Hera’s POV Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Ayoko na mag-shoot sa wedding advertisement, bahala na sila maghanap ng magiging kapalit ko. Kung dati, nagkukulong lang ako sa kwarto kapag wala ang mga pinsan ko dito o 'di kaya’y wala sila mommy. Pero ngayon nagmumukmok ako dahil inaalala ang mga mainit na palitan ng mga salita, mga masasakit na salita. Maging ang ulan, sinasabayan din ako sa aking paghikbi kaiiyak. “Anak, are you okay? Don't worry pag-uusapan namin ito ng mommy mo first thing in the morning, pati ang bagong makakapartner mo. Good night darling.” Sigaw ni daddy mula sa aking pintuan. Really daddy? Nasa side ka na rin ni mommy! Lalo akong humagulgol sa mga narinig. Wahh bakit ganito ang langit sa akin? Sobra sobra na akong nasasaktan ngayon! “Hera.” Malamig na tawag

