Mark's Pov Papunta na ako sa kwarto namin para gisingin ko si Hana. Nakahanda na din iyong kakainin niya sinabihan niya kasi ako kung anong gusto niyang kainin. Narating na ako sa kwarto at pumasok ako doon pag tingin ko tulog pa din siya kaya naman lumapit ako sa kanya. Hinawakan yong balikat niya para gisingin siya. "Gising na mahal kong Reyna," sabi ko sabay unti unti naman siyang nagising at napatingin sa akin. "Mahaba ba iyong tulog ko?" Tanong niya sa akin sabay bumangon na siya. "Tama lang naman hindi sumombra hindi din kulang," sabi ko sa kanya ngumiti naman siya sa akin at mag bibihis na sana siya ng pigilan ko siya. "Huwag ka ng mag bihis kasi dinala ko dito iyong pagkain mo," sabi ko sa kanya sabay kinuha ko iyong tray at inilapag iyon sa kama. "Salamat Mark," sabi niya s

