Allie
I'm on my way now para imeet ko si Jeffy.
Yung ang tawag ko sa kan'ya at ako lang ang tumatawag ng ganun. Napagkamalan tuloy ang name niya na bakla. Di ko maiwasan matawa.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Ewan ko ba, pag malapit kasi sa akin si Caden nawawala ako sa wisyo. Nakakalimutan ko ang pagiging matapang ko. Dapat sa susunod hindi ko na siya hahayaan na makalapit sa akin ng ganun.
Malapit na pala ako, napagdesisyunan kasi namin na magkita na lang in between para same lang ang agwat ng biyahe namin. Matagal tagal na din kaming hindi nagkikita, busy kasi siya masyado and ako din. Kaya nagulat ako bigla nagyaya kanina. Nawala na din siya sa isip ko sa dami ng umuukupa sa utak ko. Dito na pala ako sa sinasabi niya na restaurant.
Nagpark ako at hinintay ko muna ang text niya if saan na siya banda bago ako bumaba ng sasakyan. After a few minutes nagbeep ang phone ko at nakita ang message niya.
Jeffy:o
Dito na ako sa may entrance. Wait for you here.Tc.
Me:
Okay, noted! Punta na ako diyan, nagpark lang.
Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad papunta sa entrance. Nakita ko naman agad siya sabay lapit at humalik siya sa pisngi ko. Iginaya niya ako papasok at hinanap ang upuan na nakareserve sa amin. This place is a seafood restaurant. Alam kasi ni Jeff na favorite ko ang seafoods. Sana masarap dito.
" How are you, Ella?" agad niya natanong.
" I'm good, busy sa duty at magbake but so far okay naman. How about you? Matagal tagal na din tayo nung last na lumabas, busy ba masyado?" tanong ko.
" Oo, lalo na tinitrain na ako nina mom na tumulong magmanage sa hospital, so stressful Ella, I miss being with you same ng dati, hindi ganito. But ayaw ko ng suwayin sina mom at patanda na din sila. Busy ako sa hospital and at the same time nakatotok din ako sa business ko na isa. " Patuloy pa nyang reklamu and i can't help but to touch his hands and squeeze it. Kung may maitutulong lang sana ako, i'm more than willing to help him.
" Alam ko kaya mo yan. Basta take care of yourself okay? Wala man akong maitulong basta andito ako always for you, right? Lulutuan nalang kita ng breakfast everyday habang dito ako sa Pinas, aalis kasi ako next week, I'll be in Bali." sabi ko sa kanya.
"What for? Thank you in advance for the planned breakfast, i'm sure i will love it." Masaya niyang sang ayon.
" A newly opened hotel in Bali invited me to make a review out of their hotel." sagot ko. Kalaunan dumating na ang food namin na inorder niya pala in advance habang inaantay ako. Lahat favorite ko talaga. Baked giant prawn, scallops in tomato sauce, lobster and caesar salad. Need ko ng anti histamine nito after. Buti na lang mayroon akong dala always sa bag ko. May kunting allergy lang naman ako sa mga seafoods, binabalewala ko lang kasi nga weakness ko ang pagkain na ito. Nagtatake nalang agad ako ng Anti- histamine pag nafefeel ko na nagnanumb ang lips ko, yun kasi ang una kong nararamdaman. Minsan naman wala lang.
Kumain lang kami muna ng tahimik since parehas kami na gutom. So far masarap ang pagkaluto nila. Paminsan minsan nag uusap kami habang kumakain.
" By the way before i forget, you need to perform your annual check up and don't complain, i'm your Doctor remember? Punta ka ng hospital next off mo, i need to run some test on you. Lalo na you have a massive bleeding 2 years ago. Para na din malaman natin if na normalize na ang hemoglobin mo." paliwanag niyang sabi sa amin.
" Okay i'll try or maybe after my Bali trip na lang kaya, hmp!" i give him a smirk.
" Di pwede Bella Alliena, before not after okay?" may diin niyang sabi.
" Ang seryoso mo, hmp! Okay okay! may magagawa ba ako?" pag sang ayon ko na lang na nakataas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
"Good girl!" natatawa niyang sabi.
After an hour na kainan. Nagbayad at lumabas na kami, Okay sana if pwede magtambay, but i know nagmamadali si Jeff, may duty pa siya. Hanggang dito na muna kami. Tiningnan ko siya at hinawakan ang mukha niya ng dalawa kong kamay. Nalulungkot ako, kasi i know pagud siya. This is not the Jeff that i know. Yung kaibigan ko na palangiti at pilyo. Ito seryoso talaga. Kailangan ko na siyang mahanapan ng magpapasaya at mag aalaga sa kanya.
" Nalulungkot ako dahil masama ang mukha mo. Nasaan na yung Jeffy ko na palangiti at pilyo mmh? Pwede pakibalik siya? " sabay sabi ko habang pinipisil ang pisngi niya at hinawakan naman niya ang mga kamay ko.
" I'm always here Ella, i'm just tired and thank you for being always with me, mabubusy pa akong masyado, please take care of yourself okay? I don't know what to do if anything happens to you. I don't wanna loose you." madamdamin niyang sabi sa akin at yumakap ng mahigpit at hinalikan niya ang noo ko. Gumanti din ako ng yakap at napangiti. I missed him. Pagkatapos sabay na kami nagpunta sa parking.
" Mauna na ako ha, may patients are waiting, ingat sa pagmaneho and call me anytime okay? paalala nya.
" Okay i will, 'kaw din. " sabi ko at pumasok na sa sasakyan ko. Nag isip muna ako saan pupunta. Ito ang hate ko, pag nag iisa na lang ako. Mga busy ang mga friends ko and my son is not with me. Mas okay sana kung andito anak ko kasi wala akong pakialam kahit kaming dalawa lanhg. I miss him a lot.
Naisip ko naman ang bestfriend ko, musta na kaya si Mariel? Matawagan nga muna.
" Hey girl! whats up?" aniya sa kabilang linya.
" Bruha ka, anu pinagkaka busyhan mo at di ka nagpapakita? Masyado ka bang busy diyan sa jowa mo ha? Asan ka? Tatampo ako sayo." nagdadrama kung sabi, sabay pinalungkot ang aking boses.
" Andito ako sa BGC sa condo niya. Ako lang, you wanna come? Sorry di ako pwede gumala. Sabihin ko sayo if makapunta ka dito. "
" Yes punta ako diyan, wala akong mapuntahan and i fell so lonely kaw lang naisip ko, kaya puntanan talaga kita kahit saang lupalop pa yan ng mundo."nasabi ko nalang at hiningi ko ang exact address at para naman maguide ako ni waze.
Im on my way to Mariel. Habang nagmamaneho at alam ko matatraffic talaga ako, matatagalan ako bago makapunta sa BGC nasa taft palang ako. Natingin naman ako sa itaas ng langit sakto naman may eroplano. I want my son to become a pilot or a doctor. Dream job ko talaga yan para sana sa magiging asawa ko. Dati yun talaga gusto kong mapangasawa. But whatever my son's dream susuportahan ko sya. Bigla ko naman naisip yung nameet ko na pulubi 10 years ago. Anu kaya nangyari sa kanya, naging Piloto kaya siya. Naalala ko pa yun lang ang salita na sinabi niya sa akin. Sana kahit hindi siya maging piloto, sana naging okay siya or nabalik ang tama niyang pag iisip. Masama siguro pinagdaanan niya para maging ganun. Ang gwapo kaya ng mukha niya at halata na mayaman sa kutis palang. Sayang kung tuluyang mababaliw. Napapabuntong hininga na lang ako pag naiisip ko yon.
Life is full of mystery that will lead us to one experience to another. There are hurtful experiences that we may want to forget but there are happy moments that will surely linger on in our thoughts for so many years. Kahit ako man may ganoongü mga experiences. Kung hindi lang ako matatag baka nabaliw na din ako. Masaya na mahirap ang mga pinagdadaanan ng bawat tao. Di ko maiwasan balikan ang mga araw na bago palang ako dito sa Metro Manila. Ayaw na ayaw ko talaga tumira dito. Ayoko ko sa traffic, ayoko sa usok at lalo na ayoko na titira ako sa isang bahay na madami kami at iba iba ang kasama. Yun ang nakita ko sa ate ko nung unang luwas ko sa Manila.
