Hana's Pov
Pag tapos ko maligo lumabas na ako sa banyo kung saan nandoon pa ang reyna. Nag lakad na ako pabalik sa guest room at pag pasok ko doon nakita ko na nakasuot si Mark ng armor.
"Ngayon kita tuturuan okay lang ba? Iyong madali lang muna kasi bukas may trabaho ako," sabi niya sa akin at pinakita naman niya ang susuotin ko pero suot ko na iyong dress na binili niya sa akin ano ba naman iyan.
"Pinasuot mo pa sa akin itong bagong dress kung ngayon pala iyong tuturuan mo ako," sabi ko sa kanya at natawa naman siya kaya naman hinampas ko siya pero mahina lang iyon.
Kinuha ko na ang medyo mabigat na armor. Ganto din ang sinuot ko noong niligtas ko siya kaya medyo sanay na ang katawan ko sa bigat nito.
Pag tapos ko mag palit sumilip at nakita ko na nakatingin sa gawi ko si Mark. Halatang nakatitig siya habang nag bibihis ako kahit may harang naman.
"Tuwing hapon tayo mag sasanay sa pag laban," sabi niya sa akin at nauna naman siyang lumabas kaya naman sumunod ako sa kanya.
Habang sumusunod ako sa kanya napatingin ako sa kamay niya. Gusto ko iyon hawakan gusto ko kapag mag lalakad kami mag ka hawak kami ng kamay palagi.
"Bilisan mo," sabi niya sa akin kaya naman pumantay ako sa pag lalakad niya. Nauuna pa din siya mag lakad sa akin kaya napanguso na lang ako.
Nandito na kami sa isang maliit na bahay na puro sandata ang nandito at may archery din na nakalagay dito. Siguro papipiliin niya ko kung alin ang gusto kong gamitin na weapon pag lalaban.
"Pag pana muna ang ituturo ko sayo since ito ang pinakamadali kapag nag sasanay ka sa pag laban," sabi ni Mark sa akin at binigyan niya ako ng gloves na iyong kalahating kamay ko lang ang malalagyan.
"Sige." Sagot ko naman tekha, bakit niya ako pinag suot ng armor kung ito lang pala ang ituturo niya sa akin?
"Bakit mo ako pinag suot ng armor kung ito lang pala ang ituturo mo sa akin?" Tanong ko sa kanya at sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Basta sumunod ka nalang sa akin ang dami mo pang tinatanong eh," sabi niya sa akin at binigyan niya ako ng malaking pang pana.
"Idiretso mo katawan mo. Napapansin ko hindi mo na naman dinidiretso katawan mo kapag nag lalakad ka nakalimutan mo na ba iyong mga tinuro ko sayo?" sabi niya sa akin at sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya tumibok ng mabilis ang puso ko.
"Hindi ko makakalimutan tinuro mo sa akin. Alam mo naman na masakit sa likod minsan kapag tuwid iyon araw araw tsaka hindi naman halata!" sabi ko sa kanya at pinisil naman niya ang pisngi ko.
"Hindi pwedeng ganoon paano kapag napansin iyon ni Ina? Edi sasabihin niya na hindi mo natutunan iyong mga tinuro ko sayo?" sabi niya sa akin kaya naman napayuko ako pero ang buong akala ko pipisilin niya ulit ang pisngi ko pero naramdaman kong lumapat sa noo ko ang labi niya.
"Ituwid mo katawan mo. Diretso din dapat ang kamay mo kapag titira ka na,"sabi niya sa akin at sinunod ko naman ang sinabi niya sa akin.
"Ganto ba?" Tanong ko sa kanya naka sideview ako ngayon kasi ang alam ko ganyan kapang arcery eh.
"Ganyan nga mukhang alam mo naman pala eh," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako.
"May tanong ako sayo Mark," sabi ko sa kanya at binitawan ko naman ang pana sabay tumam siya sa may gitna at hindi ko alam na tatama siya mismo sa gitna.
"Ano iyon?" sagot niya sa akin.
"Paano kung may kamukha ako sa taon niyo? Paano kung kapangalan ko iyon at ako talaga iyon sa taon niyo?" Tanong ko sa kanya at bigla naman siyang bumitaw sa pag kakahawak ng braso ko.
"Hindi totoo iyon ikaw lang iyong babaeng nakilala ko na may ganyan na mukha," sabi niya sa akin sabay hinawakan niya ang braso ko para ituwid lalo.
"Paano kung masama pala ako sa taon niyo? Paano kung sinisira ko na pala ang taon mo?" sabi ko sa kanya at hindi ko namalayan na pumatak ang luha ko.
"Hindi totoo iyon Hana! Alam mo naman na mahal kita paanong nakasisira iyon?" sabi niya sa akin sabay hinarap niya ako sa kanya at nag ka titigan kami.
"Lagi ka nalang ba mag tatanong saakin ng mga ganyan? Totoo itong nangyayari sa atin dalawa ngayon! Totoong napunta ka dito para mahalin ako," sabi niya sa akin sabay niyakap niya ako.
"Don't leave me!Stop saying that," sabi niya sa akin at napayakap naman ako ng pabalik sa kanya.
"Hindi natin alam Mark baka isang araw bigla nalang akong nakabalik sa taon at panginip lang ang lahat," sabi ko sa kanya.
"Kung mangyayari man iyon mababaliw talaga ako!" sabi niya sa akin at nakita ko sa itsura niya kung gaano siya kagalit.
Hinawakan ko naman ang mukha niya sabay napapikit siya. Hinawakan niya ang kamay ko sabay hinalikan niya iyon.
"Balik na ulit sa pag tuturo," sabi niya sa akin kaya naman humarap ulit ako sa pag titirahan ko. Tinuwid ko ang mga kamay ko at tumira ako sa gitna ulit siya tumama.
"Madali lang pala sayo ito! Gusto mo sa susunod na tayo na ituturo ko sayo?" Tanong niya sa akin at napaisip naman ako.
"Bukas nalang iyong susunod," sabi niya sa akin at pinigilan ko naman wag matawa.
"Bakit anong gusto mong gawin ngayon gabi?" Tanong niya sa akin at inalis niya sa kamay ko ang gloves.
"Gusto kong mag kwentuhan tayo," sabi ko sa kanya at naningkit naman ang mga mata niya.
"Sige." Pumayag naman siya kaya naman nag tatalong ako at napatingin siya sa akin.
"Ano iyang ginagawa mo?" Tanong niya sa akin kaya napakagat ako ng labi dahil nakakahiya iyong ginawa ko.
"It's called excitement," sabi ko sa kanya.
"Alam ko iyon pero tumalon talon ka kakaiba iyon ah," sabi niya sa akin kaya naman tumawa ako.
Inalis niya ang armor sa katawan ko at nakasuot na lang ako ng kulay puti na damit. Naka palda ako ng kulay puti na medyo manipis nakaboots din ako ng kulay brown naman.
Nag lakad na kami at habang nag lalakad kami nakita ko ang kamay niya na gumagalaw para bang sinasabi niya na hawakan ko na ang kamay niya kaya naman napangiti ako sabay humawak sa kamay niya.
"Kapag nag tuturo ako sayo kailangan seryoso ka kaya hindi ko hinawakan ang kamay mo kanina gusto ko matuto ka din mag lakad ng mabilis kapag may laban," sabi niya sa akin kaya naman tumango tango ako.
Nandito na ulit kami sa loob ng palasyo pero patuloy lang kami sa pag akyat kaya hindi ko alam kung saan kami mag tatamabayan para lang makapag kwentuhan.
"Maupo ka dito sa tabi ko," sabi ni Mark at nandito kami ngayon sa roof top mismo ng palasyo nila. Namangha naman ako sa langit dahil madilim na pala.
"Maganda ba iyong mga bituin?" Tanong niya sa akin.
"Oo napakaganda ng mga bituin!" sabi ko sa kanya napansin ko naman na nakatitig siya sa akin. Lumingon ako at kita ko na inlove na inlove talaga siya sa akin.
"Mas maganda ka pa sa mga bituin at lalong mas gwapo ako," sabi niya sa akin kaya naman natawa ako. Okay na sana eh kaso sinamahan niya pa ng kagwapuhan niya.
"Ang hilig mo talagang mag patawa Mark," sabi ko sa kanya at sumandal ako sa balikat niya.
"Sana ganito lang tayo masaya at walang prinoproblema sa buhay natin dalawa," sabi niya sa akin sabay hinawakan naman niya ng kamay ko.
"Ano pala pag kwekwentuhan natin? Nag lalandian lang tayo dito eh!" sabi ko sa kanya sabay tumawa siya ng mahina.
