┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Okay! Gusto ko ng simulan ang palaro nating lahat. Akala yata ni Marcus ay siya lang ang magaling sa pag-iisip ng laro. Ako din ay maraming naiisip na magandang laro, kaya humanda na kayo dahil sisimulan muna natin ito sa malinis na laro hanggang sa unti-unti itong nagiging dirty. Okay ba sa inyo 'yan? Walang personalan, ang ayaw sumali ay pwede naman, pero once na nasa pila ka na, hindi ka na pwedeng umatras pa," ani ni Noah. Pumayag naman ang lahat ng marinig nila ang klase ng laro na gagawin nila. Lalo na si Marcus na pumapalakpak pa. "Excited na ako dyan!" malakas na ani ni Marcus. Tumawa naman si Noah at nagpunta sa pinaka gitna ng stage at naglagay ng maraming silya na naka-paikot. Tinulungan na rin siya nila David upang mas mapadali ang ginagawa ni Noah. "Para saan