10 years ago....
After i graduated and became a registered nurse, nagwork naman ako as volunteer nurse and after 6 months naging part time nurse na may sahod na 170/duty. Sad to say yun talaga ang uso ngayon. Sa dami ng nurses, ang unang step ay mgvolunteer ka and worst ikaw pa magbabayad sa hospital parang fee na ewan. Libre na nga serbisyo mo tapos magbabayad ka pa? Kalokohan diba? Misan di ko maiwasan magsisi kung bakit ako naging nurse. Pero minsan naman di ko maiwasan sabihin sa sarili ko na di ako pwedeng sumuko. Sa lahat ng pinagdaanan ko nung ng aaral ako, sa lahat mg sakripisyo ng mga magulang ko, kailangan ko na lumaban, para sa pamilya ko at para sa pangarap ko. Hanggang sa di ko na namalayan mag 3 years na akong nagtitiis na 150/duty na sahod. Tiniis ko kaso plano kung mag abroad pag naka 3 years continous experience ako sa isang Tertiary Level na Hospital. May side line naman ako online selling.Ako naman ang unang ngka online shop sa lugar namin. Malaki ang kita halos 100 orders per week, take note some customer hindi lang 1-2 items ang order per transaction minsan naabot ng 5, ang kita ko per damit 100 each, shoes and bag 200-300, more or less kumikita ako ng 40-60k a month or more pa depende kasi may mga on hand items pa ako na nilalako ko sa mga kasamahan ko sa trabaho, from nurses to doctors and to all employees. Pati na din ang ibang ahensya like Comelec, Tesda, City Hall and DOH. Ang laki ng connection ko, member din kasi ako ng isang organization kaya ganun.
Aside from that online selling sumasideline din ako as nurse sa mga Drug store. Yung taga kuha ka ng blood pressure sa may entrance nila parang free blood pressure taking or free blood glucose taking para naman sa mga diabetic, binabayaran ako ng 300-400 a day from 8am to 5pm with free lunch. Minsan 2-3 days ang duty. Mayroon din kumukuha sa akin na mga pharmaceutical, mas malaki ang rate 400-500 free food din. Nilalagay ka din sa mga drugstore lalo na pag may bago sila na gamot na labas.
Madami dami pa akong naging raket. Raketira talaga ako. Naging private duty nurse din ako sa mga mayayamang chinese sa lugar namin. Mahilig din ako mgjoin ng mga Medical Missions kung saan -saang lugar. Kaya naman minsan 1 week akong wala sa bahay. Hinahayaan na ako nina mama kasi graduate na ako. Nurse na daw. Dati kasi ang higpit nila, may curfew pa ako 7pm pag walang night class. Kaya naman nung naging Nurse ako ang saya saya ko. Para akong ibon na nakalabas ng kulungan. Doon nagsimula ang hilig kung magtravel. Weekend gate aways sa mga white beaches, island hopping with my friends. Super enjoy talaga. Nagbibigay nalang ako kay mama ng kunting pera. Nag aaral pa kasi bunso namin at sa Ateneo de Manila pa. Kaya hirap pa din kami. Pero nasa 4th year na siya, gagraduate na din. May pinapaaral pa ang parents namin. Yung pinsan ko, pamangkin ng mama ko. Yun ang kasa kasama niya sa bahay at katulong sa mini grocery, college na din at taking BS education. Graduate na kasi ako kakabantay sa grocery store na yan, dati habang nag aaral nagbabatay ako from 8pm to 11pm tapos kinabukasan may exam. Pahirap diba? But kailangan kasi ang laki ng tulong sa amin, nagagamit pa pambayad ng tuition.
Yan ang naging buhay ko for the past 4 years of being a low salary grade nurse. At ngayun after having 3 years of experience ako ay susubok sa ibang bansa. Magtatry lang kung papalarin.
Mula ng mag online selling ako parang naging kusina ko nalang din ang Maynila. Halos once a month ako naluwas, syempre ate ko ang nagbobook ng ticket gamit ang credit card.
Pero ngayun iba. Luluwas ako ng Maynila para makipagsapalaran. I have all my requirements with me, pupuntahan ko lahat ng agency at mgsasubmit ng desired requirements nila. Mag isa lang ako na lalakad. Kakayanin ko at naka schedule din ang exam ko. Isang exam para maging ganap na license nurse sa middle east. Doon muna ang target ko. Later na ang US and Europe. Experience muna.
Sa araw na ito araw ng Myerkules. Pangatlong araw ko dito sa Lungsod ng Maynila. Pumunta muna ako ng Makati para magsubmit sa 2 agency na napili ko. Sila kasi ang humahawak sa pinaka gusto ko na Hospital sa Middle East. Sabi ko kasi pag di ako doon matanggap hindi ako tutuloy, yun kasi ang pinaka safe na Hospital at maganda ang benefits. Bukas naman ang schedule ng exam, sa may Salcedo Makati banda ang office kung saan ako magtake.
Nang matapos ako sa Makati napag desisyunan ko na pumunta ng Baclaran. Actually everytime na nandito ako sa Maynila parati ako nadaan ng Baclaran. Deboto kasi ako ni Mother of Perpetual Help. Kaya naman every wednesday saang man sulok ng Pilipinas ng aatend ako ng novena.
Nakarating ako ng Baclaran Church after lunch sakto mag umpisa palang ang 2.pm. novena. Maya na ako maglunch pagkatapos. At dito sa simbahan na ito minsan ako madalas magtambay kahit tapos na ang misa. Para sa akin kasi the safest place ang simbahan.
Right after mass nagtambay muna ako sa labas sa may waiting shed along the pathway kung saan marami din nakaupo. Sarap ng hangin kahit polluted. Pagtingin ko sa left side ko may taong grasa pala na nakaupo. Di naman nakakatakot ang mga ganito. Minsan maawa kapa. Iba nawalan na ng sariling pag iisip. Kawawa din ang mga tao na ito. Kung ako sa mga 'to uuwi ako ng probinsya at magtatanim ng mga gulay kaysa maging palaboy laboy dito.
Bili na nga muna ako ng pagkain. Nagugutom na ako. Tiningnan ko katabi ko.
" Bili muna ako ng pagkain! napalakas ko na pagkasab, tumingin akonsa katabi ko na nakatingin, " Kumain kana?" tanong ko, pero deadma ang beauty ko. Naglakad nalang ako at lumabas sa may Jollibee at bumili ng burger at coke. Naalala ko si kuya, yung taong grasa, bilhan ko nalang din ng C2 at burger na din. Bumalik ako sa dating pwesto at andoon pa rin siya. Buti naman at walang may umupo sa upuan ko. Binigay ko sa kanya ang binili ko.
" Kuya sayo po ito. Lunch ka, ay meryenda na pala sorry, yang burger nalang kainin mo, yung may rice maya ng gabi, dinner mo, okay ba?" tanong ko sa kanya baka lang kasi magsalita siya. Asa pa ako. Nakatingin lang kasi siya sa akin mula pa kanina. Nagagandahan ata, chos! Pati talaga baliw pinatulan ko.
"Alam mo kuya, kung ako sayo umuwi kana sa probinsya kung taga doon ka. Nanganganib ka dito baka mamatay kapa, walang mag aalaga sayo. Nurse po pala ako, nag aalaga din kami ng mga tulad mo. Alam ko, kung anu man ang nangyari sayo, naiintindihan mo pa din ako at sana naririnig mo ako. Huwag kang mag alala maraming tao ang may problema sa mundo ang importante hindi ka susuko. Ako nga ito, kahit nakakapagud na mag apply, kahit walang kasiguraduhan dito pa rin ako, patuloy na nagbabaka sakali. Di ko kasi pinangarap yumaman, gusto ko lang maabot ang pangarap ko at makapaglibot sa iba't ibang bansa. Hindi ko ata matutupad yon kung dito lang ako sa sa ating bansa. At di yun matutupad kung panghihinaan ako ng loob. Kailangan natin lumaban at magpakatatag. Walang tutulong sa atin kung hindi ang sarili lang natin.
"Ano ba ang pangarap mo kuya? Alam mo yun, yung gusto mo para sa sarili mo na nakikita mo na magiging successful ka?" bigla kung natanong kahit alam ko hindi siya sasagot. Para talaga akong baliw din kaya pinagtitinginan din ako ng ibang tao dito. Meron ngang iba napapangiti sa akin. Okay lang, wala naman nakakakilala sa akin dito. Pake ko!
" Pilot" tipid na sagot niya at nagulat nan ako. Wow! Big word! English pa, yayamanin ka pala kuya, paenglish kapa at nagsasalita ka pala. Maganda yan, nababasa mo siguro nasa isip ko. Pangarap ko kasing makapag asawa ng piloto o di kaya doctor. Oooy. Pagbutihin niu po, pagaling na kayo at umuwi. May uuwian pa po kayu?" patuloy ko na tanong sa kanya. Hindi na siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin at hindi rin kumain.
" Alam mo, namimiss ko lola ko. Namatay kasi siya last year at nakakatawa pa binigyan pa niya ako ng pera para magamit ko sa pag aaply ko abroad, kasi sabi niya pag makapag abroad ako, papadalhan ko daw siya ng maraming pera at mga gamit galing abroad. Kaya yung inipon niya na pera binigay niya talaga sa akin. Kakalungkot kasi wala na siya. Di niya makikita na aalis ako." Naiiyak kung kwento kay kuya. Makaalis na nga. Pinunasan ko luha ko. Kumuha ako ng pera sa bag ko ibibigay ko sa kanya. Wala naman akong bente pesos. Isang daan lang sa kita ko, sige lang blessing daw to mapagbigay. Gawin kong eroplano para mainspired si kuya. Ginawa kong eroplanong papel ang isang daan at kumuha ako ng ballpen at sinulatan ko.
Life is too short. Soar High. Hope to see you in my next flit. My future pilot. 03.03.11
Tumayo na ako at nilapag ko sa tabi niya ang eroplanong papel. Alis na ako kuya. "Sana matupad ang pangarap mo. Sana masakyan ko ang eroplanong ipagmamaneho mo. Para sabay tayong lilipad at maglalakbay papunta sa mga lugar na nais mapuntahan. Ako bilang pasahero. At ikaw bilang piloto." sabay ngiti ko at sumaludo." Hanggang sa muling pagkikita. Masayang paalam."
Dito na pala ako. Sa GA condominium daw, ito na ba yon? Yayamanin talaga jowa ng beshy ko. Pucha, mahal kaya ng condo dito. Kung yung sa akin sa QC 2.7M , dito hindi lang triple. Minsan hundred millions pa lalo na kung penthouse. Sosyalan talaga. Mag ask nalang ako sa guard pero text ko muna siya.
Me:
Beshy, dito na ako. Anu na?
Mariel:
Ask ka sa guard sa parking. Pasabi kay Atreus Gonzaga. At may gold elevator sa dulo doon ka sasakay. Pakipindot ng Letter P. Paglabas ito na yon. Ok? See you.
Me:
Copy. C u
Nagtanong ako sa guard at itinuro ako saan magpapark. Expected na pala ako.Pagka park ko at lumabas ng sasakyan, hinanap ko ang gold na elevator. Dalawa kasi nakikita ko na elevator na kulay silver. Naglakad pa ako at nakita ko sa dulo. Sumakay ako at umakyat. Pinindot ang letter P. So meaning Penthouse ng building na to. Shiiit! Yaman nga. Wait! Meaning siya may ari ng condominium mismo, gonzaga eh. Patayin ko talaga tong kaibigan ko. Ang daming di sinasabi. Narinig ko tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na ako, umabas. Wow ang lakiq. Pero ayon isang door lang nakikita ko. Pinindot ko at tumunog mayat maya bumukas at ang bumungad sa akin ay isangbgwapong nilalang. Natulala nan ako. Wait lang tama ba ang pinuntahan ko? Bakit lalaki, sabi niya siya lang mag isa.
" Ahhh...mmmmh. nawalala siguro ako. Sorry sa isturbo." nasabi ko nalang at tatalikod na sana ako ng binanggit niya name ko.
"Allie right?"