Zenni
*
*
" No! Ako ang masusunod! Lahat ng isusuot mo dapat maganda. " Pagalit na wika ni mommy
" Mom! But I don't like to wear that! i hate pink. I want to wear all black! like jeans shirt i hate dress." Naiinis na wika ko
" Gusto ko maging maayos ang pagtingin sayo ng ibang tao. Sisiguradohin ko na magiging maganda ang kinabukasan mo." Pagalit na bulyaw ni mommy
" Anong nangyayari dito?" tanong ni daddy kapapasok lang sa pinto
" Wala tara lalabas narin si Zenni." pagsisinungaling ni mommy hinila si daddy palabas
Walang nakakaalam na ganito ang buhay ko. Kahit si daddy walang alam na naging sunod-sunoran ako sa lahat ng gustohin ni mommy, Wala akong magagawa paghindi ako sumunod ilalayo niya saakin ang alaga ko na tiger, Dapat lahat ng kilos ko pati ang isusuot ko babaeng babae. Maarti at sosyal dapat laging pinupuri ng mga nakakakilala saamin. Gusto niya masiguro na magiging perfect daughter ako. Para sa daw hindi siya mag alaala pag wala na sila. 24/7 may nakabantay saakin.
" Paano ako makakalaya sa aking ina? Isang dating mafia boss si mommy may mga assassin siya. Hindi naman dating ganyan si mommy pero bigla nalang nag-iba simula ng mapansin niyang mahilig ako magsuot ng black at walang interest sa business. Mahilig ako magbasa ng mga libro gusto ko sa tahimik na lugar at gusto ko mapag-isa lagi. Inakala ni mommy na tomboy ako kaya ito ako ngayon para akong de susi.
Pagkalipas ng ilang sandali nakasuot na ako ng pink dress. Pink bag at pink shoes. Para akong human barbie kung bihisan ni mommy
" Hi Dad! Gwapo mo ngayon ah." Nakangiti na bati ko
" Umiyak kaba anak?" tanong ni Daddy
Pinalakihan ako ni mommy ng mata ngumiti ako ng ubod ng tamis
" No Dad! Nalagyan ng sabon ang mata ko kaya namaga." pagsisinungaling ko
" Axel sabayan mo na kami kumain." Aya ni mommy napalingon ako s kararating lang na si axel personal bodyguard ko napangiti ako nasilayan ko ang gwapong bodyguard ko
" Tapos na po ako Tita! " Magalang na tugon ni Axel
Tumayo ako hindi ko inubos ang pagkain ko. Hinalikan ko si mommy sa pisnge ganon din si daddy naglakad na ako palabas ng kusina
" Memeng! Galing mo talaga nauna ka pa sa kotse." Nakangiti na wika ko napairap nalang si Axel
Pagpasok ko sa loob ng kotse Naglambing saakin ang Tiger na alaga ko niyakap ko si memeng
" Memeng! Bakit ang aga mo bumangon. Kakainis ka hindi mo ako hinintay." Nagtatampo na wika ko
Nagmaniho si Axel hindi niya ako kinakausap.
" Memeng! Balang araw makakalabas din tayo! Maninirahan tayong dalawa sa bundok bibili ako ng malawak na lupain kung saan pwede kang gumala. Huwag kang mag aalala gagawin ko ang lahat para maging masaya tayong dalawa." Nakangiti na kausap ko sa alaga ko
Roar lang ang narinig ko na sagot ng alaga ko, napangiti ako! Nawawala ang lungkot na nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si memeng! Ilang beses na tinangkang alisin ni mommy ang tiger ko pero nagtatangka akong magpakamatay. Yon lang ang paraan para manatili si memeng sa tabi ko. Sanay sa tao si memeng kahit sa school nalalapitan siya ng mga tao nilalaro pa nila.
" Axel! Galit kaba saakin?" tanong ko
Wala akong narinig na sagot napailing nalang ako. 16 Year's old na ako pero hanggang ngayon kasing lamig parin ng yelo ang lalaking to. Pagdating sa parking ng school pinagbukas ako ni Axel ng pinto
Paglabas ko Bigla ko siya dinampian ng halik sa labi tapos mabilis na tumakbo. Nakasunod saakin si memeng
" Oh Gosh! Siya ang first kiss ko. s**t! Nakakahiya ang ginawa ko! Bilis ng t***k ng puso ko." Kinikilig na wika ko
" Memeng! Bakit namumula ang pisnge ng Amo mo?" Tanong ni Kailani
" Nagkiss kami ni Axel! Gosh hinalikan ko siya sa labi kanina paglabas ko ng kotse natulala siya sa ginawa ko." Kinikilig na wika ko nanlaki ang mga mata ni Kailani
" Ayeeeh! Ano pakiramdam? Masarap ba ang halik?" Kinikilig na tanong ni Kailani
Ngumiti lang ako naghiwalay kami ni Kailani pumasok na ako sa classroom namin.
" Bawal nga ang hayop sa school." Naiiling na wika ni Mr Balboa
" Sir! Kapatid ko si Memeng! hindi naman siya manggugulo. " Mahinahon na paliwanag ko araw-araw ganito ang setwasyon ko pinapagalitan ng teacher.
Pagkalipas ng maghapon nakalabas na kami sa klase. Nakatanggap ako ng tawag galing kay Jaleel
" Pag tumawag sayo si Alazne sabihin mo magkasama tayo." Bungad na wika ni Jaleel sabay patay ng phone
Napangiwi ako siraulo hanggang ngayon pinapaselos nya si Alazne saakin.
" Kainis! " Naiinis na sambit ko naglalakad ako palabas ng school wala na si Memeng kinuha ni Axel kaninang tanghali. Ilang minuto lang naman si Memeng sa school
Malayo pa ako natatanaw ko na si Axel palinga-linga hinahanap ako.
Mabilis ang bawat hakbang ko nakipag sisiksikan ako sa mga mag-aaral palabas ng gate.
Patakbo ako na lumayo sa kaharapan ng gate.
" 16 na ako ngayon! May bonggang birthday party sa bahay. Kaya hindi ako Uuwi kahit saan basta ang malayo sa mga nakakakilala saakin. Nakipag sisikan ako sa pagsakay sa jeep
Nakasimangot na nakatanaw ako sa kotse na nakasunod sa sinasakyan ko na jeep Ilan sandali lang huminto ang jeep hunarang ng kotse ni Axel napipilitan na bumaba ako
" Pasok!" Galit na bulyaw saakin ni Axel
Napipilitan na pumasok ako sa backseat
" Saan ka pupunta?" Pagalit na tanong ni Axel
" Mahahanap ng magtuturo saakin makipag laban." Nakasimangot na tugon ko
" Bawal kang humawak ng kahit na anong sandata." Masungit na wika niya
" Makalayas lang ako! Babaguhin ko ang pagkakilanlan ko. Mag-aaral ako makipag laban. Gusto ko makipag sabayan sa galing makipag laban nila. Gwen, Alazne, Kailani. Kahit na babae sila at anak mayaman. Nagagawa nila ang lahat ng gustohin nila. Nakatira sila sa ibang bahay malayo sa magulang nila. Walang nagdidikta sa bawat kilos nila kung ano ang susuotin. Kung anong oras uuwi. Marunong sila sa gawain bahay. Magluto maglaba maglinis, pangkaraniwan ginagawa ng babae. Wala akong alam bukod sa magshopping at mag-party. Nagagalit si momma kahit na maghugas lang ako ng plato.
" Sinusunod ko lang ang utos ng mga magulang mo." Mahinahon na wika ni Axel
" Okay lang." malungkot na tugon ko
" Maghahanap ako ng magagaling sa kidnapping. Babayaran ko sila para dukutin ako, ipapamukha ko kay mommy na hindi sapat ang dami ng nakabantay saakin, Gusto ko makipag laban. Gusto ko magdrive ng sariling kotse o kaya motor, Gusto ko makipag laban, Gusto ko maging Astig tulad ng mga kaibigan ko." Piping sambit ng isipan ko
Napaangat ako ng tingin huminto kami sa parke lumabas si Axel. Nasipat ko siya nagsindi ng sigarilyo
" Bumaba ka." Utos ni Axel
Lumabas ako naglakad ako palayo sakanya. Naupo ako sa damohan niyakap ko ang tuhod ko
Gusto ko sana sabihin kay mommy ang lahat ng gusto kung gawin pero, Sa tuwing nag umpisa ako magpaliwanag sakanya nagagalit. Unti-unting nawala ang mga alaga kung hayop sa bawat pagsuway ko sa kagustohan ni mommy, Nilalayo niya ang mga alaga ko, Si memeng nalang ang natira, Pakiramdam ko isa akong bilanggo. Kilan ako magkakalakas ng loob gawin ang gusto ko sa buhay? Iba ang pangarap ko sa landas na tinatahak ko ngayon.
" Happy birthday."
Napaangat ako ng tingin bumungad saakin paningin si axel nakatayo siya sa harapan ko
Nakakunot ang noo ko nakatitig lang siya saakin yumuko siya at Mabilis na inangkin ang labi ko. Saglit lang yon pero para bang nawala ako sa aking sarili.
" Yan ang regalo ko ngayon kaarawan mo." Wika niya naglakad na siya palayo saakin wala sa sarili na napahawak ako sa labi ko sumilay ang ngiti sa aking labi. Sa isang iglap nawala ang lahat ng problema ko.