent the text at nagsimula ng maglinis. Nilagay ko lang sa maliit na cabinet ang mga gamit ko at nagbihis na dahil pupunta na ako sa campus.
Kumain lang ako sa isang fast food chain nung lunch bago pumasok.
"Feeniicchh!!!"
Napatingin ako kay Leslie nang makita ko siyang masayang tumatakbo papunta sa akin. Kakapasok ko lang ng campus nang makita ko sya sa hallway.
"Oh bakit? Ang saya saya mo naman ata?" Tanong ko sa kaniya.
"Omg girl!! May ichichika ako sayo!" Tumatalon talon pang usal nito at parang bata na masayang tumitili
"You look so happy ano bang nangyari?" Curious na tanong ko sa kaniya.
"You won't believe what happened last night Fenich! I'm getting engage omggg!!" Masayang sambit niya.
Halatang masayang masaya siya dahil namumula pa ang mukha niya.
"Wow ang bata mo pa ah? Ga-graduate pa nga lang tayo eh!" I commented.
"Duh uso na yan sa mga family namin yung arrange marriage kaya wag kana magtaka!" Sabi niya.
"Ikaw lang ata ang pina-arrange marriage na masaya ah yung mga nababasa ko nga sa books eh naglalayas kapag pina-arrange marriage. Iba talaga kapag mayaman," wika ko.
"Tsk maswerte kasi ako kaya sobrang saya ko ngayon! Invited ka sa engagement party ko ah? Sa graduation day rin kasi yun ice-celebrate eh para isang party nalang." Kinikilig pang usal nito.
"Nako thank you pero hindi kasi ako mahilig dumalo sa mga parties eh pero congratulations pa rin I'm happy for you!"
"Omg thank you talaga! Hindi ko nga rin inexpect yung magandang news na yun kahapon eh!" Masayang sabi niya.
"So who's the lucky guy huh?" Curious na tanong ko.
"Sino pa ba? Edi si Vaughn Carter! Imagine naging crush ko siya sa loob ng ilang taon tapos I'll end up being his wife omggg parang sa fairytale lang diba?!"
Sino pa ba? Edi si Vaughn Carter!
Sino pa ba? Edi si Vaughn Carter!
Sino pa ba? Edi si Vaughn Carter!
Sino pa ba? Edi si Vaughn Carter!
Sino pa ba? Edi si Vaughn Carter!
Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa tenga ko ang sinabing iyon ni Leslie.
What the hell is she talking about? Bakit siya mae-engage sa boyfriend ko? I remember she told me it's an arrange marriage.
Does he know something about this?!
"Fenich? Fenich? Are you okay? Bakit namumutla ka dyan?!" She asked in a worried tone.
Halos matumba na ako sa sobrang pangangatog ng tuhod ko dahil sa narinig ko. My boyfriend despise her so much so how can she end up being his fiance?!
"Fenich gusto mo bang dalhin kita sa infirmary?"
Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun.
"N-no I'm okay. Nahilo lang ako kasi hindi pa ako nakapag lunch." Pagsisinungaling ko.
"Ganun ba? Tara na, mag lunch tayo sa cafeteria it's my treat." Aya niya sa akin pero mabilis akong tumanggi.
"No it's okay hindi na kailangan excuse me mauna na ako."
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. I can still hear her calling my name pero hindi ko na siya pinansin. Tumakbo lang ako ng tumakbo not minding my direction.
Nangingilid na ang luha ko at namalayan kong nasa third floor na pala ako at walang ni jsang tao dito.
Tuluyan na akong nag break down sa empty hallway.
Bakit? Bakit hindi sinabi sa akin ni Vaughn? Is this the reason why he's not reaching me out? He didn't even bothered to call or text me tapos sa ibang tao ko pa malalaman na mae-engage na pala siya?!
What kind of bullshit is this?!
Ni hindi ko man lang siya nakita dito sa campus ngayong araw! Is he trying to avoid me? Gino-ghost niya na ba ako?! Tinatapon niya na ba ang apat na taon naming pagsasama? f**k! Akala ko ba ayaw niya kay Leslie?!
"Love? Love is that you?"
I froze upon hearing his voice. It's him! He's running towards me.
"Why are you crying huh? Anong nangyari sayo?" Natatarantang tanong niya sa akin.
He's trying to wipe my tears but I aggressively pushed him away.
"Don't touch me!" Galit na sigaw ko sa kaniya.
Sa loob ng apat na taon naming pagsasama ni Vaughn ay hindi pa namin nasubukan ang mag away ng ganito. He didn't gave me reasons to be mad at ganun rin ako sa kaniya. Walang ni isang third party ang na-involve sa amin kaya masaya ang private relationship namin dahil walang ibang nakikisawsaw kaya hindi ko inakala na dadating kami sa ganitong point.
"W-what happened love?" Tanong nito.
