Kabanata 11

2317 Words
Hana's Pov Nagising ako at yakap yakap ako ni Mark halatang ayaw niya talaga ako pakawalan kahit ligtas naman na kami. Dahan dahan ko inalis ang kamay niya na nasa bewang ko. Umupo ako saglit sa kama at hinintay ko siya magising pero hindi man lang siya nagising sa pag alis ko ng kamay niya kanina kaya naman hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ko siya sa noo niya. "Gising na Mahal ko." Bulong ko sa kanya at bigla naman niya naimulat ang mga mata niya kaya napangiti ako. "Gising ka na pala. Magandang umaga sayo," bati niya sa akin at inayos ko ang magulo niyang buhok. "Kailangan mo mag pagaling para makapag gala ulit tayo," sabi ko sa kanya at tumango naman siya. "Malakas naman ako sadyang masakit lang pag kakahampas sa paa ko," sabi niya sa akin at biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang Ina niya kaya napatayo agad ako. "Anong nangyari sayo anak!?" pag aalalang tanong ng Ina niya sa kanya. "Paano mo po nalaman na nandito ako Ina?" Tanong ni Mark sa kanya. "Walang balita na hindi nakakarating sa akin. Sinabi sa akin ni Francheska na may bumugbog sayo at dahil daw iyon kay Hana totoo ba iyon?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya nag ka tinginan kami ni Mark. Lumingon naman sa gawi ko ang Ina niya. "Anong ginawa mo sa anak ko? Bakit siya nabugbog? Siguro pinabugbog mo siya para lang pakasalan ka agad hindi ba?!" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Anong pinag sasabi niya wala naman akong sinabi na gusto ko agad pakasalan si Mark. "Hindi po totoo-" "Totoo iyon wag ka nang mag sinungaling. Aminin mo na dahil sa gusto mo na mag pakasal kaya pinabugbog mo si Mark para lang pilitin siya." Nagulat ako dahil biglang bumungad si Francheska. "Ina hindi totoo sinasabi ni Francheska makinig ka sa akin po. Aksidente po ang nangyari may kumuha sa amin dalawa ni Hana at inutusan kami na mag nakaw sa Sullivan Palace," sabi naman ni Mark at hindi na ako nakaimik pa dahil sino ba ako para sumingit isa lang naman akong ordinaryong tao. "Francheska totoo sinasabi ng anak ko kaya wag ka nang sumingit at mag sinungaling sa akin," sabi ng Ina ni Mark. Agad naman umalis si Francheska at bago siya makalabas tinignan niya ako ng masama na para bang babawi pa siya sa susunod na araw. "Anak ang mabuti ayos lang kayong dalawa. Wag ka mag alala pwede ka mag pahinga muna dito baka pag umuwi ka mahirapan ka dahil malayo layo ito," sabi ng reyna at ako nanatili pa din tahimik. "Ina sana wag kayo magalit kay Hana dahil wala naman siyang ginawang masama," saad ni Mark sa reyna. Napalingon naman siya dito sa akin ang Ina niya. "Naniniwala ako halatang gusto kayong sirain ng Francheska na iyon. Kahit na Prinsesa siya dito sa Sullivan, mag sumbong ka sa akin Hana kung may ginawa siyang masama sayo." Malambing na ang boses ng reyna kaya naman napangiti ako at tumango. "Opo salamat mahal na reyna," sabi ko sa kanya. "Pwede mo akong tawagin Ina na din," sabi niya sa akin kaya lalo ako napangiti. Lumabas na si Ina at pumasok dito ang mga katulong para malinis na kaming dalawa ni Mark pero sinabi ko na ako nalang mag lilinis para kay Mark dahil puro sila babae. "Sigurado ka bang ikaw ang mag lilinis sa akin?" Tanong sa akin ni Mark. "Oo ako wag kang mahiya sa akin. Ikaw naman taga buhos ng tubig sa katawan mo. Wala naman sugat iyang kamay mo," sabi ko sa kanya tinulungan ko siya makatayo. Papunta na kami sa banyo kung saan maliit lang daw dahil doon daw kadalasan naliligo ang reyna at hari nila. Pag pasok namin sa loob pinaupo ko si Mark. "Diyan ka lang saglit lang," sabi ko sa kanya at kumuha ako ng tabo kakaiba tabo nila dito eh. Hinubad ko ang suot ko at kaka bra at panty lang ako ngayon lumabas naman ako. Nag pakita ako sa kanya at gulat na gulat siya sa nakita niya. "Bakit nakahubad ka?! Sabay ba tayo maliligo? Hindi magandang biro iyan Hana," sabi niya sa akin kaya naman natawa ako sakanya. "Ayaw mo ba na sabay tayo maligo?" Tanong ko sa kanya sabay napaiwas naman siya ng tingin. "Masyado pang maaga Hana oo gusto kitang pakasalan agad pero iyong ganto na makikita natin ang isa't isa na katawan. Baka hindi ko mapigilan sarili ko," sabi niya sa akin at tumibok naman ang puso ko nung sinabi niya iyon. "Mag suot ka ulit ng damit mo at paliguan mo lang ako. Pag tapos niyon lalabas ako para makaligo ka," sabi niya sa akin kaya naman wala akong nagawa. Sinuot ko ang damit ko ulit na pang lalaki na ginamit ko kagabi lamang at pag tapos ko mag bihis, binitbit ko ang tabo sabay humarap sa kanya. "Hubarin mo damit mo ako mag huhubad ng pantalon mo," sabi ko sa kanya at sumunod naman siya. Sinumulan ko na siyang paliguan at habang pinapaliguan ko siya hindi ko maiwasan ang tingin ko sa abs niya, lalong lalo na sa maselan niyang parte. "Wag ka mag alala pwede sa babae na makita iyong maselan namin na parte pero sa inyong mga babae hindi pwede hangga't hindi pa kinakasal," sabi niya sa akin kaya natawa ako at hinawakan ko ang abs niya. "Iba ang tinitignan ko. Hindi naman ako ganoon na gustong gusto na agad gawin iyong iniisip mo," sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sa abs niya. "Ah ito pala ang tinitignan mo sa akin. Wag ka din mag alala dahil sayo lang iyan alam mo naman-" "Oo na alam ko na ibig mong sabihin kaya manahimik kana at pupunasan na kita," sabi ko sa kanya at kinuha ko na ang tuwalya. Habang pinupunasan ko siya nakangiti siya sa akin at hawak niya ang bewang ko na parang gusto niya ata akong yakapin. "Salamat sa pag aalaga sa akin," sabi niya sa akin kaya naman huminto ako sa pag pupunas sa kanya at tinignan ko siya. "Mas lalo ako nag papasalamat dahil humaharang ka talaga para lang hindi ako masaktan ng mga lalaki na iyon," sabi ko sa kanya at dinikit ko ang noo ko sa noo niya. "Proprotektahan kita kapag nasa panganib tayo tandaan mo iyan. Hindi ko hahayaan na masaktan ka," sabi niya sa akin sabay hinalikan niya ako. Pag tapos ko siya mapunasan binihisan ko naman siya. Pag tapos ko siyang mabihisan tinulungan ko siya makatayo lumabas na kami at sinabi niya na aantayin niya ako matapos maligo. "Sige na maligo kana gusto mo ba tumawag ako ng mga katulong para paliguan ka?" sabi niya sa akin. "Wag na. Kaya ko naman paliguan sarili ko dapat hindi ko sinasanay sarili ko na may nag papaligo sa akin," sabi ko sa kanya at pumasok naman ako sa loob ulit. Nag hubad na ako at pumunta ako sa parang spa nila dito, nag babad ako ng ilang oras doon para naman marelax ang balat ko at kumalma ang isipan ko makalipas ng ilang minuto umahon na ako. Nag banlaw ako ng katawan ko dahil amoy sabon naman ang spa nila dito. Pag tapos ko mabanlawan sarili ko nag punas na ako ng katawan ko. Nag bihis naman na ako pag tapos buti simpleng dress lang ang binigay sa akin dahil walang tutulong sa akin na mag suot ng dress na ito. Pag labas ko nakita ko si Mark na nakatayo na at pag lingon niya sa akin ngumiti siya. "Medyo nakakatayo na pala ako. Mukhang mabisa ang nilagay nilang gamot sa paa ko kagabi," sabi niya sa akin kaya naman lumapit agad ako sa kanya at inalalayan ko siya. "Hindi mo pwedeng ipwersa ang sarili mo na tumayo baka lalong mamaga iyan!" sabi ko sa kanya at natawa naman siya ng mahina. "Malakas ako Hana. Ako na nag sasabi sayo. Nag ka ganito na din ako noong sumabak ako sa pag sasanay ko na makipag laban," sabi niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Nag aalalalang naman ako baka kasi lumala iyong sugat mo," sabi ko sa kanya at niyakap naman niya ako. "Ang bango mo na ang ganda mo din pala kapag nakalugay lang ang buhok mo," sabi niya sa akin bumilis ang t***k ng puso ko bigla. "Kailangan mo na kumain tara na," sabi ko sa kanya at inalalayan ko naman siya para makabalik kami sa kwarto. Pag ka dating namin doon nandoon si Nyxon nag aabang kasama ang tatlong katulong na may dalang pagkain. Umupo naman kami ni Mark. "Ang tagal niyo sa banyo may ginawa ba kayo?" Nagulat ako sa tanong niya nag init ang pisngi ko. "Wala nirerespeto ko si Hana," sagot naman ni Mark at nag simula na siyang kumain. "Ganoon ba? Mukhang ayos na ata ang sugat mo nakita kasi kita nakatayo kanina at inaantay si Hana na matapos yata kung hindi nag kakamali," saad ni Nyxon kay Mark. "Oo medyo ayos na ako. Baka bumalik na kami ni Hana sa palasyo ko kinabukasan," sabi ni Mark at ako naman kumakain na din habang nakikinig sa pinag uusapan nila. "Ayaw niyo na ba mamasyal sa lugar ko? Hindi ba dito kayo patungo noong gabi na iyon?" Tanong ni Nyxon. "Gusto lang naman kasi ni Hana na tumingin ng mga magagandang dress. Sinabi ko kasi na marami dito." Sagot naman ni Mark kay Nyxon at bigla naman akong dumighay kaya napatingin sila sa akin. "Ganoon ba? Kung ganoon pag ayos ka na baka pwede na kayo gumala," sabi ni Nyxon at sumingit naman ako sa usapan nilang dalawa. "Hindi pwede uuwi na tayo Mark kaya naman makapag hintay iyang gala natin," seryoso kong sabi sa kanya. "Sige ikaw may sabi niyan ah," sabi niya sa akin at pag tapos kong kumain uminom na ako ng tubig na nasa baso. Pag tapos mag usap ng dalawa lumabas na si Nyxon at naiwan kaming dalawa dito. Tahimik lang kami dahil parehas kaming walang magawa. "Pasensya ka na kung nag ka ganito pa iyong sitwasyon," sabi niya sa akin. "Wag mo sisihin sarili mo wala naman sa atin ang may kasalanan. Sadyang aksidente lang ang nangyari kagabi," seryoso kong sabi sa kanya at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "Nagagalit ka ba?" Tanong niya sa akin at ngayon ko lang napansin na mataas pala ang boses ko habang nag sasalita ako. "Sorry kung tumaas boses ko," sabi ko sa kanya at napayuko naman ako. "Ayos lang sa akin," sabi niya sabay hinalikan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Oo nga pala gusto mo ba turuan kitang lumaban? Kasi kagabi ang tapang mo na sumama kay Nyxon kagabi sa pag ligtas sa akin," sabi niya sa akin at napaisip naman ako. Wala naman ako ginagawa sa buhay ko kaya bakit hindi ko tatanggapin pa itong alok niya. "Sige pero wag naman iyong madalian gusto ko matutunan lahat ng mga galawam mo. Kung ano iyong natutunan mo dati," sabi ko sa kanya. "Sige wag ka mag alala madali lang naman ituturo ko sa una," sabi niya sa akin. Sa una? Ibig sabihin may mahirap siyang ituturo sa akin? "Ibig sabihin ba nito may ituturo ka na mas mahirap pa?" Tanong ko sa kanya. "Kung gusto mo matutunan iyong mahirap na iyon, nasa sayo naman ang desisyon kung gusto mo," sabi niya sa akin napatango naman ako. Gusto ko matuto pa ng todo gusto ko pa malaman ang hindi ko alam sa taon na ito. "Sige payag ako kapag natapos ko ang una kong gagawin sa madali, payag ako na turuan mo din ako sa mas mahirap," sabi ko sa kanya at bigla naman siyang napangiti. "Napakatapang mo talaga," sabi niya sa akin at ginulo naman niya ang buhok ko kaya napangiti naman ako. Gusto ko lang naman na mag karoon ako ng silbe sa buhay kaya kapag na aksidente ulit tayo ng ganoon. May alam ako na mga galaw na ituturo niya sa akin at hindi na ako mag aalala masyado para sa sarili ko. "Ang dami ko ng utang sayo Mark pero ang maisusukli ko lang ay iyong pag mamahal ko para sayo. Totoong pag mamahal ko para sayo," sabi ko sa kanya sabay yumakap ako sa kanya. Pag tapos ng lahat nang ito kapag umabot na ng sampung taon. Babalik na ako sa taon ko hindi ko alam kung kakayakanin ko pero kailangan kong kayanin dahil parang nasa isang panaginip lang ako. Sa taon ko hindi na buhay si Mark niyon alam kong patay na siya niyon. "Ayos ka lang ba Hana?" Tanong ni Mark at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya napayakap ako lalo sa kanya para hindi niya makita ang luha ko. "Alam kong umiiyak ka. Tahana na," sabi niya kaya naman napakalas ako ng pag kakayakap sa kanya at nakita ko ang gulat sa itsura niya. "Hindi ako umiiyak," nauutal kong sabi sa kanya. "Kung hindi ka umiiyak ano pala iyong naiisip mo ngayon?" Tanong niya sa akin. "Naisip ko na isang panaginip lang lahat ng ito at pag lumipas na ang sampung taon makakabalik na ako kung saan ako galing," sabi ko sa kanya. "Hindi ka nananaginio Hana totoo lahat itong nangyayari, lalong totoo din na mahal na mahal na kita," sabi niya sa akin at pinahid niya ang luha ko. "Kapag bumalik ka sa taon mo hanapin mo ko. Kung patay na ako dalawin mo ako," sabi niya sa akin at nagulat naman ako. Bigla siyang ngumiti sa akin. "Alamin mo din kung nag karoon ako ng asawa o hindi dahil kung hindi ibig sabihin wala akong minahal maliban sayo." Dugtong pa niyang sabi sa akin. "At kung sakaling meron akong asawa alamin mo kung sino at kung ikaw yun, ibig sabihin hindi ka nananaginip," sabi pa niya sa akin kaya napatango tango ako. "Gagawin ko iyon Mark." Ngumiti ako. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD