Nyxon's Pov Nag lalakad ako papuntang kwarto ni Mark dahil kailangan daw nito ng kausap hindi ko ba alam kung saan nag punta si Hana bakit bigla niya iniwan si Mark ng hindi nag papaalam ng maayos. Habang nag lalakad ako nakita ko si Niella na papunta dito sa gawi ko kaya naman napangisi ako dahil alam kong isa siyang prinsesa. "Bakit nandito ka pa? Hindi ba wala na si Hana?" Tanong ko sa kanya. "Sinusunod ko lang iyong sinabi niya na bantayan ko iyong anak nila ni Mark," sabi niya sa akin at napangisi naman ako. "Hindi mo na dapat sinusunod iyon dahil iniwan niya si Mark at wala siyang kwentang Reyna," sabi ko sa kanya at sinamaan naman niya ako ng tingin bigla. "Anong walang kwentang Reyna? Gusto mo ba makatikim sa akin ng sapak? Hindi ganoon na tao si Hana at isa pa matalik ko siy