Dumating na ang kinakatakutan ko. Hindi pa man alam ng mga magulang niya na magkarelasyon kami ay pinaglalayo na nila kami. I didn't even had the chance to know his parents dahil hindi niya ako pwedeng ipakilala sa kanila. I only know his two sisters and gladly, mabait sila sa akin at tanggap nila ako. My mind is so f****d up right now.
Umiiyak ako habang tumatakbo.
"Love! Love! Please ano bang nangyayari?!" Tawag sakin ni Vaughn habang hinahabol ako.
"Wag mo akong sundan!" Sigaw ko sa kaniya.
"Please love ano bang nangyayari sayo!" Sigaw niya pabalik at nahuli niya ako.
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.
"Please stop crying my love, ano bang nagawa ko? Is it my fault? Did I do something wrong? Tell me love so I can make it up for you." Pakiusap niya habang niyayakap ako ng mahigpit.
Nasa labas na kami ng school at buti nalang talaga wala masyadong tao! Sa likuran na part kasi ako ng school tumakbo kaya hindi kalsada ang makikita mo pag labas mo.
"Vaughn let me go, baka may makakita sa atin," sambit ko sa kaniya habang mahinang sinusuntok ang dibdib niya.
"I won't let you go Fenich. Just tell me what the f**k is going on," he answered trying to suppress his anger.
Vaughn is losing his patience.
Wala kaming patutunguhan kung parehas lang kaming magagalit kaya mas pinili kong kumalma.
Naging maluwag ang pagyakap niya sa akin kaya naman malaya akong tumingin sa mga mata niya.
"Is it true love?" Lumuluhang tanong ko sa kaniya.
"A-ang alin?" Nauutal nitong tanong sa akin.
"Is it true that Leslie is going to be your fiance?" I tried so hard para hindi pumiyok pero bigo ako. Mas lalo lang akong umiyak.
I was hoping that he'd say no. Na baka gawa gawa lang ni Leslie yun. Na baka namali lang yung dinig ko sa sinabi niya kanina.
"W-who told you that?"
I felt betrayed nang makita ko ang takot at kaba sa mga mata ni Vaughn but I still hoped na sana mali ako.
"You're not answering my question Vaughn. Just answer me with a yes or no! Totoo bang mae-engage ka na sa Leslie na yun?!" I shouted in frustration.
"Fenich please-"
"f**k it!"
Napaupo ako sa sobrang disappointment.
"Is this the reason why you're not contacting me? Ito ba yung rason kung bakit ilag ka sa akin?" Matagal mo na bang alam to ha?!" Umiiyak na tanong ko sa kaniya.
"No love, kagabi ko lang rin nalaman please hear me out. Let me explain please?" He asked while hugging me.
Mabuti nalang talaga at walang taong dumadaan dito dahil nakakahiyang tingnan na nagsisigawan kaming dalawa.
"Kung hindi ko pa nalaman sa iba parang may plano ka pang itago sa akin!" Bulyaw ko sa kaniya.
"Of course not! Please let me explain!" Pakiusap niya.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan nalang muna siyang magkwento.
"Kahapon ko lang rin nalaman yun. After you left yesterday I told you na nagpapalamig ako ng ulo kahapon diba?" Sambit niya.
"Leslie nagged me again. Kinulit niya na naman ako kaya ako nagalit sa kaniya and I left her there crying. Kinagabihan tinawag ako ng maid namin for dinner pero di ko inakalang nandun sila ng family niya." Dugtong niya pa.
"At first I thought my parents invited them for dinner dahil sa business matters kaya hindi ko nalang siya pinansin but they suddenly brought up about the engagement f**k I was so mad yesterday!" He said.
"S-so kahapon mo lang rin nalaman?" Tanong ko sa kaniya.
"Of course! I didn't even know na pinaplano na pala nila yun dati and I was so mad yesterday! I'm sure Leslie has something to do with it. Baka pinilit niya yung mga magulang niya. Damn that witch!" Napasabunot na lang si Vaughn sa buhok niya dahil sa sobrang frustration.
"B-bakit hindi mo ako tinext at tinawagan? Are you trying to hide it from me?" Mahinahong tanong ko sa kaniya.
Now that I heard his side at medyo kumalma na ako. My mind was just clouded with pain, anger, and confusion earlier.
"No love it's not like that. Galit na galit ako kagabi. I called Claude yesterday and we drank a lot. I came home drunk at pag gising ko ay sobrang lala ng hang over ko. That's the reason why I wasn't able to call you. I'm so sorry." Paumanhin niya at hinalikan ako sa noo.
"I was scared. Akala ko igo-ghost mo na ako," I said.
"I was scared too! Lalo na nung nakita kitang umiiyak I prayed na sana hindi mo pa alam but then you already knew about it. Ayoko kasing biglain ka, sino bang nagsabi sayo nyan?" Tanong nito sa akin.
"Sino pa ba? Edi si Leslie!" Naiinis na sagot ko sa kaniya.
"That witch is really getting into my nerves!"
"Ano ng gagawin natin ngayon love?" Tanong ko sa kaniya.