Hana's Pov "Dalhin niyo na agad siya sa hospital," sabi ko habang buhat buhat nila Nathaniel si Mark. Nararamdaman ko na hindi lang isa iyong pumasok dito. Pumasok ulit ako sa loob ng bahay sabay napatingin ako sa taas. "Miss Hana kailangan mo pong sumama baka magalit sa amin si boss kapag wala ka doon," sabi sa akin ni Nathaniel kaya naman lumingon ako sa kanya. "Mauna na kayo susunod nalang ako. May i-checheck lang ako dito wag kayong mag alala sa akin tinuruan ako ng boss niyo kung paano lumaban," sabi ko sa kanya at wala naman silang nagawa at nauna na sila. Umakyat ako sa itaas at narinig ko ang pag bagsak ng kung ano dito sa kabilang room ito iyong library ni Mark. Dahan dahan kong hinawakan iyong door knob pag tapos pumasok kaagad ako. Mabilis ang mata ko sa pag libot dito sa

