Unwanted Baby

1914 Words
Napakunoot ang noo ni Lisa ng mabasa ang chat ng kaniyang kaibigang si Mara sa group chat nilang magkakabarkada sa Viber. Nasa dance studio ang dalaga ng hapong iyon at tinatapos ang kaniyang binayarang dance class. Nag-break time lamang sila ng limang minuto at saktong nabuksan niya ang kaniyang cellphone. May gusto raw itong sabihin sa kanila. Napaisip si Lisa kung gaano kaimportante ang sasabihin ni Mara na hindi nito puwedeng sabihin sa chat. Nais daw silang kausapin nito ng personal. Kaya nag-aya ito sa group chat na kung maari ay puntahan sila ng mga ito sa kaniyang boarding house na inuupahan. Apat na taon ng magkakabarkada sina Lisa, Mara, Joyce at Mark. Magka-klase ang mga ito mula pa noong first year sa isang college sa Quezon City. Marahil pare-pareho ng personalidad ang mga ito kaya mabilis na nagkasundo. Parehong masayahin sila at mahilig sa mga physical activities. Si Lisa at Mara ay opisyal na miyembro ng kanilang cheerleading squad. Si Joyce naman ay isang badminton player. Samantalang si Mark ay mahilig sumali sa mga dance contest na may papremyo. Naging malapit sa kanila si Mark dahil napakabait at supportive na tao ito. Hindi rin nito ikinakahiya ang seksuwalidad. Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na ni Lisa ang kaniyang dance class. Agad na nagconfirm siya kay Mara sa group chat na pupunta siya sa boarding house nito. Nakita niyang nagreply din sina Mark at Joyce. Pupunta rin ang mga ito ng gabing iyon kina Mara. Agad na nagtanong si Lisa kung bibili ba siya ng kanilang hapunan. Ayon kay Mara, ito nalang ang magluluto ng kanilang kakainin kaya kahit huwag na silang bumili. Mabilis namang naka-book si Lisa ng Grab. Kalahating oras lang ang nakalipas at narating na niya ang boarding house ni Mara na matatagpuan din sa Quezon City. Naroon na sina Mark at Joyce ng dumating si Lisa. Inimbita muna ni Mara ang lahat na kumain bago raw nito sasabihin ang balita. Mabilis na naubos ng apat ang pagkaing inihanda ni Mara. Kaya habang nagliligpit sila ng mga pinagkainan, nangungulit na si Joyce kung ano ang mayroon kay Mara. Kung ano ang good news nito. O baka naman bad news ito. Hindi na makatiis si Joyce na malaman ang kuwento ni Mara. Inayunan naman ito nina Lisa at Mark. Pinilit na nila si Mara na magsalita. Muntik ng mabitawan ni Lisa ang hawak na baso ng sabihin ni Mara na buntis ito at limang buwan na. Napakaraming tanong ang biglang nagsulputan mula sa tatlong barkada nito. Kung si Nick ba ang ama, kung kumpirmado nga bang buntis ito, kung nanggaling ba ito sa doktor at kung ano ano pa. Malugod namang sinagot ito ni Mara ng buong katapatan. Lahat ng katotohanan ay isiniwalat nito sa tatlong kabarkada. Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod na nangyari. Hanggang sa magsalita si Lisa. Naalala nito ang kaibigang may kilalang nag-lalaglag ng bata sa Tandang Sora. Ikinuwento ng dalaga sa tatlo ang posibleng solusyon na iyon. Matagal ring nagdiskusyon ang apat kung ano talaga ang dapat nilang gawin para malutas ang problema ni Mara. Umiiling iling lamang si Mara noong una. Siguro'y ayaw nitong maging isang masamang taong papatay ng isang walang kamalay-malay na sanggol. Subalit naisip din nito ang kahahantungan niya mula sa kaniyang pamilya. Siguradong itatakwil siya ng militar na ama at ng ina kagaya ng nangyari sa kaniyang ate na ngayo'y nasa malayong probinsya na at naghihirap sa buhay kasama ng nakabuntis dito. Sa isiping iyon, nagpasya si Mara na ipalaglag ang sanggol. Agad na kinontak ni Lisa ang kaibigang nakakakilala sa doktor na nag-lalaglag ng bata sa Tandang Sora. Ilang minuto lamang ang nakalipas at nagreply ito. Naka-konekta kaagad sila sa ilegal na doktor. Nag-set ang magkakaibigan ng schedule sa doktor at nagtulong tulong sa pagbuo ng perang ipambabayad sa dito. Nangako naman si