"Pangalawang bote na niya 'yan. Kapag nagawa pa niyang tumayo mamaya matapos ubusin 'yan ay magpapasagasa ako sa gitna ng highway," sabi ni Blaze sa mga kaibigan habang ang mga mata'y na kay Raven na mag-isang naka-upo sa dulo ng bar counter kaharap ang isang bote ng Laphroaig whisky. Tulad ng sinabi ni Blaze, pangalawang bote na iyon na mag-isang ini-inom ni Raven. Marco tsked. "Maaga pa ang meeting natin bukas para sa nalalapit na anniversary ng Corp." Si Kane at Grand na parehong nakahalukipkip at nakatingin din sa kaibigang nasa bar counter ay napa-iling. "I heard that Gazi went to the building this afternoon," Kane said, "and obviously, the talk didn't end well." "Ito ang unang beses na makita kong ganiyan si Rave," sabi naman ni Seann na naka-upo sa kabilang dulo ng bar counter k

