Kayce * * " Lintik! Nakatulog lang ako nawawala na ang buntis na yon!" Inis na sigaw ko naikot ko na ang kabuohan ng Condo unit ni Zenni pero wala ang pasaway. Saan ko na naman hahanapin ang may saltik na yon! Bakit kasi siraulo ang gaga na yon! " Tamang-tama Melvin tulongan mo ako maghanap sa Asawa ko." Wika ko kararating lang niya. " Nasa byahe pauwi sa probinsya sa hacienda ni Don Diego." Tugon ni Melvin Nanlaki ang mga mata ko ibig sabihin dalawang oras lang ang tulog ng pasaway na yon. Nagmamadali ako pumasok sa kwarto naligo at nagbihis. Inaya ko si Melvin pasunod sa pasaway na yon. " Kulang-kulang dalawang araw ang byahe bago makarating. Kung bibilisan natin maabutan pa natin ang Asawa mo." Paliwanag ni Melvin habang nagmamaniho " Ano ba kasi ang ginagawa ng buntis

