My love

3363 Words
CHESKA POV. Hi I am Cheska, 25 years old. Im a computer technology graduate. Im a secretary here in local, okay naman ang buhay namin kahit papano. Nakakakain naman kami sa luob ng isang araw ng tatlong beses, may maayos din naman ang aming bahay, ang trabaho ng papa ko ay, contactor, ang mama ko naman ay nag luluto ng mga kakanin para sa mga trabahante ng aking ama. Lima kaming mag kakapatid. Dalawa kaming babae at tatlo naman ang lalaki, ang ate namin ay may sariling pamilya na. Kaso mukang hindi sya swerte sa love life nya, pano ba naman kasi ang asawa nya ay kundi nawiwili sa pag sasabong sa alak naman nag papakalunod, hindi lang yon ha, pag nalalasing pa yon kung saan saan pa na pupunta, kaya ang napapala na aaksidente, minsan uuweng puro pasa ang mukha o di kaya ay may fracture sa katawan. Kung hindi ba naman matino yon ai ewan ko din ba kay ate ko, kahit puro sakit sa ulo ang bigay nang asawa nya hindi nya pa din iniiwan, ganun ata talaga pag mahal mo ano. Kahit nag mumuka ka na ngang tanga okay lang sayo. Mahal mo naman daw ai. Haist pag tinamaan ka nga naman ni kupido, ang pangit sa mata mo gwapo, ang basag ulo para sayo matino. What a life story. Ako nga nag boyfriend ako sixteen years old ko. Syempre nang mga panahon na yon. Kailangan patago. Dahil bawal pa yon sakin, acttualy first love ko yon ei. Sya lang naman si jeffrey. Okay nman kami. Sunduin nya ako sa may kanto namin tapos ihahatid nya ako sa school, then sa hapon. Susunduin nya ako. Kasama pa yong mga sineservice nya. Ang nakaka alam lang sa relasyon namin ay ang ate ko, pag nga gusto namin mag date nag papaalam kami nang ate ko na gagla kami, pero ang totoo ako lang talaga ang gagala nuon. Then one day, nag ka ruon ako nag chicken fox. Syempre hindi ako nakapasok sa school at hindi nya ako mapuntahan, pero gumawa sya nang paraan. Nang pumunta sya sa bahay sabi nya kay papa bibisitahin nya daw si ate ko, pero sa akin naman naka tingin. Ginawa pa ni ate ko nuon sa likod nang kwarto namin nya pinatambay si jeff, sa may bandang bintana namin. And my sister said " may pakita na sa bf mo, miss ns miss kana ata kahit sinabi kong nakakahawa yong sakit mo ayaw parin nyang magpa awat gusto ka talaga nyang makita, o ngayon pag tiisan nya ang pangit mong mukha nang dahil jan sa chicken fox mo,haha " then jeff said " okay lang kahit pangit si bhe, tanggap ko nman, mas maganda ngayon ako lang ang titingin sa kanya wala nang iba. Syempre ang lola nyo ang kilig umaapaw. Kahit hindi sya masyado nag tagal sa bahay dahil bawal akong mahanginan okay lang daw basta na dalaw nya ako. After a days. Nabalitaan ko na hawa nga talaga sya sakit ko. Kaso hindi ko manlang sya na dalaw kasi may sakit pa ako. At bantay sarado ako nang papa ko. Umabot ang graduation ko ng high school, pumunta sya nuon. Kahit gusto nya na sya ang umakyat para mag sabit ng mga award ko eh, hindi pwede. Before i forgot, si jeff nga pala ay mas matanda sakin. 23 sya nang 16 palang ako. Kaya para akong nakahanap nang kuya at boyfriend. Mabait sya sweet, caring, mapag pasensya salahat nang bagay. And promise ko sa kanya na pag eighteen nako. Ipapakilala ko sya kayla mama at papa na bf ko,. But before that day bad something happen. Ang mag papabago sa buhay ko at sa relasyon naming dalawa. Nag paalam sya sakin nuon na mag aabroad sya para sunduin ang ate nya dahil may sakit daw nasa taiwan ang ate nya nuon. Syempre sino ba naman ako para hindi pumayag nuon, pamilya nya yon kailangan nyang unahin bago ako, sabi nya baka umabot daw sya nang tatlong buwan, i agree, basta kako ang comunication natin hindi mawawala. Umalis sya nang July 10. umabot na nang December. Wala parin akong balita sakanya. Nawalan kami nang communication. Nag paka busy ako sa school, para kahit papano hindi ko sya maalala, kasi na mimiss ko lang sya at nasasaktan ako. Time flies. February 20 may eighteen birthday. Hindi ko parin alam kong kamusta na sya duon. Isa lang ang alam ko basta wala pa syamg sinabi na hiwalay n kami. Kami parin. And that day also, nag punta ang best friend nya, na naging kaibigan ko nadin. " Ches, may sasabihin ko sayo, ayoko sana na ngayon to sabihin dahil birthday mo kaso hindi ko kasi matiis na nakikita ka na umaasa sakanya. " "may dapat po ba akong malaman.? " "yong pinintahan kasi ni jeff sa taiwan, hindi nya ate yon, girlfriend nya yon. Im sorry pero hindi ko na kasi matiis ei, naawa na kasi ako sayo. " yong narinig ko yon, para akong nabingi, nag antay ako nang kulang dalawang taon, para lang wala. Yon pala may iba naman pala sya at hindi naman pala talaga ako ang mahal nya. Umuwe ako nang province namin para duon ako mag patuloy nang pag aaral. Lagi akong tinatanong nang mama ko kung bakit daw gusto ko sa province mag aral. Eh nasa magandang paaraalan naman ako nag aaral. Nahihiya lang akong sa bihin kay mama ko na nag momove on ako. Sigurado may sambunot akong matatanggap. Twenty two years old nako bumalik kayla mama ko. Duon nako nag hanap nang trabaho. Nang nasa lola ko kasi ako. Ako ang nag mamanage nang mga negosyo nila. Kaya kahit papano hindi naman ako naburo lang duon para sa wala. Hanggang nakapasok ako sa dating pinag tatrabahoan nang ate ko. Ang Franada's Com. Na hired ako bilang secretary nang accountancy dept. Maganda ang sahod maganda ang pamamalakad. Dito ko din nakilala ang bf ko now na si Lester. Sa ngayon tatlong taon nadin naman na kami nang bf ko. Okay din sya mabait, masipag, caring. Tsaka close sya sa family ko. Magkaiba kami nang dept, na naountahan pero okay lang lagi naman kami sabay na nag lulunch. At pag uwean. Sabi nga nang iba pwede na kami mag sama. Im twenty five sya naman ay thirty na. Hindi nman ako nag mamadali mag asawa, kasi yong bf ko nga wala pang balak alam naman ako pa ang mag yaya na magpakasal kami. Ngayong araw daw darating ang anak nang may ari nang company. Lahat kami busy, hindi mo makausap nang matino ang tao sa paligid. Kasi ang balita namin masungit daw,. " ches, sabi ni madam anne. Yong anak daw nang may ari ay gwapo, matangkad at macho. At hindi lang yon. Thirthy two years old lang daw yon." " nako shasha, umiral nanaman yang pag ka chismax, mo huh, mamaya maabutan ka dito nang supervisor mo dito sakin D,A k nanaman, alam mo naman nyon gusto nuon sya lang ang kausapin." feel ko nga may gusto ang visor ni sha sha sa kanya ei. Torpe lang. " nako ches, wag ako ah. Bet ko anak ni sir jack." " ang feeling mo na girl, lumayas ka sa harapan ko, marami pa akong gagawin. Maya na tayo mag chikahan b.time okay." JEFFREY FRANADA POV. Hi im jeffrey franada, thirthy two years old, as of now im here at canada. Since twenty three ako. Simula nang pumunta ako dito ako na ang nag mamanage nang business namin dito. Pero pag may time naman ako umuuwe ako sa pilipinas, to visit may family and also my bestfriend,. Sabi ni dad pag uwe ko dapat nang pilipinas may gf na ako na ipapakilala sa kanya pano ko ipapakilala sa kanya eh nag asawa na nga ang kaiisa isang babeng minahal ko. Simula nang napunta ako dito hindi ko na sya na kita pa. Nuon lagi pa akong nag papadala nang flower and hello kitty sa kanya. Hanggang mag eighteen sya, para sana maging legal ang relasyon namin kahit long distance,. Kaso sabi nang bestfriend ko umuwe na daw sa province nila simula nang mag college at duon na nakapag asawa, nuong una hindi ako naniniwala, kasi may promise kami na kami na hanggang sa huli,. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung naghanap na sya nang iba. Masakit panuon, pinerahan nya lang ako.hingi sya nang hingi nang kung ano ano sa bestfriend ko nang mga gusto nya, ako naman si tanga, bigay nang bigay, yon naman pala mag aasawa na sya. Kaya simula nang nalaman ko yon. Hindi nako nag hanap pa nang babae na. Iibigin ko, pwede na yong fling, yon naman ang gusto nang mga babae, para sakin lahat nang babae na nakilala ko manluluko. Pwera lang kay mommy ko. Today uuwe ako nang pilipinas para i take over ang business namin duon. Wala naman akong magagawa kasi nag iisang anak lang naman ako. Wala naman ibang hahalina sa akin. Siguro kong mag kaka anak ako. Pero mukang malabo yon mangyare. Si dad, ang susundo sakin sa airport, hindi kasi pwede si mom, dahil busy daw sya sa pag mamanage para sa welcome party sakin, with whole company. Exact ten am, nang dumating kami sa company, hindi ko alam bakit feeling ko kinakabahan ako, samantalang sanay na sanay ako sa ganitong bagay nakaya ko nga ang ilang taong pamamalagi ko sa canada dito pa kaya sa pilipinas e sariling bayan na natin to. Habang pa akyat kami ni dad sa twenty fifth floor kung saan ang CEO office marami na kaming nakakasalubong na mga empleyado. Nang pag dating sa office sabi ni dad mag ready na daw ako dahil after fifteen minutes pupunta na kami nang conference room, para ipakilala sa lahat nang board member at management.nga lang bigla akong nagulat sa sinabi ni dad " son, siguro naman ngayon makakahanap kana nang babaeng ipakikilala mo sa amin nang mommy, andito kana sa sariling atin baka pwede naman na." sabi na e, hindi nya talaga ako titigilan sa usaping yan. " dad, sa ngayon wala pa talaga akong mahanap na babae na para sakin ai, baka nasa sinapupunan palang yon nang nanay nya." hahaha. Kaso mukang mali ata ang nasabi ko kasi nag dilim ang mukha ni dad, " at balak mo pang makasuyahan nang child abuse. Sa tingin mo ba hahayan kong mag kagusto ka sa ganuong edad." toinx. " dad naman." "nako anak magtino ka huh, baka mamaya nyan tumanda na kami ni mommy mo wala ka pareng asawa, baka maging matandang binata ka anak." " fine dad, kung may magustohan akong babae mamaya sa conference room, liligawan ko para hindi ako tumandang binata." " wag kang mag alala nak, marami tayong tauhan na dalaga, magaganda pa." nako po parang mali nanaman ang sinabi ko, pano ako maghahanap nang iba kung hanggang ngayon sya parin ang mahal ko. Nang pumasok na kami ni dad sa conference room, kompleto na ang lahat, nang tiningnan ko ang buong paligid, feeling ko nakakita ko nang multo, napako ang tingin ko isang babae na linuko lang ako, pero hindi ko parin makalimutan. Yong mukha nya walang pinag bago, kahit ang buhok nya kulot parin na mahaba, hanggang nagyon maliit parin sya, hindi ko maalis yong paningin ko sa kanya, hanggang sa nag angat sya nang tingin sakin. CHESKA POV. " ches, get ready after fifteen minutes, may meeting tayo okay,. " " yes maam" " nako tigilan mo ko sa kaka yes maam mo sakin huh, alam mo ba may balita ako sayo, wag kang mabibigla, may naka kita daw kasi kay ter, na may kasama kagabing babae sa pateros," ano daw. " anne, hindi magandang biro yan huh. Sabi ni ter, kagabi masama ang paki ramdam nya kaya nga sya umuwe nang maaga kagabi," " opss, hindi ko alam girl, yon lang naman ang balita sa akin. Alam mo naman na malapit ang bahay ko sa boarding ni jowa mo,." nako po humanda talaga tong lalaking to sakin ai, " sige