"Alam mo bang may kakambal ako," sabi niya sa akin kaya naman nagulat ako.
"Hindi ko alam na meron ka palang kakambal. Ano naman meron sa kanya?" Tanong ko sa kanya at bigla naman naging malungkot ang itsura niya.
"Pinanganak kami ng sabay pero mag ka dikit iyong likod namin dalawa," sabi niya sa akin kaya naman napatakip ako ng bibig. Mahirap iyong ganoon na sitwasyon.
"Anong nangyari? Naoperahan ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa masyado magaling ang mga manggagamot dati," sabi niya sa akin at nakita ko na tumingin siya sa langit.
"Kung pag hihiwalayin kaming dalawa, mamamatay ang isa sa amin," sabi niya sa akin at lalo akong nanahimik para lang makinig ako.
"Pinag hiwalay nga kami at siya ang namatay imbis na ako," sabi niya sa akin.
"Pero bago kami mapag hiwalay, lumaki muna kaming dalawa at dito kami minsan madalas nag uusap sa rooftop." Dugtong niyang sabi sa akin.
"Kawawa naman iyong kakambal mo ano pala pangalan niya?" Tanong ko sa kanya.
"Anthony." sagot niya sa akin at nagulat naman ako ng tumayo siya.
"Gusto mo bang makita iyong peklat ko?" Tanong niya sa akin at tumayo naman ako sabay tumango ako.
Inalis niya ang pang taas niya at nagulat ako sa nakita ko. Malaki ang peklat niya sa likuran niya kaya pala namatay iyong kambal niya kasi hindi ba naman hindi mawawalan ng isang buhay kapag ganyan kalaki ang dikit nila sa isa't isa.
"Sobrang miss na miss ko na kapatid ko," sabi niya sa akin sabay humarap siya sa akin at binutones niya na ang damit niya.
"Kaya ayaw kong mawala ka sa akin Hana alam mo na mangyayari sa akin. Malulungkot ako at hindi ko na alam gagawin ko kapag nawala pa ang isang taong mahal ko sa buhay," sabi niya sa akin kaya naman napayuko ako.
Hindi ko alam kung pipili ba ako kung uuwi ba ako o kung mag i-stay ba ako sa kanya habang buhay.
"Nag iisip ka na ba kung iiwan mo ako?" Bigla niya akong tinanong kaya naman kinabahan ako at tumalikod naman ako pero naramdaman kong niyakap niya ako.
"Hana hindi naman ako magagalit kung mag papaalam ka sa akin ng maayos. Hindi ako mababaliw kung mag papaalam ka sa akin," sabi niya sa akin at napahawak ako sa kamay niya.
"Hindi ka magagalit?" Tanong ko sa kanya sabay humarap ako sa kanya.
"Hindi kasi mahal na mahal kita. Hindi ko kayang magalit sayo unless kung tinuturuan kita ngayon. Mag kaiba iyon," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako.
"Your young majesty, kanina pa po kayo hinahanap ng reyna." Nagulat kaming dalawa ni Mark dahil may bumungad na katulong sa harapan namin.
"Mukhang kakain na tayo kasi gabi na," sabi ko sa kanya at sumunod naman kami sa katulong.
Habang nag lalakad kami papuntang hapag kainan mag kahawak kami ng kamay. Nang makarating na kami doon nakita ko ang reyna pero wala ang hari kaya naman nag takha ako.
"Nasaan mo si Ama?" Tanong naman ni Mark sa reyna.
"Hindi pa siya tapos sa trabaho na ginagawa niya," sabi naman ng reyna at umupo naman ako.
"Kamusta naman ang pag tuturo sayo Hana?" Tanong sa akin ng reyna.
"Mabuti naman po!" Sagot ko sa kanya napatango tango naman siya. Nag simula na akong kumain at ganoon din si Mark.
Habang kumakain kami nag uusap naman ang reyna at si Mark hindi ako nakikinig dahil alam mo na pamilyang usapan iyan kaya hindi ako makikichismis diyan.
Pag tapos kong kumain uminom naman ako ng juice na orange ang flavor, napangiti naman ako at nag pasalamat ako sa panginoon dahil may nakakain ako ngayon.
"Ang bilis mo naman kumain Hana." Nagulat ako dahil biglang kinausap ako ng reyna kaya napakamot ako ng ulo ko.
"Pasensya na po mukhka ba akong patay gutom po?" Tanong ko sa kanya at nag tawanan naman ang dalawa kaya lalo akong nahiya tumingin sa kanila.
"Parang lang pero hindi naman. Baka napagod ka lang kanina noong tinuruan kita kanina," sabi ni Mark kaya naman tumingin ulit ako sa kanya sabay nakangiti siya sa akin. Iyong reyna nakangiti din.
Malapit ang loob saakin ng reyna kasi nag kausap kami kanina. Tapos na din silang kumain nauna ng umalis ang reyna at naiwan kaming dalawa ni Mark dito.
"Gusto mo na bang matulog?" Tanong niya sa akin.
"Matutulog agad? Kakatapos lang natin kumain Mark," sabi ko sa kanya at natawa naman siya.
"Nag bibiro lang ako, ano gusto mong gawin? Habang hindi pa hating gabi," sabi niya sa akin at napaisip naman ako.
"Wala naman kasing laro na pwedeng laruin dito sainyo kagaya ng monopoly," sabi ko sa kanya at bigla naman siyang napakuno't ng noo.
"Anong monopoly sinasabi mo? Hindi ko alam iyon," sabi niya sa akin kaya naman ako naman ang tumawa ngayon para makabawi naman ako.
"Bakit ka natatawa siguro binibiro mo din ako?" Tanong niya sa akin at umiling iling naman ako.
"Sa taon ko kasi meron kaming ganoon maganda siya laruin at hindi ka maboboring," sabi ko sa kanya at tumango tango naman siya.
"Iyong mga laro namin dati sandata," nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napakuno't ako ng noo.
"Anong sandata sinasabi mo diyan? Ano nag papatayan kayo ng mga kasama mo dati?" Tanong ko sa kanya at humagalpak naman siya ng tawa kaya napapoker face ako.
"May maliit na sandata na gawa lang sa kahoy hindi naman siya matulis parang laruan lang talaga siya. Ikaw grabe ka naman makasabi na nag papatayan kami ng mga kalaro ko dati," sabi niya sa akin kaya nag tawanan naman kaming dalawa.
"Ganoon ba akala ko totoong sandata hawak niyo eh," sabi ko sa kanya.
"Gusto mo ba dito mag kwentuhan kasi nag aantay iyong mga katulong na umalis tayo?" sabi niya sa akin kaya naman napatayo agad ako pero biglang bumagsak iyong pinggan. Nag panic naman ako at hinawakan ko iyong mga bubog para itaas.
"Hana bakit mo hinawakan iyan!" Sigaw ni Mark at biglang nag dugo iyong mga kamay ko kaya napatulala nalang ako.
"Tumawag kayo ng mang gagamot ngayon din!" Narinig ko pa ang sinabi ni Mark at napatingin ako sa kanya.
"Mark nakabasag ako ng plato mukhang mahal iyan eh paano ko babayaran iyan?" sabi ko sa kanya at binuhat naman niya ako.
"Tumahimik ka. Ang importante magamot ka ngayon hindi ka nag iisip na masusugat ka kapag hinawakan mo iyong bubog," sabi niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa pa.
Pumasok kami sa kwarto namin dalawa. Hiniga niya ako sa kama at nilagay niya ang kumot sa kalahati kong katawan hawak hawak pa din niya ang kamay ko dahil tumutulo iyong dugo niyon.
"Wag kang mag alala pag tapos balutan niyan, hahalikan ko para mabilis gumaling," sabi niya sa akin kaya napangiti naman ako.
Nakita ko na pumasok ang mga katulong at may kasama na lalaking nakasuot ng kulay puti. Mukhang ito 'yata iyong gagamot sa kamay ko tinignan naman niya ang kamay ko at nilagyan niya agad iyon ng lampin.
Pag tapos niyang linisin ang dugo na nag kalat sa kamay ko binalutan niya iyon ng lampin na kulay puti na makapal. Pag tapos niyon umalis na iyong mang gagamot pero hindi nag pasalamat si Mark.
"Bakit hindi ka nag pasalamat?" Tanong ko sa kanya.
"Late na siya dumating kaya dapat sa kanila hindi pinag sasalamatan," sabi niya sa akin kaya naman tumayo ako pero pipigilan niya na sana ako.
"Saan ka pupunta?"
"Kahit na late siya kailangan mag pasalamat ka pa din. Iyon iyong tinuro sa akin sa ampunan," seryoso kong sabi sabay lumabas at hinabol ang mang gagamot na iyon.
**