Tahimik na binuksan ni Gazi ang pinto ng nursery sa pag-asang hindi niya magising ang mga nasa loob. It was past two o'clock in the morning and she woke up finding herself alone in bed. Wala si Raven sa tabi niya, at kapag ganoon ay alam niya kung nasaan ito. At hindi nga siya nagkamali. Sa loob ng nursery ay nakita niya ang asawa na naka-higa sa loob ng wooden crib, knees folded just so he could fit in. Sa dibdib nito ay payapang natutulog ang anim na buwang sanggol na si Rylie. The father and son connected as if they were just one; Rylie was holding his father's thumb as he slept peacefully on his chest. Kahit si Raven ay payapa na rin ang paghinga, tila hindi in-inda ang pagbaluktot ng mga tuhod para lang kumasya sa loob ng crib at matabihan ang anak. Masuyo siyang ngumiti habang pi