Mara na babayaran niya ang mga ito ng paunti-unti. Nang sumunod na Sabado, nagkita-kita ang magkakabarkada sa isang mall sa Quezon City. Kakain sila ng tanghalian doon at didiretso na sa clinic ng ilegal na doktor sa Tandang Sora. Alas-dos ng hapon ay sakay na ng Grab taxi ang apat. Walang nagsasalita sa mga ito habang umaandar ang sasakyan. Waring hindi nila sukat akalaing malalagay silang lahat sa ganoong sitwasyon. Nang oras na iyon ay guilty si Lisa. Ito'y sa kadahilanang siya ang nagmungkahi ng ganoong solusyon. Nagtatanong sa utak ang dalaga kung tama ba ang kanilang gagawin. Nagulat pa sila ng magsalita ang driver. Nakarating na diumano sila sa bahay na kanilang nai-pin sa location. Nasa pinakadulo ito ng isang matandang subdibisyon. Kaagad na nagbayad si Mark na katabi ng driver sa unahang upuan. Isang palapag lamang ang bahay ng nirekomendang doktor sa kanila. Hindi bago ang bahay at hindi rin sobrang luma. Mukha nga lang isang haunted house dahil nakasarado ang lahat ng bintana at inaagiw na ang mga gilid nito. Pinapaikutan na rin ito ng mga mataas na damo at nasasabitan ng mga bahay ng gagamba. Isang kasambahay ang sumalubong sa kanila at sinabing nasa loob na raw ang doktor at naghihintay sa kanilang pagdating. Nakahanda na rin daw ito sa gagawin. Habang papasok sila sa bahay na iyon, napansin ni Lisa na parang naging kakaiba ang ihip ng hangin sa paligid. Siguro's dahil alas-singko na ng hapon. Nagkatinginan sila ni Mark. Sa palagay ni Lisa ay naramdaman din ni Mark ang lamig ng hangin na iyon. May kalumaan na ang sala ng nasabing bahay. Ang ibang dekorasyon ay mukha ng antigo at ang iba naman ay puro alikabok. Nagpakilala ang doktor sa kanila at ipinaliwanag na minsan lang daw nila ginagamit ang bahay na iyon kaya naman hindi na-maintain ang kailinisan sa sala. Pero ang clinic daw nito ay nasa basement. Ayon pa rito, malinis daw ang kaniyang operation room. At dahil nga ilegal ang gawaing ito, kailangang nakatago ang clinic sa publiko. Wala ng ibang taong naroon kundi ang kasambahay lamang at ang doktor. Matapos mag-usap ng dalawang grupo ay tinungo na nila ang pintuang magbababa sa kanila sa basement. Pagkababa ng apat, tama ngang napakalinis ng clinic nito. Makikitang mamahalin din ang mga gamit. Kaya siguro mahal ang singil nito sa kanila dahil sobrang ligtas ang pag-ooperate nito. Sa isang waiting room sa basement pinaupo ng kasambahay sina Lisa, Joyce at Mark. Samantalang dinala na ng doktor si Mara sa operation room nito. Ilang minuto pa ang nakalipas. Puro impit na sigaw na ni Mara ang maririnig sa buong basement. Halatang nahihirapan ito sa kung ano man ang ginagawa ng doktor sa kaniya. Naninindig ang mga balahibo ni Lisa habang naririnig ang mga pag-iri ni Mara. Nagkatinginan ang tatlo at waring pareho lamang sila ng nararamdaman. Habang umiiri ang kaibigan, hindi maiwasan ni Lisa na isipin kung saan dinadala ng doktor at ng kasambahay ang mga patay na sanggol. Pinapadasalan ba nila ito? Inililibing ba sa isang sementeryo? O baka naman tinatapon na lamang sa kung saan. Kinilabutan si Lisa sa isiping iyon. Paano kung tinatapon nga lamang ito ng kasambahay sa kung saan? Nakakaawa at nakakatakot. Muntik ng mapatayo si Lisa ng biglang may isang iyak ng sanggol siyang narinig. Kasabay nito ang malakas na sigaw ni Mara. Agad siyang tumingin kina Joyce at Mark. Nagtatanong ang mga mata ng dalaga kung narinig din ba ito ng dalawa. Subalit parang wala naman sa mga ito. Siguro ay guni-guni lamang niya iyon kaya hinayaan na lamang niya ito. Ilang oras din ang nakalipas at natapos na ang operasyon. Matagumpay naman ito. Kahit paika-ika si Mara noong umakyat sila sa sala ay mukhang maayos naman ito. Maya-maya pa ay nag-usap ulit sila ng doktor sa sala. Samantalang ang kasambahay naman ay naiwan sa basement. Siguro ay maglilinis ito ng mga nagkalat na dumi roon. Bumalik na naman sa utak ni Lisa ang mga katanungang saan nila dinadala ang mga patay na sanggol. Kinilabutan ang dalaga ng parang may mahagip ang kaniyang mata sa isang salaming nakadikit sa dingding na isang sanggol na nakahubad na nakasabit ng pabaliktad sa kisame. Bigla niyang iniangat ang ulo at inusisa ang kisame subalit wala namang sanggol roon. Muli, inisip nitong guni guni lamang niya iyon. Alas siyete na ng makapagpaalam sila sa doktor. Nagtaxi na silang apat pauwi. Ihahatid na lamang muna nila si Mara sa kaniyang boarding house at didiretso na rin sila uuwi pagkatapos. Bago umalis ang taxi na kanilang sinasakyan. Naisipan ni Lisa na lingunin ang bahay. Nakita niyang naghuhukay ang kasambahay sa gilid ng isang puno sa harap ng gate. Pagkahatid nila kay Mara, pinayuhan nila itong magpahinga na ng gabing iyon. Nagbook na sila kaagad ng Grab na mayroong tatlong drop offs. Unang bumaba si Joyce. Hindi alam ni Lisa kung namamalikmata lamang ba siya o totoong nakita niyang may nakaaba sa likod ng kaibigan habang naglalakad ito papasok ng kanilang gate. Animo'y isang sanggol itong nakahubad at punong-puno ng dugo. Bigla rin itong naglaho pagpasok ni Joyce sa pintuan nila. Sinarili na lamang ni Lisa ang nakita baka pagtawanan lamang siya ni Mark. Siguro'y madilim lang ang lugar nila Joyce kaya hindi niya ito nakita ng maayos. Sumunod na bumaba si Mark. Kinabahan na si Lisa ng makitang may nakaaba ding nilalang sa likod ni Mark. Katulad ng una, hugis sanggol din ito na walang damit at duguan. Nanindig ang mga balahibo ng dalaga dahil alam niyang minumulto siya. Pagbaba ni Lisa sa gate ng compound nila, agad siyang tumakbo ng mabilis papunta sa unit niya sa ikatlong palapag. Hindi na siya nag-elevator. Agad siyang pumasok sa kuwarto at isinara ang pinto. Ibinaba niya ang bitbit na shoulder bag sa isang upuan at pinuntahan niya ang salaming nakadikit sa CR ng kaniyang kuwarto. Nanginginig na sinuri ng dalaga ang sarili kung may sanggol din bang nakaaba sa kaniyang likuran. Laking pasasalamat niya ng wala naman siyang nakita. Maya maya pa ay tumawag ang guard sa telepono mula sa gate ng compound nila. "Mam, huwag po kayong matatakot ha, kasi po nakikita ko dito sa baba na maraming mga sanggol sa labas ng kuwarto ninyo. Nakahubad po ang mga ito at duguan. Hindi kaya minumulto po kayo? Sabihan niyo po ako kung may nararamdaman kayong kakaiba o gusto ninyo ng tulong. Baka kasi namamalikmata lang ako." Naihi si Lisa sa takot. Agad niyang sinilip ang pintuang nakasara. Kitang kita niyang may mga aninong gumagalaw galaw sa labas nito. Napaiyak ang dalaga sa sitwasyon niya. Gusto niyang lumabas at pumunta sa maraming tao subalit wala siyang madadaanan palabas. Binalikan niya ang kausap na guard sa telepono. "Kuya, puntahan niyo ako please. Maligno po iyong mga nakikita ninyo. Tulungan niyo po ako." Agad namang sinabi ng guard na aakyat na siya at ibinaba na nito ang telepono. Nagulat si Lisa ng biglang tumunog ang door knob ng kaniyang kuwarto. Nataranta siya ng maalalang hindi pala niya ito nai-lock. Unti-unting pumihit ito ng pabukas. Dahan dahang bumukas ang pinto. Halos takasan ng ulirat si Lisa ng makita ang isang duguang sanggol na gumagapang palapit sa kaniya. Isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan. Nakakatakot ang mukha ng bata. Parehong pula ang malalaking mata nito at nakalabas ang mga maliliit ngunit matutulis na mga ngipin. Maya-maya ay may sumunod pang dalawang duguang sanggol. Lalo siyang kinilabutan sa nasaksihan. Nagtaasan ang mga balahibo niya. Tuluyan na siyang nanghina sa takot. Napaupo ang dalaga sa gulat ng biglang namatay ang ilaw sa kaniyang kuwarto. Pagbukas ulit ng ilaw, nasa harapan na niya ang maraming malignong sanggol. Duguan ang mga ito at sabay sabay na lumalapit sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD