Hera’s POV Tinatahak na namin ni Eros ang daan pauwi sa mansyon. Patuyo na rin ang buhok ko dahil sa napakahangin sa labas. I know this day didn’t start so nice pero see? This day still ends so well. Nang ’di kalayuan, nakita ko na ang isang poste. Iyon ang palatandaan ko na malapit na nga kami sa bahay. “Eros?” “Hmm?” sagot niya sa’kin habang nakatingin pa rin sa daan. “Do you like Jemma?” tanong ko sa kaniya. I know I shouldn’t ask like this pero kasi talagang curious ako eh. Nag-dead air lang siya sandali. “Hmm, I think everyone likes her.” “No, what I mean is as a girlfriend. Do you like her as a girlfriend?” paglilinaw kong tanong sa kaniya. I don’t know if what will be his answer pero ni-ready ko na lang ang sarili ko. Nilalaro ko ang buhok ko habang naghihintay ng sagot m

