My love Episode 5

708 Words
JEFFREY POV. Simula nang nag kasakit si ches, till now hindi ko pa sya nakikita, sabi nila busy daw masyado at marami din ginagawa ang department nila Every katapusan busy talaga ang accounting dept. kasi sila ang mag bibigay nang lahat nang needed, ko. kaya wala akong ibang gagawin kundi ang papuntahin sya dito, para naman makita ko ang angelic face nya. wala akong paki alam kahit pa may asawa na sya uubusin ko ang oras nya dito sa office para hindi na sila magkita. hahha bright i dea. Pasimple akong dumaan sa unit nya para naman masilayan ko sya, kaso pag dating duon ang nakita ko ay aantok antok na nga, mukha pang lasing. Hindi ko mapigilan na hindi sya kausapin. " Cheska, ganyan kaba talaga pag pumapasok ka nang lasing.? tingnan mo nga ang hitsura mo kunti nalang matutulog kana jan sa pwesto mo, sumama ka sakin para makapag kape ka. "  " sir, hindi nako mahihiya sasama talaga ako, i really need coffee." " good lets go." hindi ko mapigilang hindi ngumiti, para akong nag akay nang bata, sa hitsura nya maliit parin sya wala parin syang pinag bago. sya parin ang nakilala kong cheska. Sinama ko sa coffee shop, para naman ma solo ko sya, minsan lang naman to, sulitin na ika nga. " sweetheart anong coffee ang gusto mo,.? " " okay nako sa black coffee sir, none sugar please." "okay, as you wish." Habang nag oorder ako sya naman naka upo na sa pwesto na para sa amin. hindi rin mawala ang ngiti sa labi ko, hindi manlang sya umangal na tawagin ko syang sweetheart, lasing nga to. " Nang dala ko na ang order namin, tinapatan ko sya, naka dukmo lang sya at parang hinang hina. " Sweet heart okay ka lang ba? gusto mo, iuwe na kita? mag leave ka muna ngayon, para makapag pahinga ka." " hindi pwede sir, tambak ako nang trabaho ei." " gusto mo ako nalang ang gagawa nang mga work mo. para makapag pahinga, mas lalo kang hindi matatapos sa hitsura mo." " sige na nga sir iuwe mo na ako, sigurado yare ako nito kay mama." "mama.?" " bakit asan ang asawa mo bakit nasa mama mo ka parin umuuwe.?" " sir. tulog ka yata ai." bigla na lang syang hinimatay sa kalasingan, kaya wala akong nagawa kung hindi ang iuwe sya sa mga magulang nya, hinanap ko din yong cellphone nya para mahanap ang contact nang parents nya para malaman ko kung san sya ihahatid. Pag tingin ko sa phone sakto namang tumatawag ang mama nya, kaya agad kong sinagot ang tawag. " hello po ma'am, kaibigan po ako ni cheska, kasama ko po kasi sya ngayon, ihahatid ko po sana sya sa inyo, kaso hindi ko po alam kung saan sya nakatira. "  " akala ko ba nasa work sya,  eh bakit mukang nasa galaan sya.?" " hindi po kasi sya makapag work nang maigi, dahil lasing po sya kaya yinaya ko po sya na mag coffee break. "  " nako yang bata na tyan talaga, alam nang may sakit sya nag inom pa. o sya Iho, pakinhatid sya dito sa amin." hindi nako nag dalawang isip pa. binuhat ko na sya papunta sa kotse ko, para maihatid ko na sya. Habang nasa byahe kami, titingnan tingnan ko pa sya sa back seat baka mamaya mahulog pa sya. Pag dating sa may bahay nila malaki na ang pinag bago nang bahay nila, third floor na ito at mukang lumaki narin yong lupa nila. lalong gumanda ang bahay nila, nakakatuwa naman. Binuhat ko na sya papasok sa kanilang bakod, habang nag tataopo. pag kakita palang sakin nang nanay nya, biglang nawala ang ngiti nito." Pwede ba iho, pahatid nalang ako sa kwarto nya, ako nang bahala sa kanya. "  " Yes po, paturo nalang po ako kung saan ang kwarto nya para po makapag pahinga sya nang mabuti." " sa kabilang dulo iho, yong hello kitty na pintuan na kulay pink. "  " sige po." Pag dating ko sa kwarto nya, ang ganda nang room nya parang prinsesa nang mga hello kitty. hindi ko tuloy maiwasan na hindi pag masdan ang mga naka display sa room nya, lalo na ang mga picture nya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD