CHAPTER 5

821 Words
KINUHA ni Aleo ang checkbook niya, at nagsulat roon, pagkatapos tinanggal niya ang cheque na iyon, at ibinigay kay Clover. " Wag ka nang umiyak. Bonus na ang iba rito, kunin mo itong pera at kahit kailan hindi kana maghihirap pa, hindi kana rin magdedeliver ng pagkain. Tingnan mo, Magugustuhan mo ang halaga n isinulat ko Diyan." Patuloy na pang-aalo ni Aleo sa kawawang dalaga. Hindi iyon kinuha ni Clover, ang ginawa ni Aleo, inilagay nalang niya sa kamay nito ng sapilitan. At binasa niya ang kaniyang isinulat na halaga, 10, 000,000", Ten Million dollars na yun!!! Para lamang sa kaniya. Sa tulad ni Clover na lageng nasa lansangan, upang maghanap buhay, malaking halaga ang pera na ibinibigay ng binata. Talaga naman, na kailangan ko ng pera, pero hindi ko pa rin kukunin ang cheke sa binata. Nakakainsulto, para sa pagkatao ko, para ko na ring ibenenta ang sarili ko sa kaniya. Napansin ni Aleo na pupunitin ng dalaga ang cheque, mabilisan niyang hinawakan ang dalaga sa magkabilang baywang nito," if you tear it, I'll never write a second one for you. Kaya pag isipan mo munang mabuti, baka pagsisihan mo pag itinuloy mo ang balak mo. NARARAMDAMAN ni Aleo na Kailangan na kailangan ni Clover ng pera, tulad nang, pambayad sa idedeliver sana niya, noong gabi na napakalakas ng ulan. Kaya malaki ang ibibigay ko sa kaniya, Sana kunin niya ang pera, para kahit hindi na siya magtrabaho, at para rin sa future niya. Matigas ang ngiti ni Clover, kay Aleo, iwinagayway pa niya ang kaniyang mga kamay, upang ipahiwahig na hindi niya kukunin ang cheque, saka niya mabilisang, pinunit punit ang cheque sa harapan ni Aleo, na labis na ikinagalit ng binata. At sinabi, " gusto mo akong bilhin? Hindi Ako papayag"!!! "Ang tigas talaga ng ulo mo," Napasabunot nalang sa kaniyang buhok ang binata. Wala pa akong nakikitang ganitong babae na matigas ang ulo. Nakatitig lamang si Clover sa binata, na tila isang nagbabagang dragon, ngunit makikita pa rin ang pagkainosente nito. " Dong forget to buy a pill and take, after your meal. With your stupid gene, wala kang karapatang ipagbuntis ang aking anak." Said Aleo, with a cold face. " Sumosobra kana talagaaaaaaa! Ikaw ang gene mo, pang halimaw at pang masamang tao, mas lalong ayaw kong dalhin ang magiging anak mo, kahit pa tutukan ako ng kutsilyo sa leeg" kitang kita ni Aleo sa mga mata ng dalaga na hindi ito magpapatalo. Ngunit ang mga sinabi ni Aleo ay isa lamang paalala, hindi maganda sa isang babae, kung mabubuntis ito ng hindi pa naikakasal. Nakakalungkot lang, gusto niya lang naman tulungan ang dalaga. Ganun lang talaga siya magsalita, ayaw niya kase mga sweet talk. Mistulang isang maliit na lion ang dalaga sa paningin ng binata. At ayaw na niyang mag aksaya pa ng oras, napakaraming trabaho sa kaniyang kumpanya ngayon. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila palabas sa kwarto, at saka pinagsarhan ng pinto. " MANYAK! walang modo! Baliw! ipapakulam kita, akala mo ha, sasabihin ko, na sana sa buong buhay mo mag-isa ka lang, at hindi ka magkaroon ng mga anak. Go To hell!!!! halos lumabas na ang litid sa leeg ni Clover dahil sa pagsigaw. Ibinato pa niya ang unan na hawak sa direksyon ng binata. Narinig pa ng binata na ipapakulam siya ng dalaga, ngunit hindi na lamang niya ito pinansin pa. May importanteng meeting ang binata sa kumpanya nito ngayon. Dahil sa maingay na babaeng ito,maraming oras ang nasayang ngayon. Natapos na sana niya lahat, ng hindi nagkakaaberya. Dahil sa galit niya kay Aleo, sa mga nawala sa kaniya, sa paghihrap niya ngayon, sa katawan niya at sa nararamdaman niya, binasag niya lahat ng mababasag niya, nagkalat na ang mga bubog ng salamin at basag na vase. Ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. Gumamit rin siya ng kutsilyo, at hiniwa hiwa ang mamahaling sofa ni Aleo, na naggaling pa sa Europe. Matapos niyang mailabas ang kaniyang galit, nagpunta si Clover sa bathroom, nakit niya ang kaniyang sarilinsa salamin, kinagat niya ang kaniyang labi, pinunasan rin niya ang kaniya mga luha,at sinabi niya sa kaniyang sarili, Clover kinagat ka lang mag nababaliw na aso kagabi. Hindi mo ibenenta ang sarili mo. Kailangan mong maging malakas. Pagmalakas ka, saka mo palang maipaghihigante ang sarili mo sa Manyak na iyon. Kagaya nalang ng ginawa.mo ngayon sa bahay niya. Nakita pa ni Clovet ang toothpaste sa bathroom, binuksan niya ito at ginamit pangsulat sa salamin. " Ang paghihigante ay parang pagkain. Pinalalamig bago kainin" Nagumpisa na siyang magbihis, nang siya ay paalis na, nakita niya ang kaniyang uniform at napunit. Kung hindi niya ito matatahi ngayon, hindi na niya ito masusuot. Naghahanap siya ng pangtahi para maayos niya ito, Subalit wala namang siyang mahanap dito. "Ding-dong!" Tumunog ang door bell.. Napahinto si CLover na pigil ang paghinga. Mula sa butas sa pintuan, isang babae na nakapang opisana ang nkita niya, nakangiti pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD