Hana's Pov Kinaumagahan maaga akong nagising habang pababa ako bigla naman bumaba iyong mga kapatid ko na maliliit pa at nakatingin sila sa akin. Anong meron? Bakit sila nakatingin sa akin? Tsaka ang aga din nila magising ah. Pag ka baba ko nagulat naman ako dahil nakita ko si Mark na kausap si Sister. "Gising ka na pala. Nakapag paalam na ako sa Sister mo," sabi sa akin ni Mark kaya naman tuluyan na akong bumaba. "Anong pinaalam mo sa kanya?" Tanong ko kaagad sa kanya at nakatitig lang siya sa mga mata ko. "Totoo nga iyong sinasabi niya. Gusto ka ni Mark sinabi niya sa akin na mahal ka daw niya!" sabi ni Sister kaya naman nagulat ako pati na din iyong mga bata niloloko ako at kinikiliti ako. "Hindi naman po sa ganoon." Sagot ko sa kanya. "Wag ka n mahiya pwede ka naman mag karoon n

