One

1227 Words
Fenich Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Vaughn sa buhanginan. Gabi na at puro stars lang ang makikita mo at ang maliwanag na buwan. Damang dama mo ang malamig na simoy ng hangin at ang nakaka-relax na tunog ng mga alon sa dagat. Kami lang ang tao dito ngayon dahil nga nasa private island kami. Kaya malaya kaming maglakad lakad ng hindi nagtatago. “Let’s dance.” Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya yun. “Ano na namang trip yan?” tanong ko pa sa kaniya. “Come one let’s dance,” ulit niya pa. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng shorts niya at kinalikot iyon. Ilang minuto pa ay may nag play na kanta. “Sige na humawak kana sa balikat ko,” utos niya pa. Vaughn is like this. Korni sa iba yung ganito pero kapag siya na yung nag sabi magiging romantic na ‘pag siya ang nag-aya. Ano ba yan nakakakilig naman! Dahan dahan ko namang nilagay ang dalawang kamay ko sa balikat niya and he also held me by the waist. He’s looking in my eyes and so was I “You really look beautiful earlier Fenich. Im horny.” Namula ako dahil sa sinabi niya. Baliw talaga tong lalaking to! Hindi kami dapat nag-uusap nang ganito ngayon! “Ano ba!” Mahina ko siyang sinuntok sa dibdib. “Hahaha, I’m sorry,” natatawang usal nito. Ako’y sa’yo, ikaw ay akin Ganda mo sa paningin Ako ngayo’y nag-iisa Sana ay tabihan na The song starts and he starts to sway me slowly. Napaka romantic ng ginagawa namin dahil tugma ang kanta dahil nag sasayaw kami ngayon sa ilalim ng buwan. Sa ilalim ng putting ilaw Sa dilaw na buwan Pakinggan mo ang aking sigaw Sa dilaw na buwan “The moon can’t level your beauty,” sinserong sabi nito sa akin. “Sabi mo yan ah baka mamaya ipagpalit mo na ako pag nagsawa kana sa set up natin,” biro ko sa kaniya. Ayokong mabuhay nang malungkot Ikaw ang nagpapasaya At makakasama hanggang sa pagtanda Halina tayo’y humiga “Rinig mo ba yung kanta? Ayokong mabuhay ng malungkot dahil ikaw ang nagpapasaya so why would I cheat on you? Four years na tayong nagtatago at ni minsan hindi ako nagsawa sa set up natin,” sagot niya. Sa ilalim ng putting ilaw Sa dilaw na buwan Pakinggan mo ang aking sigaw Sa dilaw na buwan “I really love you Vaughn Carter,” malambing na sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang mga magagandang mata. “I love you Fenich Luna,” sagot nito sa akin. Napahinto kami sa pagsayaw nang biglang nagliwanag ang kalangitan. “Wow fireworks!” bulalas ko. “Did you like it?” Nakangiting tanong sa akin habang nakahawak pa din sa bewang ko. “Yes! Don’t tell me ikaw na naman ang may pasimuno nito?” tanong ko sa kaniya. “Of course I want this celebration to be special for you,” sagot niya. “Everything will be special when im with you Vaughn,” sagot ko sa kaniya at yumakap sa kaniya para makasandal ako sa dibdib niya. Nakatayo lang kami sa gitna ng dalampasigan habang magkayakap at nanunood ng fireworks. “I hope one day maiintindihan na ng mga magulang ko na wala sa status ng buhay ang pagmamahal,” usal nito. “Don’t worry Vaughn. Kung tayo, tayo talaga.” Niyakap ko siya ng mahigpit dahil ‘yun din naman ang pangarap ko eh. Ang matanggap ng pamilya niya ang relasyon namin. “I promise you my love. I will marry you by hook or by crook,” sabi nito. “Nah you don’t need to, willing naman akong magpakasal sayo eh wholeheartedly,” sagot ko sa kaniya. “Should we just get married tomorrow?” usal nito. “Baliw seryoso ka?!” gulat na sagot ko sa kaniya. “Well if you agree,” sabi niya ay kumindat. “Baliw saka na pag nakagraduate na tayo malapit naman na eh,” sagot ko sa kaniya. “I want to give you a grand wedding,” seryosong sabi pa niya. “Well magagawa natin yan if you’re parents are no longer against us,” sabi ko. “Whatever they don’t even need to know,” sagot niya. “Seriously? You will get married without your parents?” ‘di makapaniwalang tanong ko sa kaniya. “Nah gusto ko magpakasal na tayong dalawa lang ang magkasama,” sabi pa niya. “Sabagay okay lang din naman para sa ‘;kin yung ganun. Basta ang importante sa ‘yo ako magpapakasal,” nakangiting sagot ko sa kaniya. “Antayin nalang natin ang graduation, magpapakasal na tayo agad. Tapos na nga tayo mag honeymoon eh hahaha nauna kesa sa kasal,” biro niya. Baliw talaga tong lalaking to! “Ayan kana naman eh!” usal ko sa kaniya. “Tara na love mag dinner na tayo para may energy ka sa round two mamaya.” Hinila niya na ako at kinindatan. Psh Vaughn is really good in bed kaya hindi rin ako nagsisi na binigay ko sa kaniya ang sarili ko. Pumunta kami sa isang restaurant at agad naman kaming nilapitan ng babaeng waiter. At kay Vaughn lang siya nakatingin! Kaya naman kumapit ako sa braso niya para mapansin niya rin ako. Duh the girlfriend is here! “Do you have any reservations sir?” tanong nito at malanding ngumiti pa. “Yeah I had a reservation under Claude Faulter’s name,” sagot nito. “This way sir,” sabi ng waitress at tinuro sa amin ang table. Napakaganda ng table arrangement at may candles pa talaga ah! May mga rose petals pa sa sahig. “Grabe pinlano mo rin to?” tanong ko sa kaniya. “Yeah I had to ask Claude na siya ang mag book ng reservation baka malaman kasi nila ang pangalan ko baka makarating pa sa mga magulang ko,” paliwanag niya. “Hmm nagseselos ka ba dun sa waitress kanina?” tanong niya pa sa akin. “Hahaha medyo ang lagkit makatingin eh!” sagot ko. “Hahaha my girlfriend is possessive. I like it,” usal niya at kumindat pa. “Should we fire her?” Tanong pa nito sa akin. “Baliw wag na hindi ka naman niya makikita pa ulit eh hayaan mo na baka minsan lang makakita ng gwapo,” usal ko. “So gwapo ba ako?” “Tsk lumalaki na naman ang ulo mo ah!” sagot ko sa kaniya. “Saang ulo love?” pilyong tanong nito. Itong si Vaughn talaga kung ano ano ang iniisip! “Hoy ikaw ah kung anong iniisip mo!” namumulang sagot ko sa kaniya at tinawanan pa ako! “Here’s your menu sir just tell me if you’re done choosing.” Lumapit sa amin yung waitress kanina at inabutan kami ng menu and as usual kay Vaughn na naman siya nakatingin! Sarap tusukin ng tinidor sa mata, eh. Hmp. “Love what do you want?” tanong sa akin ni Vaughn. Nag iba naman ang mukha ng waitress nang marinig niya akong tawagin ni Vaughn na ‘love’ hmp buti nga sa kaniya. “I’ll have the pasta love. Itong shrimp fettuccine alfredo,” sagot ko sa kaniya sa malambing na boses. “Okay. I’ll have two steaks, 1 shrimp fettuccine alfredo, isang penne alla vodka, dalawang German potato salad, at isang bottle ng red wine.” Inulit lang ng waitress ang order namin at umalis na agad “Bakit may wine pa pwede namang cold drinks na lang eh,” reklamo ko sa kaniya. “May plano kang lasingin ako noh?” Tanong ko sa kaniya. “Hahaha hindi naman love. Pampadagdag init lang yan mamaya,” sagot niya at tiningnan ako ng malagkit. “Ayan kana naman ah! Isa nalang ibabato ko tong wine glass sayo,” banta ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako. Nag usap lang kami ng mga bagay bagay hanggang sa dumating na ang pagkain at kumain na kami ng dinner. ____________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD