Eros POV
This lady can really made my mind like a roller coaster! Kanina sinisigawan niya ako, tapos no’ng nasa byahe na kami, sobrang lungkot naman niya. Ano, binabaliw niya ba ako? Hindi naman pwede na mayroon siyang buwanang dalaw dahil sa pagkakatanda ko last time na iginala ko siya, ganoon din ang mood niya. Ano ’yon buong isang buwan meron siya? Or baka naman may pinagdadaanan lang ang isang ’to.
Nahihiya ako sa kaniya, pinasuot ko kasi ’yong sombrero ko. Baka hindi niya type ang design at kulay pero bagong laba naman ’yon.
Habang tinatahak namin ang daan papaloob ng taniman, nakita ko sa kaniya na mas excited siyang makita ang taniman ng chico. Sa gitnang bahagi pa kasi iyon, hindi tulad ng ibang prutas na makikita mo na kaagad sa gilid mismo ng daanan.
Noong una kong ginala dito si Jemma, inip na inip siya sa paglalakad. Pero ang isang ’to, buong tiyagang nilalakad ang daanan. Hindi na rin kasi makapasok ang kotse dito dahil sa kapal na ng mga tanim.
“Oh my! Eros ang dami-dami!” sigaw niya na halos maluha-luha ang mga mata niya sa tuwa noong nakita ang puno. Nginitian ko na lang siya sa reaction niya.
“Pwede ko na ba pitasin iyan?” turo at tanong niya sa’kin.
“Oo naman.”
“Pwede ko bang pitasin lahat?” halakhak niyang tanong.
“Nako parehas pala kayo ni Eros, ma’am Hera!” tugon ng isa, sa mga namimitas sa puno dito sa chicohan.
Tumingin lang si Hera sa’kin sandali habang nakakunot ng noo.
“’Yan din po kasing mga kataga ang sinabi niya noong bago pa lang siya dito.” Dagdag pa niya.
“Heto ma’am ang small basket, diyan mo po ilagay ang mga magugustuhan niyong chico. Mauuna na po muna ako para kunan po kayo ng meryenda.” Huling sambit ni manang kay Hera at umalis na.
“Shall we start picking and eat one sack of this!” pagyayaya niya. Mukhang nag-succeed naman ako na pasayahin siya ngayon.
Kumuha siya ng kumuha, mga naka-apat din siyang kilo. Makakain niya pa kaya ang meryenda niya mamaya? Baka kasi kahit juice ay hindi na niya malunok dahil sa kabusugan niya.
“Are you done picking?” tanong ko sa kaniya.
“Yes, where can I wash this babies?”
“Babies? You’ll eat them later. Don’t call them like that!” tawa kong pangangasar sa kaniya.
Kapag nagtataray siya at magkasalubong ang kilay niya, ang cute niya tingnan. Pero once na ngumiti siya, grabe nakakatigil na ng t***k ng puso.
“EROS!” sigaw niya dahilan ng pagkabalik ko sa katinuan.
“W-what did you say again?”
“I said tara na! Saan na ’to pwede hugasan? Can you lead me the way? Kanina pa ako nagsasalita dito, binibitin mo ba ako?” takam na takam na talaga ang isang ’to kaya sasamahan ko na siya para maghugas ng ilang piraso. Ay mali, pitong kilo ang huhugasan namin. Purga na naman ako nito sa chico ah!
“Ako na maghuhugas, umupo ka na lang diyan.”
“Sige mag-stre-streching na lang ako ng panga!” tawang sabi niya.
After several minutes, nahugasan ko ng mabuti ang mga chico at inilagay sa plato. Nag-ready na rin ako ng plastic bag kung saan pwede namin itapon ang mga balat. Time to eat this again!
“YUMMY!” dumampot na naman siya ng pangatlo. Ngumunguya pa ba siya? Bakit parang nilulunok niya lang kaagad?
“I miss this so so much, you don’t have any idea how much I miss this fruit!”
“Bakit wala bang ganiyan sa US?” curious kong tanong sa kaniya.
“Mayroon naman pero not yummy as this. Ang mahal din nito doon, imported pa kasi ito doon eh.” Pagpapaliwanag niya.
“I see. Don’t worry lagi kitang sasamahan dito kapag trip mong kumain nito.” Saad ko sa kaniya at nginitian ako ng napakatamis.
“So Eros I’ve heard mahilig ka rin pala sa chico, right?”
“Yes, may common naman pala tayo!” pangangasar ko sa kaniya. Nagulat ako ng bigla naging malumanay ang itsura niya habang nakatitig sa’kin, naramdaman ko ang kuryente sa aking katawan.
“Eros, thank you for bringing me here. I really missed this so much.”
“You don’t have to thank me, you are the daughter of my boss and you have the right to eat all of this as long as you want to.” Saad ko pa sa kaniya.
“Ma’am Hera, ito na po ang meryenda!” saad ng isa naming kasamahan dito.
“Thank you so much po, thanks for the effort!” pagpapasalamat niya.
“May ipag-uutos o ipapasuyo pa po ba kayo ma’am?” tanong niya kay Hera.
“Nako wala po, sobra na nga po ito, salamat po!” sagot naman niya habang nililinis ang ibang kalat na buto at balat ng chico sa lamesa.
“Sige po tutuloy na po ako.” Aalis na sana siya ng biglang nagsalita si Hera.
“One more thing pala manang, just call me Hera po. Please.” Ngumiti lang ang ginang dala ang plastic na naglalaman ng mga balat at tuluyan ng umalis.
“Masyado pa maaga, tara gumala na muna tayo!” pagyayaya niya sa’kin.
“Hmm. Wala ka kasing extrang damit eh, sayang.”
“What do you mean?”
“Maliligo sana tayo sa dagat.” Saad ko sa kaniya habang naghihintay kung ano ang magiging reaction niya.
“FOR REAL? Ano pa ginagawa mo diyan! Tara na para mahaba pa ang oras para lumangoy!” sagot niya sa’kin na halos walang hingahan.
“Eh wala ka ngang damit eh.”
“Papatuyuin ko na lang, or can I borrow yours please!” patay nag-puppy eyes na siya, wala na akong palag!
“Okay tara na tumayo ka na diyan.” Sumunod naman siya sa sinabi ko. Tumayo siya kaagad at pinagpagan ang sarili.
“Ay teka ’yong tira! Wait lang i-pla-plastic ko pa!” akala ko addict na ako sa chico. Thanks Lord hindi pa pala.
“Ay wait.” Saad niya.
“Huwag mong sabihin Hera na mamimitas ka pa, utang na loob ang dami mo ng nakain!” pagpapa-alala ko sa kaniya.
“Baliw! Kukunin ko lang itong tinapay at juice. Baunin natin, baka magutom tayo kakalangoy eh, hehehe.” Usal niya na animo’y kahit mga mata niya ay nakangiti rin sa akin.
No’ng una, ayaw kong makasalamuha ’to dahil akala ko maarte at matapobre, pero hindi pala.
Teka, ’yon lang ba talaga ang rason ko kaya ko siya iniiwasan? Natatakot na ako. Dahil may parte na yata sa puso ko na alam kong matagal ng bato pero napalambot niya, na animo’y ginamitan ako ng mahika -- ng ngiti niyang nakatitigil pansamantala ng aking mundo.