Hera’s POV Napakasarap naman ng suman at latik, nakaka-miss naman 'to ng sobra pang meryenda! Sa US kasi pancake, bread or cereal lang eh. Mas madalas pa nga ang magpagdeliver ng pizza sa condo kung tutuusin. Tatayo na sana ako para kumuha ulit ng biglang may nag pop-up na video call sa aking phone screen. Bakit kaya napatawag ang mga 'to ng ganitong oras? Hapon na dito kaya for sure madaling araw na sa kanila. “Hello, hello, hello!” bungad na panimula sa ’kin ni Max. “Yes, bakit napatawag? Nasira niyo na ba ang condo ko?” biro ko sa kaniya. “Ang ganda talaga ng condo mo Hera, nakakahiyang magkalat.” “Che! Hoy may pagkain sa refrigerator, huwag kayo magtipid ha. Feel at home lang!” “'Yon na nga. Magtatanong sana ako ng password ng mini bar mo dito kaya ako napatawag.” “Leche pa