hayaan mo mamaya huhuliin ko nang malaman natin ang totoo." " o, sya mamaya na ulit nag daldal, tara na sa conference, baka mamaya malate pa tayo, mag muka pa tayong rumarampa duon." Nang pumasok na kami sa luob, halos kumpleto na ang nasa luob, kaso para akong hindi mapakali, hindi ko alam kung dahil ba sa kinuwento sakin ni anne, kanina o dahil sa ang balita ay masungit ang aming boss na bago. Nang pumasok na si sir jayson, sya namang laglag nang pen, kaya hindi ko nakita anong hitsura nang kasam nya. Pag angat ko nang tingin, gush, para akong nakakita nang multo,. Totoo ba to ang nasa harapan namin ngayon ay walang iba kundi si jeffrey franada. Ai ang laki ko talagang tanga, hindi ko manlang na halata na ang apelyedo nya ay franada, gush ang alam ko lang naman kasi company driver lang sya.. oh my parang any time soon, hihimatayin ako sa pag kakaupo ko, feeling ko hindi ako makahinga. At ang peste ayaw pang mag bitaw nang tingin sa akin. Dibali sino ba ang may kasalanan sa amin bakit nga ba ako matatakot sa kanya, eh sya nga tong nag luko nuon,. Sa totoo lang natapos ang meeting pero wala akong na intindihan, hanggang sa makabalik ako sa pwesto ko para akong lutang,.kung hindi pa ako kakausapin nang boss ko, hindi pa ako magigising. Halos hatakin kona ang oras na mag alas singko na nang hapon, para makauwe nadin ako, at may problema pa ako sa jowa ko,. Ayaw ko muna isipin yong sa kanya kasi kung idadagdag ko pa sya baka mamaya mag bigti nako. Pero joke lang, mahal ko ang life ko. Pero parang wala masyadong nag bago sa kanya pwera sa katawan nya at mas naging mature sya lalo. Parang bigla ko syang na miss. LESTER POV. Hi im lester, 30 years old, i have a girl friend as of now, she is cheska., marami ang may gusto sa kanya, nang nanliligaw palang ako sa kanya, marami nakong kaagaw, kahit san sya mag punta kapansin pansin talaga, maganda,maputi,sexy, mabait, matalino, madaldal, friendly, wag mo na isama ang height, kasi wala sya nuon, 5'1 lang kasi ang height nya, pero kung makikipag debate ka sa kanya dapat marami kang baon kasi sya, hinding hindi sya mag papatalo. Okay i have something to reveal, pinsan ko si mark. Best friend naman ni jeff, kaya ko lang naman naging gf si ches, kasi may deal kami nang pinsan ko sabi nya pag naging kami ni ches, at umabot kami nang three years, bibigyan nya ako nang condo. Pinag tsagaan ko si ches, nang tatlong taon, dibali hindi naman nako lugi mabait sya maganda pwede mo syang ipang rampa. Hindi ko sya kaya mahalin na parang tunay na kasintahan, may mahal kasi akong iba. Para sakin si ches, kapatid na nakababata. Hanggang duon lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Pag naiisip ko na pag nalaman nya yong totoo, sigurado akong masasaktan sya, pero wala din kasi akong magawa e, hawak nang pinasan ko yong taong mahal ko,kaya wala akong mapag pilian kung hindi ang magpanggap na mahal ko sya. Malaki ang inngit ng pinsan ko sa best friend nya, jeff kasi mayaman, mabait, nag iisang anak, at lahat nasa kanya na, ang alam ko dati ang pinsan ko dapat ang manliligaw kay ches, kaso lininigawan na nang best friend nya, kaya hindi na sya napapansin ni ches, at hinot hutan pa ni mark si jeff, ang dami nyang hinihingi kay jeff, na kunwari para kay ches, siniraan nya rin si jeff kay ches, kaya pag nag ka bukuhan na sigurado ako, yare tong pinsan ko. Nakakasira talaga nang ulo ang inggit. Kaya ako hanggat maari gumagawa ako nang paraan para para makasama ko ang taong mahal ko. Para pag nagkabukuhan na, nasa akin na sya. CHESKA POV. Nang nakauwe ako sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko para makapag bihis. At mamaya tatawagan ko pa ang magaling kung jowa. Pagka labas ko nang kwarto nakita ko si ate ko, ns naka upo sa may sala habang nag lalaro kasama ang anak. " ate, kilala mo ba kung sino ang may ari nang Franada com.?" " oo naman, wag mo sa bihin sa tagal mo na dyaan hindi mo pa rin kilala kung sino huh." " si sir jason.?" "oo," " alam mo din ba na may anak si sir jason," " oo, ang alam ko lalaki ang anak nuon, naglayas nga daw yon nuon, yon ang balita nang nanduon pako huh, teka nga bakit ba.? May pa exam ba kaya ka nag tatabong?" " ate ang anak ni sir ay walang iba kung hindi ang magaling kong ex. " " teka nga yong ex, mo na nahawa sayo ng chicken fox.? Dibali yon lang naman ang alam kong ex mo. " " exactly ate, yon lang at walang iba. " " oh, eh bakit parang affected kapa ang tagal na nun girl huh, 16, kapalng nuon. 25 kana. Nine years na girl, at isa pa may bf kana diba si ter.? " " ui hindi ako affected huh, shinare ko lang naman sayo, para naman upated ka sa balita. " " pero maiba ako, anong naramdaman mo nang nagkita kayo? Biruin mo yon, nag punta kapa kayla lola para lang mag move on ka, yon naman pala ay magkikita rin naman pala kayo, useless gurl,." " alam mo te, parang bigla ko syang namiss, yong pang kukulit nya sakin nuon, yong pag tatago namin para lang maka date ko sya, alam mo yon,. Parang bumalik ang lahat, siguro need ko ata talaga nang closure, para wala na akong what if, sa life." " sabihin mo yan sa bf mo, baka mamaya yan pa ang maging mitsa nang away mo,. " " pero yong bf mo no, hindi sya seloso, like ni jeff, na kahit sa suot mo sa luob nang bahay, dapat walang lalabas na hita at balikat,. Hahaha" hmp, i agree, bakit kaya si ter, hindi sya nag seselos, wala din syang pinag babawal sa mga suot ko, siguro talagang malaki lang ang tiwala nya sa akin kaya ganun. " maiba ako te, asan nanaman ang asawa mo, bakit anong oras na andito pa kayo.? " " ot, daw sabi nya." " te hindi kaba napapagod sa style nang asawa mo, kung inaalala mo yong anak mo, wag kang mag alala, andito kami may trabaho ka naman. Tsaka kaya namin kayo suportahan dalawa lang kayo noh." " ches, pag nag asawa ka, kahit anong hirap ang maranasan mo kakayanin mo, lalo na at may anak pa ako. Ano pa at sumumpa ako sa harap nang altar kung hindi ko kayang gampanan. " " basta pag napagod ka sa asawa mo andito lang kami huh." " sige na jan kaya, punta lang akong kusina nagugutom na ako ai. " Nang dumating na lahat nang kapatid ko ay sabay sabay na kaming kumain, syempre hindi mawawala ang matagal na kwentuhan at bangayan. Ng lahat ay tapos na. Kanya kanya na rina kami akyat sa kwarto namin. Syempre evening routin muna ako bago mahiga at mag muni muni. Nako nakalimutan ko palang tawagan ang boy friend kong kumag may kasalan pa to sa kin. Nag ring nang tatlong beses buti naman at sinagot ang tawag ko ni kumag. " hon, bakit.?" " bakit din, bawal na ba akong tumawag sayo?" " hindi naman sa ganun. Baka lang kako may kailangan." " acttually may itatanong pala ako sayo." " ano ba yon.?" " diba kagabi kamo masama ang pakiramdam mo.? Kasi may nakapag sabi sa akin na nakita ka daw kagabi sa pateros, na may kasamang babae.?" nako ayusin mo lang ang sagot mo at nanginginig nako sa inis dito, " masama nga ang paki ramdam, ko pano naman ako mapupunta duon, tsaka hon, wag kang mag papaniwala sa mga yon, ingit lang sila sa relasyon natin kaya marami silang sinasabi about sakin, pero nasayo yan kong maniniwala ka sa kanila." " naniniwala naman ako sayo. Syempre ayaw ko lang din nang may nababalitaan ako na ganun, nag iinit nag ulo ko. " 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD