┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Ngayong araw na ang kaarawan ni Noah. Alas sais ng gabi ang punta nila ng hotel na pag-aari ng isang Noah Hendrickson. Alas tres na ng hapon at nakahiga pa rin sa kama si Sebastian. Malalim ang iniisip nito, hindi kayang arukin ng kahit na sino. Humugot ng malalim na paghinga si Sebastian, pagkatapos ay bumangon ito at naupo sa kama. Nakatitig lamang siya sa kung saan, at pilit na inaalala ang mga araw na magkasama sila ni Adi sa silid niya. "Ano ba ang ginagawa mo ngayon Adi? Alam mo ba na nababaliw ako sa tuwing naiisip ko kung ano ang ginagawa ninyong dalawa? Nababaliw ako sa isiping magkasama kayo sa iisang kama at...." Humugot ng malalim na paghinga si Sebastian. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Gabi-gabi, halos hindi siya makatulog kakaisip kung ano ang ginag

