04

1405 Words
Tila ba ay nangimi ang buong katawan ni Maximo sa kaniyang narinig. Wala sa sarili na napahigpit din ang pagkakakapit niya sa doorknob ng pinto na hawak-hawak niya. Hindi siya makakilos at hindi rin niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya ng mga sandaling ‘yon, basta ang alam niya lang ay kumikirot ang puso niya at sobra siyang nasasaktan dahil sa sinabi ng babae na nasa kaniyang harapan. Pakiramdam niya ay bumalik ang lahat nang sakit na kaniyang naramdaman noong mismong araw na nalaman niyang wala na ang kaniyang pinakamamahal na kasintahan. “Sir Maximo, nandiyan na ba si Don--”Mabilis na lumabas si Maximo sa mismong pinagkakatayuan niya kasabay nang malakas na pagkakasarado niya ng pintuan na halos umalingawngaw sa buong sala. Hindi niya hinayaan na makita ng sekretarya niya ang babae na nasa harapan niya. Pagkalabas niya ay nakita niya pa ang ginawang pag-atras ng babae pero hindi niya hinayaan na tuluyang makalayo sa kaniya ito kaya naman marahas niyang hinawakan nang mahigpit ang braso ng dalaga. “Anong ginagawa mo rito?!” Halos hindi bumuka ang bibig ni Maximo nang sambitin niya ang mga kataga na ‘yon. Matatalim din ang tingin na ibinabato niya sa babae kaya hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang unti-unting pag ngiwi ng labi nito. Doon niya namalayan na masyado na pala niyang nahigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Luna pero kahit gano’n ay hindi pa rin nag pa-awat si Maximo. Nilalamon na siya ng galit ng mga sandaling ‘yon. Halos madurog ang ngipin niya sa pagkaka-tiim ng kaniyang bagang at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ng dalaga. “N-nasasaktan po ako.” Ngiwi na saad ng babae sa kaniya, nararamdaman pa ni Maximo na pilit binabawi ng dalaga ang kamay na hawak-hawak niya. “Tinatanong kita! Anong. Ginagawa mo. Dito?! Nandito ka ba para ipamukha sa akin na patay na ang fiance ko?! Habang ikaw ay buhay na buhay!?”Kung ibinibigay ni Maximo ang buong galit at hinanakit niya mula sa hawak niyang braso ng babae, siguradong madudurog niya ang buto sa pulsuhan nito. Alam niyang mali ang kaniyang nararamdaman. Alam niyang mali na ibinubuhos niya ang galit sa dalaga, pero hindi niya mapigilan na hindi ‘yon maramdaman. Sa lahat ng mga pasiyente na nakakuha ng iba’t-ibang organ ng kaniyang kasintahan... ang babaeng nasa harapan niya lang ang naglakas ng loob na magpakita sa kaniya. Para ano? Para isampal sa kaniya ang katotohanan na namatay si Yzobelle samantalang nabuhay naman ang iba? That’s bullshit! “H-hindi. Hindi ‘yon ang ipinunta ko rit--” “THEN WHAT!?” “MAXIMO!” Isang ma-awtoridad at malakas na boses ng matanda ang tumawag sa pangalan ni Maximo. Dahil sa pagkakatuon ng buong atensyon niya sa babae, hindi niya namalayan ang bagong dating na sasakyan ng kaniyang ama. Nang lingunin niya kung saan nagmumula ang boses na ‘yon, nakita niya ang kaniyang ama na halos kabababa pa lang ng sasakyan. Katulad niya ay matalim din ang tingin ng matanda sa kaniya. At dahil nawala siya sa pokus, doon niya na naramdaman ang mabilis na pagbawi ng babae sa kamay na hawak niya kasabay nang paglapit ng ama. “Ano bang ginagawa mo?! Bakit mo sinasaktan ang babaeng ito!” “Please Dad, ‘wag ka nang mangialam pa rito.” Bakas ang nag-pipigil na galit sa tono nang pananalita ni Maximo sa kaniyang ama. Mas dumagdag pa sa inis niya nang makita niya ang paglapit ng babaeng ‘yon sa matanda at tila ba ay nagtago pa ito sa may likuran ni Don Alvaro. “Mangingialam ako lalo na at nakikita ko na sinasaktan mo ang babaeng walang kalaban-laban! Are you out of your mind?!” Tila ba ay magsasalubong na ang parehong ugali ng mag-ama, at para kay Maximo ay ayaw naman niyang mangyari ‘yon. Ginagalang niya pa rin ang matanda, kaya naman isang malakas na pag-buntong hininga ang pinakawalan niya. Isang matalim pa na tingin ang ibinato niya sa babae at pagkatapos noon ay agad na siyang tumalikod dito. Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay niya at kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan. Kakausapin pa sana siya ng kaniyang sekretarya nang makita siguro nito na paalis siya ngunit hindi na lang niya ‘yon pinansin pa. Sumakay siya sa kaniyang kotse at pinaharurot ‘yon ng mabilis. Naging kaugalian niya na talaga ang takbuhan ang mga bagay na hindi niya kayang i-handle lalo na at alam niya sa sarili niya na hindi malabong sumabog siya. Isang tao lang naman kasi ang nakakapag-pakalma sa kaniya, at ngayon na wala na ang taong ‘yon... hindi niya na alam kung paano kontrolin ang kaniyang damdamin. Wala na si Yzobelle, kaya wala na rin siya. SA PAGBALIK ni Maximo sa kaniyang bahay nang gabing ‘yon sa pag-aakala na hindi niya na muling madadatnan at makikita sa kaniyang pamamahay ang babae kaninang umaga... natigilan siya at halos bumalik ang galit na nararamdaman niya nang masilayan na naman ng kaniyang mga mata ang babae kasama pa rin ang kaniyang ama na prenteng nakaupo sa kaniyang sala. “At ano pa ang ginagawa mo rito sa pamamahay ko?!” Singhal niya agad at dinuro niya pa ng kaniyang hintuturo ito. Mabilis naman na napatayo ang babae na hindi niya na ngayon maalala kung anong pangalan. Lalapitan niya sana ang dalaga ngunit bago pa man niya magawa ‘yon ay agad na tumayo na si Don Alvaro sa kinauupuan nito kasabay nang pagharang ng matanda sa daraanan sana niya. “Ako ang nagsabi na manatili pa siya rito.” Walang emosyon na saad ng matandang lalaki. Naging matalim ang tingin ni Maximo sa kaniyang ama. “What?! And why--” “Nakapag-pasya na ako, Maximo. Mananatili muna rito sa pamamahay mo si Luna.” “Ano?!” At napalakas na nga ang boses ni Maximo sa kaniyang narinig. Nagsalubong na rin ang kaniyang dalawang kilay sapagkat hindi niya inaasahan ang masamang balita na ‘yun ng ama. Sino ito para mag-desisyon kung sino ang titira sa sarili niyang pamamahay? Bahay niya ‘yon at hindi bahay ng kaniyang ama... kaya sa pagitan nilang dalawa, hindi ba at siya dapat ang masusunod. Sa kabila nang masasamang tingin na ibinabato niya kay Don Alvaro, tila ba ay hindi naaapektuhan no’n ang matanda. Bagkus ay nilalabanan nito ang lahat ng mga tingin niya. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Wala naman yata talagang kinatatakutan ang ama. “Maganda ang intensyon niya, Maximo. Naririto siya upang makapagpasalamat sa pamilya ni Yzobelle at pati na rin sa ‘yo.” Mas lalong hindi makapaniwala si Maximo sa sinabi ng sariling ama. Muling tumaas ang dugo niya sa ulo niya sapagkat hindi niya nagustuhan ang kaniyang mga narinig. “Magpasalamat? Na ano? Na patay na si Yzobelle habang siya naman ay nabubuhay rito? Na ginagamit niya ang puso nang mapapangasawa ko? Anong ikakapasalamat doon, Dad!? Paalisin mo na ‘yang babaeng ‘yan...” At tinuro niya pang muli ang dalaga, “Dahil kung hindi... hindi niya magugustuhan kung ano ang kaya kong gawin sa kaniya!” Bakas ang hindi pagbibiro sa sinabi ni Maximo. Hindi agad nakasagot sa kaniya ang matanda, ngunit sandali lang ‘yon dahil tuluyan na rin itong nagsalita, “Sa ayaw at sa gusto mo, Maximo, mananatili muna rito si Luna. Nasa kaniya ang puso ni Yzobelle. Kung sasaktan mo siya, hindi ba at parang sinasaktan mo na rin ang dating kasintahan mo?” At nang mga sandaling ‘yon, si Maximo naman ang hindi nakapagsalita. Hindi gusto ni Maximo ang pakiramdam na hindi siya makapagsalita. At katulad ng lagi niyang ginagawa, tumalikod na naman siya sa mga ito at nag-walk out. Umaykat siya sa kaniyang silid at pabagsak na isinarado ang pintuan no’n. Mukhang wala na na naman siyang magagawa pa kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ng ama. Pinal na kasi ang desisyon nito at alam niyang hindi niya na ‘yon mababago pa. Kahit na hindi niya pa rin talaga alam kung ano ang dahilan ng matanda kung bakit pinapatira nito ang babaeng ‘yon sa bahay niya. Isang mapait na ngisi ang pinakalawan ni Maximo. “Mag papasalamat siya dahil nabuhay siya? Sige. Tingnan lang natin kung makakapagpasalamat ka pa kapag pinahirapan na kita rito sa pamamahay ko!” ‘Yun na lang ang huli niyang sinabi habang matatalim pa rin ang tingin niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD